Feeling nostalgic kaya binabalikan ang masasayang alaala sa nakalipas na dekada.
Marahil ito ang magandang description kung bakit patok na patok ngayon ang 2016 trend.
Sa mga nakalipas na linggo, ang mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang mga sikat na celebrities and personalities, ay nagpo-post online ng kanilang throwback 2016 photos and videos.
Sa Pilipinas, ang trend na ito ay tinawag na “2026 is the new 2016.”
Hindi nagpahuli ang mga local celebrities sa pagpo-post sa social media ukol sa career at personal highlights nila noong 2016.
Nakiuso sina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia, Janine Gutierrez, Megan Young, Wynwyn Marquez, at marami pang iba.
Pero bakit partikular na 2016 ang piniling taon?
Read: Celebrities join the "2026 is the new 2016" nostalgia trend
WHY IS 2016 TRENDING?
Maging ang major news and magazine online media platforms ay may kanya-kanyang artikulo na tinatalakay ang 2016 trend, patunay sa laki ng impact ng trend.
“The 2016 trend on social media has everyone nostalgic for what now seems like a happier, simpler time,” parte ng artikulong lumabas sa Glamour.com.
Binanggit na ang “2016” searches ay umakyat ng 452 percent sa nakalipas na linggo, ayon sa TikTok.
Samantalang higit na sa 1.6 million videos na 2016 throwbacks na ang na-upload sa nabanggit na platform.
Sa Snapchat naman, ang “2016” searches ay umakyat ng higit sa 600 percent sa pagsisimula ng 2026.
Pati ang “dog filter” nito ay pumukaw ng interes dahil higit 300 percent ang itinaas ng search queries. Maging ang 2016 music library ng platform ay umakyat ng higit 600 percent, batay sa NBC report.
Lumalabas ding pakiramdam ng mga tao—lalo na ng millennials (1981-1996) at ng Gen Z (1997-2012)—ay napakabilis ng paglipas ng isang dekada, na parang kahapon lang.
Ang 2016 ay panahon kung saan maituturing pang “safe space” ang social media.
Ang mga tao ay nagpo-post noon—gamit ang Facebook, Instagram, at dating Twitter—para mag-update o kaya ay magkaroon ng update tungkol sa mga kaibigan at mga kakilala.
“Feeds were more about relationships than reactions, so people saw familiar faces, daily updates, jokes, and shared moments. This kind of content helped people feel connected and safe, and scrolling did not feel as emotionally draining,” paliwanag ng clinical psychologist na si Tracy King sa Glamour.com.
Binanggit din dito na 2017 nang magsimulang gamitin ang social media para mag-post ng matitinding opinyon at emosyon—tulad ng galit at takot—ang mga tao.
Naging global news ang balita ukol sa Brexit, o ang pagkalas ng United Kingdom sa European Union. Nagsimula ang isyung ito noong 2016. Tuluyang kumalas ang U.K. sa union noong January 2020.
Taong 2017 din noong unang mahalal bilang pangulo ng United States si Donald Trump, na naipagpatuloy ang kanyang second term noong 2025.
Ang dalawang mainit na usaping politikal na ito ay dinagsa ng mga komento at sentimiyento mula sa mga netizens.
POPULAR THINGS IN 2016
Nagkaroon ka ba ng Pokemon Go?
Sobrang in-demand noon ang mga characters na base sa hit video game na ito.
Nabanggit siya sa “2026 is the new 2016” post ni Megan Young.
Noong 2016 din ay buhay na buhay ang music genre at lumabas ang mga tanyag na kanta, tulad ng "Work" ni Rihanna, “Closer” ng The Chainsmokers, “Love Yourself” ni Justin Bieber, at marami pang iba.
Paliwanag ni King, mas bata pa noon ang Millennials at Gen Z at ang kanilang pokus ay ang paghubog sa kanilang pagkatao, pag-build ng relationships, at pagbuo ng mga pangarap para sa kanilang future.
Saad ng psychologist, ang 2016 trend ay hindi raw ukol sa pagbabalik-tanaw kundi “trying to reconnect with a sense of meaning, continuity, and self-understanding that feels harder to access in the present.”
Sabi pa niya, “Instead of growth and new choices, adulthood started to mean coping and surviving much sooner than expected.”
Read: Robi Domingo speaks on reported tension with John Lloyd Cruz
millennials and gen z PEOPLE GET NOSTALGIC
Ang paliwanag na ito ay tugma sa pag-analisa ng NBC sa 2016 trend.
“It’s 2026, people are feeling nostalgic for 2016 [because] enough time has passed to have those warm feelings for that time,” sabi sa NBC ni Clay Routledge, isang existential psychologist, at eksperto sa science of nostalgia.
Dagdag pa ni Routledge, pinaka-apektado sa pagbabago sa technology ang Millennials at Gen Z, lalo pa at nagbu-boom ngayon ang artificial intelligence o AI.
“People tend to be nostalgic when they’re anxious about the future or they’re not sure what direction in life to take.”
Ang nabanggit kasing generations ay nakakaramdam daw ng anxieties at ang coping mechanism nila diumano ay nostalgia.
Ang isa pang basic at madaling maunawaang paliwanag ni Routledge ay nagiging sentimental ang mga tao sa kanilang kabataan, ang panahong sila ay "young, wild, and free."
Hindi naman daw kailangan ng partikular na taon para maging nostalgic ang tao.
Anytime, basta't naglalaan sila ng oras para maalala ulit ang mga karanasang nagpapasaya sa kanila o hindi nila malilimutan.
Kahit daw ang mga masasakit o mapapait na alaala ay nagagawa nilang balikan na hindi negative feelings ang nagingibabaw kundi mga lessons na natutunan.
Kumbaga, yesterday’s worries become today’s memories.
