Ang Dink Loft, ang 24/7 indoor pickleball court sa 7th St.Mayor Gil Fernando Avenue, Marikina City, ang bagong negosyo ng aktor na si Marco Gumabao.
Kasosyo rito ng Viva actor ang kanyang mga kaibigang sina Carl Venzon at Ton Combes.
Sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan, nangyari ang grand opening ng Dink Loft noong Sabado, Agosto 8, 2026.
Itinayo ni Marco at ng mga business partner niya ang Dink Loft dahil kinahihiligan ngayon ng mga Pilipino ang pickleball.
Saad ni Marco: “Now kasi, sobrang grabe yung craze sa pickleball, especially here in the Philippines, everyone’s picking it up.
"Everyone’s converting all their basketball courts, badminton courts, open spaces into picketball courts.
"Kasi maganda kasi yung community. It’s all about community building.
"Ang uso naman sa picketball, yung mga open play. So, ang style is magre-rent ng two or three courts tapos magpapa-open play so everyone can go.
"It’s more on community building and getting to know a lot of people.
“At the same time, usung-uso ngayon ang fitness. Everyone’s into fitness.”
Dagdag niya: “For me, putting up a pickleball court facility for a lot of people to play is very personal para sa akin.
"Malapit sa puso ko, in terms of advocacy when it comes to health and always keeping a healthy lifestyle.
“Personally, ang feeling ko, magtatagal ang pickleball kasi friendly siya in all ages."
Read: Gina Alajar reveals struggles before becoming a TikTok affiliate
BUSINESS VENTURE WITH CHILDHOOD FRIENDS
Hindi raw nagdalawang-isip si Marco na makipagsosyo sa kanyang mga kaibigan sa pickleball court business.
“Ang partners ko po, kababata ko. Kapitbahay ko ever since, like seven years old ako.
“Sina Carl at Ton, sila yung president at vice-president namin. Sila talaga yung nakahanap ng lupa and then kinausap nila ako.
"Sabi nila, ‘Baka gusto mo magtayo ng pickleball court?’
“We started last year tapos mga six to eight months bago naitayo. Hindi po madali.
“Siyempre mahirap mag-build, especially parang warehouse type ito. It took a lot of time.
"Pero happy kami ngayon dahil kahit na tag-ulan, nakapag-grand opening kami. Nag-soft opening kami, three months ago,” kuwento ni Marco sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.

OPEN 24/7
Sinabi ni Marco na ang malawak na Dink Loft ang nag-iisang pickleball court sa Marikina City na bukas ng 24/7.
“Sobrang lakas ng pickleball," sambit niya.
"Actually, this is the only 24-hour picketball court here in Marikina.
“Maraming ibang mga court pero ito lang ang 24-hour. So, nakakagulat dahil kahit 2 A.M., 3 A.M., may mga naglalaro.
“Kahit nga ako mismo, nahihirapang makakuha ng court kasi grabe yung demands.”
Ang Dink Loft ay isa lamang sa maraming negosyo ni Marco na pinagtutuunan nito ng pansin habang naghihintay siya ng magagandang proyekto — pelikula at drama series — na papasa sa kanyang panlasa.
“Matagal na akong nasa business. Actually, mga restaurant like Tipsy Pig. I also invested sa bars.
“First time kong mag-invest sa pickleball court kasi, right now, ang passion ko is fitness, sports.
“I am going to Bangkok next week for Hyrox and we’re also thinking of opening a gym soon.
“Ako, basta makapag-invest ng mga ganitong klase ng businesses na hilig ko, walang problema sa akin,” saad ni Marco.
View this post on Instagram