PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zebras brought to Palawan 49 years ago: How are they now?

Back in 1977, there were 15 of them. How many are they now?
by Bernie V. Franco
Published Mar 29, 2026
Zebras
In 1976-1977, around 104 wild animals from Kenya, including 15 zebras, were transported to Calauit Safari Park in Busuanga, Palawan. After 49, years, what happened to these animals?
PHOTO/S: GMA Public Affairs on YouTube

Taong 1976-1977 noong ibiniyahe ang 104 wild animals, kabilang ang 15 giraffes at 15 zebras, mula sa Kenya papuntang Busuanga, Palawan.

Dinala sila ni Tony Parkinson, isang wildlife conservationist, sa bago nilang tahanan—3,700-hectare Calauit Safari Park.

Ang orihinal na plano para sa Calauit ay private development, subalit napagdesisyunang gawin itong government project ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kuwento ni Parkinson sa Born To Be Wild episode ng GMA Public Affairs noong March 22, 2026, ang agreement noon ay para makatulong ang safari park sa turismo at maprotektahan ang isla.

Balak pa nga raw paalisin ang mga residente sa isla, na ikinaalarma ni Parkinson.

Nais daw niya kasing ma-involve ang mga residente sa pag-aalaga ng mga hayop.

Read: VIRAL: The true story behind dogs seen traveling together

ZEBRAS AND GIRAFFES: HOW MANY ARE THEY NOW?

Makalipas ang 49 years, marami sa mga hayop ay nawala na.

Naubos ang dinalang 11 gazelles, 18 impalas, 11 elands, 12 waterbucks, 10 topis, at 12 bushbucks, ulat ng Rappler noong 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may tinatayang 8 giraffes at 30 zebras, na karamihan ay island-born.

Bumisita si Doctor Ferds Recio para tingnan ang mga zebras doon.

Ayon sa Born To Be Wild, halos tatlong buwan na ang nakalilipas nang huling may bumisitang veterinarian sa isla.

Ang kasama ng mga hayop doon ay tinatayang 21 caretakers at wala ni isang veterinarian sa kanila.

zebras
The zebras now living in Calauit Safari Park in Palawan are island-born and familiar with humans.
Photo/s: GMA Public Affairs on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Examinee, four minutes late, barred from taking board exam

BEHAVIOR OF ZEBRAS at Calauit Safari Park

Inilarawan ni Hilario Darol, isa sa caretakers, ang behavior ng mga striped horses.

Ang male zebras ay naglalaban-laban at dito malalaman kung sino ang magiging hari o “alpha”.

Madalas mangyari ang labanan kapag ang female zebra ay nagpapa-mate.

“Yung grupo ng mga talunan po, yung mga challenger po, nagpapalakas ng grupo.

“Halimbawa, natalo nila yung isang lalaki doon sa grupo na iyon, sila yung papalit. Isa sa kanila yung papalit doon,” kuwento ni Hilario.

Ang uri ng zebra na dinala sa Calauit ay isa sa mga pinakamatagal magbuntis at inaabot ng 12-13 months bago manganak.

Ang batang zebra naman ay dependent sa ina nito hanggang pitong buwan o isang taon matapos isilang.

THE CARETAKERS of ZEBRAS

Pahayag ni Hilario, malaki na ang ipinagbago ng behavior ng zebras dahil ang mga unang binitbit noon ay hindi nalalapitan ng mga tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mga isinilang na zebras, gayundin ang giraffes, ay nasanay na sa presensiya ng mga caretakers.

“Ngayon po, halos kami na ang nakabantay sa kanila. Kami na yung mga nag-alaga sa kanila. Kami na ang nagbilang sa kanila,” sabi ni Hilario.

Dahil walang resident veterinarian, ang kaalaman nila sa pag-aalaga at pag-iingat sa mga hayop ay base lamang sa kanilang mga karanasan.

Halimbawa, kapag napansin nilang may zebra na nawawala, "pinupuntahan po namin hanggang iniikot po yung...kinakailangang hanapin sa buong isla…

“...may mga three days nang kulang, laging kulang yung bilang, kailangan po hanapin na iyon.

"Siyempre, matagal-tagal natin silang inaalaganan. Malungkot sa amin kapag nababawasan sila."

Mas delikado raw kapag isa ang naligaw kumpara sa mas marami.

Ayon sa worldanimalprotection.org: "Zebras rely on the herd for protection and support."

Samantala, dahil kasama ng mga hayop ang mga residente sa isla, may mga pagkakataong namemerwisyo sila kapag napadpad sa mga komunidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinisira raw nila ang mga bakod at kinakain ang mga pananim ng mga residente.

giraffes
There are around 18 giraffes living in Caluit Safari Park.
Photo/s: GMA Public Affairs on YouTube

INBREEDING

Ang sinadya nina Doc Recio sa Calauit ay ang blood samples ng ilan sa zebras upang malaman ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ng vet, dahil island-born ang mga zebras, malaki ang chances na nagkaroon na ng inbreeding o kamag-anak ang nagiging mate nila.

“Because the gene pool is weak already… kasi kapag nag-inbreeding na nang nag-inbreeding itong mga ito, hihina ang gene pool, lalabas ang mga sakit.

"Kaya mas maganda kung from a different herd magdyo-join sa isang herd para sila naman ang gagawa ng bagong gene pool,” ani Recio.

Matapos pag-aralan ang nakuhang blood samples, lumabas sa initial data na maganda ang lagay ng mga zebra.

At ang datos na ito ay puwedeng gamitin ng provincial veterinary office para may starting point ang pagmo-monitor sa health nila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 1976-1977, around 104 wild animals from Kenya, including 15 zebras, were transported to Calauit Safari Park in Busuanga, Palawan. After 49, years, what happened to these animals?
PHOTO/S: GMA Public Affairs on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results