Bagama’t dumarami na raw ang mga Pilipinong nag-iipon, ipinaliwanag ni Chinkee Tan, isang wealth coach, kung gaano ka-importante ang separate savings accounts.
Bukod sa goal na makaipon, mahalaga raw na protektahan at palaguin ang ipon, paalala ni Chinkee.
Isang example na ibinigay niya, kung sa iisang savings account lang nakalagay ang ipon, puwede raw itong maubos kapag nagka-emergency.
Ito raw ang disadvantage kapag hindi hinihiwalay ang finances.
Payo ni Chinkee, wag paghalu-haluin ang pera.
Paghiwalayin ito at magkaroon ng separate savings accounts: hiwalay ang pera para sa emergency, sa trips, sa bills, at sa wants.
“Iba-iba ho. Hindi puwede nating pag-isahin. Pag pinag-isa mo, walang label, maghahalo-halo iyan. Mauubos iyan," paalala niya sa One Balita ng One PH.
Pagdedetalye niya, ang emergency ay para sa sakit, accident, at unemployment.
Ang savings para sa specific goals tulad ng negosyo, bahay, education, o kasal.
“Mas madaling i-track kapag hiwa-hiwalay, may ipong pang-wants at ipong pang-needs. Dapat hiwalay ito. Hindi sapat na may ipon, dapat ay may direction,” ani Chinkee.
BETTER MONEY MANAGEMENT
Ang pagkakaroon ng multiple bank accounts ay para sa “better money management,” ayon na lumabas sa article ng Maya, isang all-in-one money app.
Na-publish ito sa website ng brand noong October 2025.
Maraming Pilipino na raw ang sumusubok sa multiple bank accounts “not just for convenience, but for control.”

Read: The dangers of relying on social media for skin care
THE BENEFITS OF MULTIPLE savings ACCOUNTS
Inisa-isa rito kung bakit nakabubuti ang multiple savings bank accounts.
Faster in hitting financial goals
Aminin natin, mas madali kung mayroong lamang isang bank account.
Mas simple. Walang masyadong hassle.
Pero maaari rin daw itong magdulot ng confusion.
Paano?
“When your salary, savings, bills, and spending money all sit in one place, it’s hard to tell how much you can actually use,” saad sa article, na tugma sa hayag ni Chinkee.
Dapat ay hiwalay rin daw ang savings kapag may pinag-iipunan tulad ng gadgets, trips, at emergency funds.
smarter spending
Ang isang “trap” sa pagkakaroon ng single savings account, “When all your money is in one pot, it feels like it’s all available.”
Sundot pa, “Meanwhile, separating your funds gives you better clarity and spending control.”
Extra security for your money
Ang pagkakaroon ng multiple savings accounts ay simpleng paraan bilang “extra security” para sa ipon mo.
Kung sakali mang makompromiso dahil sa technical issue, protektado ang savings na nasa iba pang bank accounts.
No minimum balance required
Isa raw sa mga dahilan kung bakit may pag-aalinlangan ang ibang Pilipino sa pagbubukas ng multiple savings accounts ay dahil sa required fees, katulad ng minimum balance na kailangan sa traditional banks.
Ito ang advantage ng digital banks. Hindi na kailangan ng minimum balance para mag-open ng account.
Marami rin sa mga digital banks ngayon ay supervised ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at may central monetary authority sa bansa, para maprotektahan ang depositor.
SINGLE SAVINGS ACCOUNT O MULTIPLE SAVINGS ACCOUNTS
Sa kabila ng mga benefits sa pagkakaroon ng multiple bank accounts, hindi ito para sa lahat.
May iba kasing maaaring mahihirapan sa pag-a-access.
Puwedeng challenging para sa kanila na tandaan ang logins at due dates. Kaya mas prefer nila ang isang account.
Gayunpaman, inirerekomenda ang multiple bank accounts.
Saad ng Maya: “This strategy helps you avoid overspending, hit your savings goals faster, and build financial security while giving you a clearer picture of your money.”
Whether it is a single savings account o multiple bank accounts sa iba-ibang traditional banks o digital banks, iisa lang ang purpose—pahalagahan ang iyong finances.
