Ang Sarao Motors, Inc., na nakilala sa paggawa ng mga pampasaherong jeep sa loob ng higit pitong dekada, ay nagdesisyong sumabay sa pagbabago.
Sa kasalukuyang panahon, dahil sa global oil crisis, tumaas ang demand sa mga electric vehicles kumpara sa mga sasakyang powered by fuel.
Sa pamamagitan ng partnership sa isang electric light vehicles manufacturer, maipagpapatuloy ng Sarao ang legasiya at pagbibiyahe nito sa kalye.
Matatandaan na noong 2020, panahon ng pandemic, itinigil ng kumpanya ang jeepney production,
Noong 2024, inanusiyo nito ang partnership with Tembo Electric Light Vehicles (e-LV).
Read: How to get tuition-free college degree via UP Open University
FROM TRADITIONAL TO MODERN
Ang collaboration ng dalawang kumpanya ay akmang inilarawan ng Tembo e-LV bilang pagsasanib ng tradition at innovation.
Ang electric jeepney kits ay gagawin ng Tembo, samantalang ang katawan ng jeepney units ay gagawin ng Sarao Motors.
“Matagal na rin naming napi-predict na darating yung ganitong time ng krisis,” sabi ni Armani Bandala, operations coordinator, ng Tembo e-LV, sa panayam ng One PH.
“Ginawa namin ito para… patunayan bilang Pilipino na kaya din nating gumawa ng sariling atin.”
Para naman sa panig ng Sarao Motors, patunay raw ito na hindi pa katapusan ng popular mode of transportation, na naging bahagi na ng kulturang Pinoy.
"Maraming nagsasabing yung jeep, napag-iwanan na, kumbaga ,we’re stuck in the past,” sabi ni Architect Leonard John Sarao, operations supervisor ng Sarao Motors.
“And, thankfully, may mga gusto pong tumulong para makabuo ng mas modern and fuel-efficient and more environmental friendly na sasakyan.”
Sa ipinakitang katawan ng sasakyan, ito ay mas malaki kumpara sa traditional jeepney.
Sa loob nito, hindi na kailangang yumuko ng mga pasahero dahil ang clearance nito ay tinatayang six feet.
Narito pa ang mga features:
- Mayroon itong CCTV na maaaring i-connect sa device ng operator.
- Hindi na rin ito manual kundi nag-shift na sa automatic tansmission.
- Eco-mode kaya mas tahimik ang makina.
- Mayroon itong power steering wheel kaya mas magaan imaneho.
- Kailangan lamang nito ng 45 minutes para i-charge at kaya pang tumakbo ng 300 kilometers.

“It’s a proof of concept na puwede pang bigyan ng pangalawang buhay yung traditional jeepneys natin,” ani Leonard John.
“We’re planning to launch this soon… release it to the local market para makita nila na kaya din naman ng local manufactures gumawa ng EV o modern jeep.”
Read: Tips: How to maximize your aircon and save on electric bill
