Papabor ba ang pag-ibig para kina Kathryn Bernardo at Bea Alonzo?
Ano kaya ang magiging takbo ng career nina Vice Ganda,Heart Evangelista, Barbie Forteza, at Coco Martin?
Ano ang sinasabi ng mga bituin nina Marian Rivera at Dingdong Dantes?
Ilang araw bago ang Chinese New Year, sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment makapanayam siya tungkol sa kapalarang naghihintay sa ilan sa mga pinakasikat na artista sa Pilipinas ngayong Year of the Fire Horse.
Read: Tips at guide sa pag-ibig, ayon sa iyong Chinese zodiac sign
FENG SHUI EXPERT'S PREDICTIONS
Kathryn Bernardo, March 26, 1996- Year of the Fire Rat
Ang Rat ay isa sa Chinese zodiac signs na pinag-iingat ngayong Year of the Fire Horse.
Ito ang payo ni Johnson kay Kathryn: “So sinabi rin po natin that this year kasi, ang Rat po, medyo partly, medyo challenging this year.
“Kaya dapat po, medyo maging maingat siya sa kanyang mga decisions. Huwag lang po siya masyado maging padalus-dalos or maging impulsive, especially in terms of investments.
“Mag-ingat din siya sa trust, kasi baka mamaya may mga taong puwede mag-take advantage or puwede siya maloko. Kaya dapat maging mas careful po siya.
"Saka sa health po, medyo maingat siya sa kanyang gastro, stomach…”
Ano naman ang advice ng feng shui consultant pagdating sa love life ni Kathryn, na napapabalitang karelasyon na umano si Lucena City Mayor Mark Alcala?
Sabi ni Johnson: ”Pagdating naman po sa love, because this year kasi is a Horse Year, so hindi pa po kasi ganoon kalakas ang energy ng love luck para sa may Year of the Rat, 'no?
“Although kung meron mang mga possible na dumating, siya [Kathryn], puwede naman siyang maging open. Pero sana huwag lang po siya maging sobrang ganun ka-desperate or ma-in love kaagad. Mas better po, mas better if focus muna yung career for the year.”
Vice Ganda, March 31, 1976 – Year of the Fire Dragon
Mukhang magtutuloy-tuloy naman ang magandang kapalaran ng It’s Showtime main host.
“Fire Dragon is one of the top five animal signs, 'no? So, we can say na this year will be a very good year,” saad ni Johnson.
“Marami pa rin po mga projects na darating sa kanya and very strong din yung influence sa energy niya. So medyo keep up the good work. Kasi may mga signs of growth, prosperity, and expansion para sa kanya.”
Gayunpaman, pinaalalahanan ang Unkabogable Star pagdating sa kanyang kalusugan.
“Sa health lang, medyo maging careful siya kasi baka maging sobrang pagod siya para for the year. So, medyo ingatan yung emotions tsaka sa health."

Dingdong Dantes, August 2, 1980 – Metal Monkey
Umaayon din ang mga bituin sa kapalaran ng Kapuso prime actor pagdating sa kanyang career.
“Monkey naman this year, malakas pa rin ang kanilang mga network and connection. Malakas pa rin po yung kanilang dating in terms of projects,” saad in Johnson.
“Although this year kase, may mga certain transformations na puwedeng mangyari sa Monkey.
"Baka may makita lang siya na may mga bagong projects, bagong transformation na totally iba sa kanyang mga ginagawa.
"Or baka siya mismo, meron siyang madi-discover na mga bagong talent or skills na gusto rin niyang i-try."
Ang warning lang niya: “Mag-iingat lang po siya sa trust issue. Medyo prone kasi sa manloloko at magnanakaw ang Monkey. Kaya dapat wag silang mabilis magtiwala.”
Marian Rivera, August 12, 1984 – Wood Rat
Pinag-iingat din si Marian sa kanyang kalusugan, gayundin sa taong pagkakatiwalaan.
“Kaya dapat maging maingat lang po for this year pagdating po sa mga trust issue. Kasi hindi po lahat, puwede natin pagkatiwalaan agad.
“And also, ingatan po niya ang kanyang health, especially in terms of blood circulation like hypertension. And dapat maging maingat din po siya pagdating po sa kanyang gastro.”

Coco Martin, November 1, 1981- Metal Rooster
Bagama’t maganda ang nababasa ni Johnson para kay Coco Martin, may mga paalala rin siya careerwise.
“Rooster po kasi para for the year, maganda naman po yung kanilang mga bagong mga maiisip na mga idea. Chances are, meron naman siyang malulutong bagong project na puwedeng mag-work din para for this year.
“Although, yun nga lang po, ang Rooster kasi ,medyo prone sila sa mga misunderstanding or case problems, like that. So, medyo maging maingat lang po siya, kasi, mamaya magkaroon ng mga tensions, arguments, or mga problems na puwedeng makasira sa reputasyon niya,” ang reminder ng feng shui expert.
Read: Five must-have lucky charms, according to feng shui expert
Bea Alonzo, October 17, 1987 – Year of the Fire Rabbit
Umaayon ang lahat ng aspeto para kay Bea Alonzo, batay sa basa ni Johnson.
“Rabbit is number one animal sign for this year. So we can say na magiging mas positive pa po yung luck niya for the year. Magiging very productive,” sabi ni Johnson.
“Malakas din yung networking power niya for this year. And love star niya is also very strong for this year. So, there's a chance na medyo lahat pong magpu-fall into place.”
Sa kabila nito, may paalala siya sa aktres.
“Pero, yun nga lang po, ang magiging kalaban lang niya, sarili rin po niya. Kasi medyo mataas po ang emotions ng Rabbit. Medyo sensitive. Huwag lang po siya masyado magpapadala sa kanyang emosyon.”

Heart Evangelista, February 14, 1985 – Wood Rat
Ibayong pag-iingat naman ang ipinapayo ni Johnson kay Heart.
“Sa Year of the Rat, because this year nga po, medyo may mga dapat ingatan po ang Year of the Rat.
"Maging maingat sila sa pag-handle din ng pera nila. ‘Tapos huwag din mabilis magtiwala,” ani Johnson.
“Saka medyo mag-ingat po din sa health, especially for this year po. Ang mga February, medyo affected po kasi tayo ng mga viral infections or mga gastro problems.”
Barbie Forteza, July 31, 1997 – Year of the Fire Ox
Masuwerte rin ang taon para sa Kapuso leading lady.
“Fire Ox naman kasi para this year is also one of the top three animal signs. We can say na this year should be a good year, especially malakas ang kanilang mga network and connection.”
Magkakaroon daw ng maraming proyekto si Barbie.
“And then another thing para sa mga Ox rin, malakas din ang kanilang dating for this year like influence, power… Baka may mga bago siyang project din.
"Parang siya yung magdadala. Siya yung magbibigay ng parang kakaiba on that part. ‘Tapos magugustuhan din siya ng mga tao.”

Sa huli, sinabi ni Johnson na ang kanyang predictions ay magsisilbing gabay lamang at hindi magdidikta sa kapalaran ng mga artista.
