PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens turn to induction stoves, other options after LPG hike

Is it cheaper now to use induction stoves than LPG? Here's what Meralco says.
by Bernie V. Franco
Published Apr 7, 2026
gas stove
Netizens weigh in on their cooking options following the surge in Liquefied Petroleum Gas (LPG) prices. A popular recommendation is the induction cooker, which is more energy-efficient according to Meralco studies. However, other netizens argue that electricity costs are also likely to rise.
PHOTO/S: Canva

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng netizens ang price surge ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Ang bawat tangke ng LPG, kada 11 kilograms, ay pumapalo na sa PHP1,500 o higit pa.

Bago nangyari ang global krisis sa langis, hindi nalalayo sa PHP1,000 ang presyo nito.

Nagkaroon ng domino effect ang LPG price hike. May mga food establishments, tulad ng mga carinderia, na nagtaas na ng presyo ng kanilang tindang pagkain.

Umaaray tuloy ang mga parokyano.

Siyempre, apektado rin ang mga ordinaryong mamamayan na araw-araw nagluluto sa bahay para makatipid.

Kaya hindi kataka-takang hot topic ito sa online communities, tulad ng Reddit, kung saan nagkaroon ng sharing ng best alternatives sa pagluluto ngayong presyong ginto na ang LPG tanks.

Read: Does heating food inside plastic containers pose health risks?

INDUCTION STOVE

Ang pinakapopular na option batay sa comments ay ang induction cooker, isang electric appliance, na batay sa tests, ay energy-efficient.

Mungkahi ng isang netizen, “Buy an induction stove. Konting dagdag na lang, makakabili na kayo ng induction stove with the current price of LPG.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot ng isa pang netizen, batay sa kanyang computation, mas makakamura kung kuryente ang gagamitin sa pagluluto via induction stove.

induction 1
induction 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ring netizens ang nagbigay ng kanilang testimoniya sa paggamit ng induction stove.

Sabi ng isang netizen na nagdo-dorm: “Mas mabilis makaluto sa induction since efficient ang heating niya compared sa conventional fire.”

Ang downside nga lang daw nito, kapag walang kuryente hindi ito magagamit.

induction 3

Pagbabahagi ng isang netizen, apat silang magkakapatid na nag-shift na from gas stove to induction cooking.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Mura lang induction na single stove, around 2K to 3K lang. Parang hindi namin ramdam pag dumadating na electric bill.”

Sabi nito, mas mabilis daw kasing magluto gamit ito.

Tiyakin lamang daw na maganda ang brand at compatible ang mga lutuang gagamitin.

induction 3

May netizen na mas specific sa kanyang computation simula noong gumamit siya ng induction taong 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nito: “200 pesos lang ang nadagdag sa electric bill namin, back up lang namin ang gasul if ever mawalan ng kuryente.”

Patunay ng isa pa, “Nadagdag sa kuryente ko, nasa 150 lang a month, I cook 2x a day."

induction 5
induction 6
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hirit ng isang netizen, magtataas din daw ng singil sa kuryente.

Kapag nangyari ito, mas makakatipid pa rin ba sa paggamit ng induction stove?

Kaya may naghimutok: “grabe parehas walang takas sa panahon ngayon.”

Dagdag ng isang netizen, “Yes because our electricity is heavily reliant on gas haha. Kaya chain effect talaga.”

kuryente 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
kuryente 2

INDUCTION IS MORE COST-EFFICIENT, SAYS MERALCO

Lumalabas naman sa ilang 2024 articles ng Manila Electric Company (Meralco) na mas efficient at safe ang paggamit ng induction heat cooker.

Bukod sa mas epektibo, mas ligtas ding gumamit ng induction cooking stove.

Ayon sa isang Meralco article: “Based on Power Lab Tests, induction cookers are more efficient (82%) than gas (36%) and electric (coil-type) stoves (36%).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Induction cookers also cook faster, create less ambient heat so you save on space cooling costs, have precise cooking temperature and time, and are safe from gas leaks and explosions.”

Ang Meralco Power Lab ay isang multi-purpose facility na nagsasagawa ng tests ng appliances at technologies para ma-educate ang publiko pagdating sa electricity usage at efficient energy management.

Sa isa pang 2024 article ng Meralco, highly recommended sa food businesses ang paggamit ng induction stove kumpara sa LPG.

May precise cooking time at temperature kasi sa paggamit ng induction.

Mas maiiwasan din ang sunog.

“Without any gas to emit into the air or an open flame to catch objects on fire, you minimize the potential for accidents in your kitchen,” ayon sa Meralco article.

“As an added bonus, induction cooktops automatically turn off once cookware is removed from the heating element, minimizing the risk of someone leaving it on when not in use.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
induction cooking
In 2024, Meralco discussed in some of its articles that induction cooking is better than using LPG stove.
Photo/s: Canva

Read: Meralco tips to save up to PHP2K on monthly electricity bill

NETIZENS' OTHER OPTIONS

Ang iba namang netizens, ang nakikita nilang option ay ang pagkakaroon ng reserbang tangke ng LPG.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
reserve LPg

Ang ilan naman, nag-resort sa traditional way of cooking. Ilang netizens ang nagsabing gumagamit sila ng kalang pangkahoy.

Bukod sa kahoy, may gumagamit daw ng uling at mga kawayan.

Ang ganitong pamamaraan ng pagluluto ay ginagawa pa rin sa mga probinsiya.

Komento ng isang netizen: “Mabuti di kami masyado nagluluto ng asawa ko. Tapos may mga kawayan kami na puno na pwede ipang gatong just in case maubusan… kawawa yung ibang kapos talaga sa budget.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
kahoy 1

Isang netizen ang nagbahagi na kapag gipit na sila sa budget, uling ang ginagamit nila sa pangluto.

Parte ng kanyang comment, “…laking pasasalamat ko na may sako kami ng uling, ayun nag-uling kami for 2 days hanggang sa sumahod.”

Pagsang-ayon ng isa pa: “Kaya kami ito nga at napabili ng kalan de uling saka mga sako ng uling. Preparing lang in case bukod sa magmahal pati if in case mawalan ng supply.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganundin ang preparasyon ng isa pang netizen: “Mas okay ito baka nga umabot pa tayo sa point na mag-rotation blackout. Ayos yan wala man power may lutuan pa din.”

kahoy 2

Ito naman ang nakikitang solusyon ng isang netizen kung sakali mang maubusan ng gasolina at mawalan ng kuryente.

“Instant kahoy o uling kami if ever mawalan. Ang mahal pa naman ng kuryente now kasi mainit and nagtaas na rin Meralco.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
kahoy 3

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens weigh in on their cooking options following the surge in Liquefied Petroleum Gas (LPG) prices. A popular recommendation is the induction cooker, which is more energy-efficient according to Meralco studies. However, other netizens argue that electricity costs are also likely to rise.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results