PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: How to train your dog, according to a film dog trainer

Want to teach your dog new tricks? Take it from an expert.
by Bernie V. Franco
Published A day ago
Lisa Soberano, Coach Francis, Anne Curtis
Dog trainer and film-dog consultant Francis Cleofas is usually tapped to train dogs and serves as a consultant for canine performances in commercials and TV projects. In the photos are Francis with celebrities known to be dog lovers, Liza Soberano and Anne Curtis.
PHOTO/S: @dogcoachfrancis on Instagram

Isa ka bang fur parent na gustong maturuan ng ilang tricks ang iyong alagang aso?

Ang pagti-train ng aso ay kailangan ng pasensiya, dedikasyon, at oras.

Sa katunayan, may mga professionals, tulad ng dog trainer na si Coach Francis Cleofas, na bihasa sa field na ito.

Si Coach Francis ay nakilala dahil kinukuha siyang consultant para gabayan ang mga asong itinatampok sa commercials at TV projects.

Siya ang naging dog consultant sa Kapuso primetime teleseryeng Sherlock Jr. noong 2018, kunsaan isang Golden Retriever ang bida.

Kinukuha rin ang kanyang serbisyo ng celebrities para ma-train ang kanilang pet dogs.

Natural na mahilig sa mga aso, nagsimulang maging professional dog trainer si Francis noong 2009.

Una, gumamit siya ng tradisyunal na punishment-based training, subalit napagtanto niyang masama ang epekto nito sa mga hayop.

“Sinimulan kong maghanap ng pamamaraan na turuan ang aso na hindi nasasaktan. Yun ang naging brand ko: na dapat positive enforcement rin tayo,” ani Francis sa Alam Na Dis! ng DZMM Teleradyo noong March 25, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unti-unti siyang nakilala sa social media, at ilang beses na naimbitahan upang maging guest sa iba’t ibang TV programs.

Naging in-demand din ang talent pool ng mga pets niya sa commercials.

Sherlock Jr. cast
Coach Francis Cleofas (far left, side view) with the cast of Sherlock Jr., a Kapuso 2018 teleserye. Also in the photo are Sofia Pablo (2nd from L) and Ai-Ai delas Alas (2nd from R).
Photo/s: @dogcoachfrancis on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa interview, ibinahagi ni Francis na ang latest na na-train niya ay ang mga pet dogs ni Gary Valenciano.

Nagbigay din siya ng ilang tips sa mga gustong i-train ang kanilang mga aso, at nagkuwento kung paano siya nag-train ng mga celebrity dogs.

Read: Pasig's floating parks, one step closer to reality

BASIC STEPS TO TRAIN YOUR PET DOGS

Panimula niya, hindi raw lahat ng aso ay puwedeng maging artista. Sumasailalim din sila sa audition.

At kapag nagsimulang i-train ang pet dog, aniya: “Wag mong pilitin, hindi mo puwedeng pilitin. Kailangan mong alamin kung ano yung strength at weakness ng aso mo."

Find out your dog’s strength

May characteristics daw ang mga aso depende sa breed.

“Kunwari Shih Tzu siya, wag mo nang expect na tatalon iyan ‘tapos magga-guard dog iyan. Shih Tzu siya, e.

“Huwag mo rin pilitin na ang isang German Shepherd ay lahat friends niya. Kasi wala iyan doon sa kanyang breed.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kaso ng mga dogs na humaharap sa camera, ang sabi niya: “Usually, matagal na pagtuturo para maging komportable siya sa ilaw, maging komportable siya sa mic."

Teach by association

Tinuruan daw niya ang kanyang mga alaga na maging komportable sa set “by association.”

Tulad na lamang ng Golden Retriever na si Serena, na naging bida sa Sherlock Jr.

Habang tini-train ang aso, ginawa niyang positibo ang association sa ilaw.

Pagbibigay-halimbawa niya: “Kasi ang ginawa ko noon habang lumalaki siya, tuwing merong ilaw, tuwing may camera, nagbibigay ako ng treats sa kanya.

“So naging positive ang association niya. Equivalent ito ng isang bata na tuwing pupunta tayo doon sa isang event, meron nakakain na ice cream. So dapat ganoon ang mentality natin.”

Treat your dog like a toddler

Ang treatment daw sa aso ay dapat parang two-year-old toddler ito.

