PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Princess Punzalan details life as a nurse in the U.S.

“Bago pa sumikat ang araw, nandon na ako sa trabaho."
by Bernie V. Franco
Published Feb 28, 2026
Princess Punzalan
Princess Punzalan had an affluent life in the Philippines and a thriving showbiz career but chose to follow her husband to the U.S. Why did she decide to leave it all behind and start a new life there?
PHOTO/S: Luchi Cruz Valdez on YouTube / ABS-CBN

Isa nang full-fledged nurse ang seasoned actress na si Princess Punzalan, 57.

Sa ngayon, nagtatrabaho siya sa Los Angeles Medical Center, isa sa pinakamalaking ospital sa United States.

Sa kanyang propesyon, siya ang nagsisilbi sa ibang tao.

Pero sa Pilipinas, kung saan siya ay kilala bilang magaling na aktres, siya ang pinagsisilbihan.

Pagbubunyag pa ng famous kontrabida, marami siyang nakikita at ginagawa bilang nurse na hindi masisikmura ng marami.

“Hindi ko nga inambisyon na mag-Amerika kasi ang akala ko talaga, sa buong buhay ko, hanggang tumanda na ako, sa Pilipinas ako,” paliwanag ni Princess sa YouTube interview ni Luchi Cruz-Valdez nitong February 26, 2026.

Si Princess ay kasal sa American na si Jason Field, na siyang dahilan kung bakit umalis siya ng bansa.

“Sabi niya, mas marami daw siyang opportunity sa Amerika. So ako yung pumunta dito.”

Dalawang dekada nang naninirahan sa U.S. si Princess kasama ang asawa at nag-iisa nilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bakit nagdesisyon si Princess na maging nurse?

Read: How Princess Punzalan survives life's ups and downs

PRINCESS ON TAKING UP NURSING

Gusto raw sana ni Princess na mag-aral ng psychiatry, subalit sinabi ng kanyang husband na may edad na siya.

Kaya kumuha siya ng nursing, na natapos niya sa loob ng anim na taong pag-aaral dahil palipat-lipat sila ng states.

Sinuwerte naman si Princess na makapasa sa board exam sa kanyang unang take.

Read: Princess Punzalan: from Mula Sa Puso's primera kontrabida to international actress

BIG CHANGE

Aminado si Princess na 180 degrees ang inikot ng kanyang buhay sa kanyang bagong propesyon.

“Sa Pilipinas, pinagsisilbihan ako. Pagdating dito, ako ang nagsisilbi,” saad niya.

Limang beses sa isang linggo ang pasok niya sa ospital.

“Bago pa sumikat ang araw, nandon na ako sa trabaho. Uuwi ako palubog na ang araw, so busy talaga.

“’Tapos, siyempre, pagdating ng bahay, hindi naman puwedeng [pahinga] lang. Kikilos ka dahil wala kang uutusan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sa Pilipinas ay may mga katulong siya, silang mag-asawa lamang daw ang magkatuwang sa Amerika.

“Mabuti na lang independent ako sa Pilipinas. Kahit kunyari absent yung helper o yung driver, I can function.”

Pagdating sa U.S. kinailangan daw niyang pagtuunan ang scheduling para magawa ang lahat ng dapat gawin.

“Ang mahirap pa kunyari may full-time job ka, maghahatid ka ng bata sa eskuwela, manunundo ka ng bata, magluluto, magpaplantsa, maglalaba, lahat na... Paano mo gagawin lahat iyon?”

Upang magampanan ang lahat ng kanyang responsibilidad, nawalan daw siya ng social life.

Isa pang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang maging nurse ay may kinalaman sa kanyang ina.

“Ang naging problema ko, hindi ko naiintindihan kung ano ang nangyayari sa nanay ko.

"Hindi ko maikuwento sa mga kapatid ko, sa mga kamag-anak ko, sa mga kaibigan ano bang nangyayari sa nanay ko dahil hindi ko naiintindihan din,” lahad ni Princess.

Ang ina ni Princess ay ang kilalang aktres, radio, at TV personality na si Helen Vela, na namatay dahil sa lymphoma noong February 14, 1992.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ama naman ni Princess ay ang TV at radio personality na si Orly Punzalan, na namatay noong January 2005.

Parang naging advocacy raw ni Princess na ma-educate ang pamilya ng mga pasyente ukol sa pinagdadaanan ng kanilang mahal sa buhay.

“Susubukan ko yung my best para turuan, tulungan yung mga tao, yung pamilya kung ano bang totoong nangyayari, ano ba yung dapat nilang maintindihan bago sila gumawa ng desisyon,” pahayag ni Princess.

Princess Punzalan, Luchi Cruz Valdez
Princess Punzalan tells Luchi Cruz Valdez how she ended being a nurse in the U.S.
Photo/s: Luchi Cruz Valdez on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIFE AS A NURSE

Sa pagiging nurse, aniya, kailangan ng matibay na sikmura.

“Hindi madali kasi minsan din, maraming mga bagay na kailangan mong gawin bilang nurse na hindi ginagawa ng normal na tao. Marami kang nakikita at mga naaamoy na mga bagay na hindi kaya ng ibang tao,” hayag niya.

Malaking bagay raw na likas na nurturing ang personality ni Princess.

Hindi rin daw siya maarte at maselan.

Dagdag niya, “Parang nasanay na ako sa gory na mga bagay, kunyari, nakakita ako ng utak na sumabog, mga taong namatay...”

THE EDGE OF FILIPINO NURSES

Natalakay rin nina Princess at Luchi ang tungkol sa paghanga ng ibang lahi sa mga Filipino nurses.

Ano nga ba ang edge ng mga Pinoy sa kanyang propesyon?

“Ang mga na-e-encounter ko, yung mga galit na pamilya, parang andaming reklamo.

“Minsan, ang kailangan lang nila yung taong sincerely gustong marinig. Ano bang nararamdaman ninyo? Ano bang problema? Bakit ka galit? Anong maitutulong ko sa iyo? How can I make it better?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung nakikita nilang sincere kang nakikinig at sincerely gusto mong tumulong at ayusin ang sistema, kumakalma naman sila.”

Napansin daw ni Princess na mas naa-agitate ang pamilya ng pasyente kapag ang nakikinig na healthcare worker ay nakatingin lang at defensive.

“I think natutunan ko, dahil nga sa nanay ko, natuto akong makinig. Ewan ko, parang gift ko yata. Kahit yung mga strangers, kumportable silang sabihin sa akin yung pinakasikreto nila sa buhay.”

Inusisa si Princess kung paano niya nakakaya ang matinding stress dulot ng pagiging nurse.

Sagot niya, ang kanyang matibay na pananampalataya.

Ang payo naman niya sa lahat ng mga nais maging nurse sa U.S.: “Maraming iba't ibang klaseng personalities at kulutura ang haharapin, so racism is a big deal here.

“So kailangan bukas ang isipan mo para tanggapin ang ibat-ibang klaseng kultura at marunong ka dapat makisama sa iba't ibang klaseng kultura.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Princess Punzalan had an affluent life in the Philippines and a thriving showbiz career but chose to follow her husband to the U.S. Why did she decide to leave it all behind and start a new life there?
PHOTO/S: Luchi Cruz Valdez on YouTube / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results