Isang malakas na lindol—7.8-magnitude—ang tumama sa southern region ng bansa ngayong Lunes, June 8, 2026.
At press time, labinlima ang naiulat na nasawi habang 129 ang nasugatan.
Bago nito, sunud-sunod din ang pagyaning sa iba pang bahagi ng bansa nitong weekend.
Kaya naman, ang pagiging handa ay napakahalaga para sa kaligtasan hindi lamang ng mga tao kundi pati na rin mga alagang hayop.
Kaya rin nauso ang #NoPetsLeftBehind at #NoAnimalLeftBehind bilang panawagan na isaalang-alang ang kaligtasan ng mga alagang hayop sa oras ng kalamidad.
Narito ang mga paalala ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) Philippines pati na rin ang PAWS United States.

Read: A peek into Mario Ho and Ming Xi’s "$30M" fairytale wedding
CARING FOR YOUR PETS DURING EMERGENCY
Put identification on your pet
Suotan ang iyong alaga ng collar at up-to-date identification tag, kalakip ang cell phone number na puwedeng tawagan.
Available na rin sa Pilipinas ang microchipping ng mga alaga na nagsisilbing permanent ID form ng pets.
Prepare an emergency go-kit
Lagyan ang kit ng necessities tulad ng pagkain, tubig, first-aid supplies, leash, carrier, at kopya ng vet records.
Include your pet in evacuation plan
Alamin ang mga pet-friendly locations bago pa man mangyari ang sakuna.
Kailangan ding isaalang-alang na posible kasing overcrowded ang mga animal shelters sa ganitong panahon.
Be resourceful
Kung walang carrier na paglalagyan ng alaga, puwedeng gumamit ng laundry basket, storage bins, o matibay na boxes bilang makeshift carriers.
Do not leave your pet behind
Kapag hindi mag-e-evacuate, tiyaking nakatali at nasa loob ng carriers ang alaga sa loob ng ng bahay upang hindi na sila hanapin oras na magpasyang umalis agad at mag-evacuate.
Kung mag-e-evacuate, isama ang alaga kahit panandalian lamang.
Mas delikado kung iiwan sila sa bahay na puwedeng gumuho o malubog sa baha.
Kung delikado sa tao, delikado rin sa kanila.
Kung sakaling wala ka sa bahay, tiyaking maabisuhan ang kaibigan o kapitbahay para masaklolohan ang alaga.
kung hindi man kayang isama sila sa pag-evacuate, bilang last resort, alisin sila sa mga kulungan o mula sa pagkakatali upang magkaroon ng “fighting chance” para maka-survive.
Remain calm and reassuring despite crisis
Malakas makaramdam ang ating mga alaga kung kaya’t manatiling kalmado.
Makabubuti ring mag-practice ng mga basic safety drills tulad ng pagtawag sa kanila para mabilis na tumalima kapag emergency.
Sa panahon ngayon, marami sa atin ang itinuturing na parte ng ating pamilya ang ating mga alaga. Kung kaya’t nararapat lamang na isipin ang kanilang kaligtasan at kapakanan sa tuwing may sakuna.
Read: Newlywed Pinoy couple in Canada dies after paddleboarding mishap
