Ano ang gagawin mo kapag may nakasalubong kang aso na umaastang manghahabol o mangangagat?
Sabi nga ni Maine Mendoza, “Aminin natin, mga dabarkads, marami sa atin nahabol ng aso. Hindi natin alam kung ano’ng gagawin.”
Nasambit niya ito sa Eat Bulaga! episode nitong August 11, 2026, kunsaan ang isa sa guests sa “The Age is Right” segment ay isang dog whisperer at dog-behavior expert.
Si Lestre (pronounced as Lester) Zapanta ay may certificate in applied animal behavior mula sa University of Washington.
Sa kanyang Facebook page na may higit 63,000 followers, tinatawag siyang The Pinoy Dog Whisperer.
Ani Lestre, siya ay self-taught dog whisperer at nais niyang ma-extend ang kanyang kaalaman sa pag-unawa ng behavior ng iba pang hayop.
“Kailangan ng ethical way to train animals kasi para sa akin, may emotions ang animals.
“Ayaw natin nasasaktan sila para pilitin lang silang sumunod. Gusto natin sumusunod sila sa tao dahil masaya sila.”
Sa katunayan, sa kanyang animal sanctuary, malayang magkakasama ang mga aso, bibe, pusa, at iba pang mga hayop na hindi nagbabangayan.
“If you would go to my hacienda, Hacienda ni Tatang, you would see them just roaming around, e.”
Ipinaliwanag din niya ang pagkakaiba ng dog trainer at dog whisperer.
Hindi gaya ng trainer na nagtuturo lang ng tricks, ang dog whisperer ay nag-a-analyze ng behavior ng aso, tulad ng kung bakit ito nangangagat at bakit ito nagiging agresibo.
“Para sa amin, lahat ng ginagawa ng aso, sa utak niya, may function iyon, kailangan mo lang ma-decode para ma-direct siya sa tamang paraan.”
Read: Passenger recognizes father on bus after 20 years
WHAT TO DO IF A DOG CHASES YOU
Inusisa si Lestre kung ano ang mga dapat gawin kapag nagbabantang mangagat ang aso.
Don’t pay attention
Ang unang step, ayon sa eksperto: “...those people na natatakot sa aso, don’t pay attention na doon sa aso to start with. Wag mo na lang pansinin. Ignore mo na lang.
“Because these dogs can smell yung takot niyo. You just stop and then talikod ka."
Ang payo pa niya: "Wag ka lang tatakbo kasi pag nagsimula kang tumakbo doon, lalong magkakaroon ng instinctual motion yung aso to chase. It’s a predator-prey [instinct].”
Make yourself appear wider, bigger
Dagdag na payo ni Lestre, “If you can make yourself appear wider. Puwede rin kung meron kang stick, wag mo lang ipampapalo. Just extend your circle [space]."
Nais tumbukin ni Lestre na sa animal kingdom, “size matters.”
Kapag nag-appear na mas malaki, ang instinct ng aso ay tratuhin ka bilang isang mapanganib na predator at hindi isang easy prey, dahilan para magdalawang-isip ito na lumusob.
Ginawang halimbawa ni Lestre ang pusa na kapag pakiramdam nito ay nasa panganib, tumataas ang mga balahibo nito at nakaangat ang mga paa para magmukhang mas malaki.
Tulad din ng mga elepante na kinakaway ang mga tenga, “Just to say, ‘I am here and I am bigger…’” ani Lestre.
Make a loud sound or noise
Makakatulong din daw ang mag-ingay.
Pero paalala ni Lestre, “It should be a low tone. Pinakamababa. The high pitch, mati-trigger yung aso. Pag tumili ka, lalo na..."
Protect your limbs and face
Sa pagkakataon man daw na lumusob ang aso, protektahan ang mukha at mga limbs, ani Lestre.
Ayon naman sa mga dog experts, sakaling mangyari ito, ipinapayo ang magbaluktot tulad ng isang bola: ang tuhod ay nasa iyong dibdib; i-interlock ang iyong mga daliri at ipuwesto sa likod ng leeg para protektahan ang iyong mukha at ulo.
It’s all about energy
Ginawa ring halimbawa ni Lestre ang asal ng pusa na hindi natatakot kahit may malaking hayop.
“Mapapansin mo kahit ang mga pusa, hindi takot sa malalaking animals because it’s all about the energy of moving forward,” sabi ni Lestre.
Hindi ito malayo sa nauna niyang sinabi na nasi-sense ng aso kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng takot.

Nagtanong din sina Ryan Agoncillo at Maine kay Lestre kung ano ang dahilan kung bakit nangangagat ang aso.
Sagot ng dog whisperer: “Ninety percent of my cases is out of fear.
“Laging sinasabi ng tao, ‘Agresibo yung aso,’ pero 90 percent pag binasa mo, unang basa ko pa lang sa body language, ‘That is a fearful nervous dog.’ Hindi lang na-interpret ng dog owners.
“Yung halimbawa, yung aso naka-close ang bibig, umuurong tapos pinipilit ng tao na mag-instigate.”
Sa ganitong sitwasyon daw ay nasa defensive mode ang aso.
In summary, ang dapat na initial reactions ay huwag matakot, huwag tatakbo, at huwag i-agitate ang dog.
Read: Scientifically proven tips to eat anything without gaining weight
