Limang lucky charms ang inirerekomenda ng feng shui consultant na si Johnson Chua para sa mga nais suwertehin ngayong Year of the Fire Horse.
Puwede ang mga ito sa mga gustong umusad ang love live at career, pati na rin sa mga signs na sinasabing hindi masuwerte ngayong 2026,
Read: Foods to prepare to usher in good luck this Chinese New Year
FIVE LUCKY CHARMS
Ang mga lucky charms ay maaaring i-display din sa bahay para papasukin ang suwerte.
At lahat sila ay matatagpuan sa Sunrise Lucky Charms and Gift Items sa Binondo, Manila. Pag-aari ito ni Johnson.
Horse image
“Because 2026 is Year of the Horse, ‘no, number one, kailangan magkaroon tayo ng mga horse image,” sabi ni Johnson.
Paliwanag pa niya: “Kasi ang horse po, talaga nagdadala talaga ng suwerte iyan.
“Nagdadala siya ng success energy, nagdadala ng sinasabi nating, ‘The horse is bringing you toward success in the end.’ Ibig sabihin kapag may horse image tayo, lahat ng gusto natin, makukuha natin.”

Money tree
Bilang pampasuwerte sa pera, highly recommended niya ang money tree.
Itor raw ang lucky charm “kung gusto natin medyo mas lumakas ang money luck natin at dumami pa yung perang pumasok sa atin.”

Wu Lou o Holy Gourd
Sa mga conscious naman sa kanilang kalusugan, ang inirerekomenda ni Johnson ay "Wu Lou...kasi maganda po siya para sa health at saka maganda siya for healing.”

Double Happiness
May pampasuwerteng ipinapayo ang feng shui expert para sa mga naghahanap ng pag-ibig at gustong lalong tumamis ang current relationship.
Ang tawag dito ay Double Happiness.
Sabi ni Johnson: “Single happiness for single happiness of a person. Pero if you can share that happiness to your partner or to someone, that’s where double happiness [comes in], which also represents luck in marriage.
“So maganda siya for love. Naghahanap ng partner or para dooon sa mga couple para lalong ma-strengthen pa yung relationship.”

Water charms o image
Sabi pa ng consultant, “Water image na mga charms o mga blue crystals, kasi itong mga blue na ito o mga water-related may kinalaman siya to boost pa yung opportunity luck natin para sa taon."

Read: Tips: What the unlucky signs should do in 2026
DOES SIZE MATTER?
Inusisa rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Johnson kung may kinalaman ba ang pagkakaroon ng malaking lucky charm.
Mas susuwertehin ba kapag mas malaki ang binili?
Simple ang sagot niya: “Ginagawa kasi natin sa mga lucky charms is also proportion. Like, for example, kung malaki po yung house natin o malaki ang establisimiyento natin, I think better kung malaki rin yung ilalagay natin.
“Pero kapag maliit lang naman po yung place natinm puwede na rin po yung maliit.”
Sundot niya: “Binanggit natin, ‘The eyes have the power. Whatever you see emits energy.’
“Kung napakalaki po ng isang establishimyento at inilagay niyo ay isang ganito kaliit na ornament, wala pong makakapansin. So it doesn’t emit [energy]. Hindi mo kasi siya napapansin o nakikita. So minsan pino-proportion po natin siya.”
THE VALUE OF CUSTOMIZED BRACELET
Pagdating naman sa pagsusuot ng lucky charm, ipinaliwanag ni Johnson ang kahalagahan ng customized o personalized bracelet.
Tinatawag daw itong power bracelet, kung saan ang pampasuwerte ay “intentional.”
Natutugunan umano nito ang aspetong nais matutukan ng nagsusuot.
“Every year din po, gumagawa kasi kami ng bracelet. This is the bracelet that enhances potentials of the person,” sabi ng feng shui expert.
Kung masuwerte ang animal sign mo ngayong taon, nama-maximize raw ng power bracelet ang suwerte ng nagsusuot.
“Pag medyo hindi masyadong lucky yung taon o medyo challenging, then medyo poproteksiyunan at ibu-boost natin yung mga parts ng good luck energy niya.”
Ang power bracelet ay customized daw batay sa animal sign ng nagsusuot, at ikinokonsidera rin ang araw at buwan ng kapakanakan niya.
Sabi pa ni Johnson sa power bracelets: “All of them are made of natural crystals.
"Kasi pag natural ang crystals, mas meron siyang healing power, meron siyang protective power na psychic defense.”
In summary, ang mga charms na ito ay posibleng makatulong, pero huwag kalimutan na ang katuparan ng plano ay nasa determinasyon at diskarte ng tao.