“Huwag mong tatakutin. Wag mong pipilitin,” payo ni Francis.

May idinagdag siyang paglilinaw, bagama’t puwedeng ma-trauma ang aso kapag sinisigawan, “but you also have to consider bakit mo siya sisigawan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang halimbawa ng ibinigay niya. “Kunyari tatawid siya ng kalsada, sinigawan mo...‘Bakit ka tumawid?’”

Iisipin daw ng aso kung bakit sumigaw ang fur parent nito.

“That’s a good kind of trauma kasi tinuruan mo siyang huwag tumawid ng kalsada.”

Francis with Heart Evangelista
Coach Francis with Heart Evangelista, a known dog lover.
Photo/s: @dogcoachfrancis on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may dagdag siyang paalala: Dapat maging maingat sa pagtuturo.

“Kunwari mahilig magpulot ng kung ano-ano, pag kumuha sila ng tsinelas mo ‘tapos pinalo mo, sabi mo, ‘Bakit mo kinuha yung tsinelas ko?’ You’re punishing that behavior to a point na baka hindi na siya kukuha ng mga tsinelas.”

Sa pagkakataon ding iyon, baka hindi na rin maturuan ang aso na pumulot ng bolang inihagis dahil na-trauma ito nang paluin matapos pulutin ang tsinelas.

“So again, looking at it in the perspective of a two year old, pag pinalo mo iyan, baka you’re punishing unintentionally yung mga behaviors na mga kaakibat ng [trait o talent].”

Read: Tips: How to address chronic fatigue syndrome

Pay attention to dog-body language

Bilang coach, ginagabayan niya ang amo at aso na intindihin ang isat-isa.

Natuto raw si Francis mula sa years of experience at scientific approach, tulad ng dog-body language.

Sa pamamagitan daw ng facial expressions at kilos ng buntot, makikita ang mga senyales na nais ipahiwatig ng aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halimbawa ni Francis, kapag nakatayo at diretso ang buntot at nakatitig sa isang bagay, nag-iisip daw ang aso kung susugod o hindi. Warning flag daw ito.

Kapag ang dulo lamang ng buntot ang gumagalaw, na-e-excite raw ang aso at nag-iisip. Puwede raw itong good o bad.

Bad daw kapag nakakita ng target at susugod, pero puwede ring good tulad ng kapag nakakita ng bola at nais niya itong damputin.

Ang magandang tail wagging daw ay left-right na malaking hampas at mala-wiper ang movement.

Kapag pumapalo raw ito sa bahagi ng katawan nito, masaya raw siya.

May isa pang exercise na ibinigay si Francis.

Kapag biglang pumalakpak sa tabi ng aso na hindi nito napansin, magugulat daw ito, titingin at tatahol. Ito raw ay normal reaction sa stress.

Pero kapag hindi raw ito tumingin o umiwas ng tingin na tila ba nagsuplado, senyales na naiinis ito.

Using treats to capture desired behavior

At siyempre, hindi mawawala ang paggamit ng treats para maturuan ang aso ng mga tricks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung gusto mo raw i-train ang pagtahol ng alaga, hintayin mo itong tumahol. Pagkatapos, purihin siya, sabihan ng “very good,” at saka bigyan ng treat.

“Kunwari, ano ba ang nagpapatahol sa aso? Doorbell, tumahol. ‘Ey, good job! Thank you for barking! Eto ang treat.’

“So, magkakaroon siya ng association doon sa expression mo saka doon sa command to a point na kahit wala nang mag-doorbell, tumahol siya, bigay ka ng [treat].

“Ganoon din ang kabaligtaran. Kung gusto mong tumahimik yung aso mo dahil masyado siyang maingay, tuturuan mo siyang tumahol muna, kasi ine-expect niya may pagkain siya.

“Tumatahol siya, hintayin mong tumahimik… ‘Yes, very good, quiet [pakakainin ng treat]...'

“So, you actually want to capture the behavior na gusto mo. Isa yun sa mga techniques na ginagamit namin sa kanila.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dog trainer and film-dog consultant Francis Cleofas is usually tapped to train dogs and serves as a consultant for canine performances in commercials and TV projects. In the photos are Francis with celebrities known to be dog lovers, Liza Soberano and Anne Curtis.
PHOTO/S: @dogcoachfrancis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results