PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tips: How to improve your dog’s intelligence and responsiveness

A Filipino dog whisperer believes a dog’s intelligence is not based on breed.
dog with leash
Filipino dog whisperer and dog behavior expert Lestre Zapanta believes a dog’s intelligence can be developed through the right motivation. He also maintains that a dog’s intelligence is not determined by its breed.
PHOTO/S: Canva

Alam niyo bang may paraan para ma-improve ang level of intelligence ng iyong alagang aso?

Puwede rin itong turuan na huwag matakot sa malalakas na ingay tulad ng kulog, musika, at mga paputok.

Alam niyo bang may tamang training sa stray dog kung ito ay aampunin?

Ilan ito sa mga solusyong ibinahagi ng tinaguriang Philippine dog whisperer na si Lestre Zapanta, na may certificate sa applied animal behavior mula sa University of Washington.

May ilang paraan para ma-train ang aso at mabago ang emotional responses nito: ang conditioning at counterconditioning.

Ang conditioning ay ipinatutupad sa pamamagitan ng association, kunsaan tinuturuan ang aso na i-link ang consequence o pakiramdam sa signal o pangyayari.

Ang counterconditioning naman ay pinapalitan ng positive ang negative response ng aso sa isang trigger.

Read: Tips: What to do when dog chases you, according to dog whisperer

COUNTERCONDITIONING YOUR DOG’S FEAR of loud noise

Isa sa mga pangunahing isyu ng mga fur parents pagdating sa kanilang mga alaga ay kapag takot ito sa loud sounds tulad ng kulog o mga paputok pag New Year. Di nga ba’t nagdudulot ito ng stress sa dogs at iba pang hayop?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinigay na halimbawa ni Lestre ang aso niyang Dobermann na si Tanglaw.

Nang makita raw ni Lestre na takot sa kulog ang aso niya, kinuha niya ang bola at naglaro silang dalawa.

Kalaunan, hindi na siya takot sa kulog at kidlat.

“Kasi ang conditioning nila, kumukulog, kidlat, maglalaro kami,” ani Lestre sa Eat Bulaga! episode nitong August 11, 2026.

Biro pa ng dog-behavior expert, ang naging problema niya ngayon kay Tanglaw, lalo pa’t madalas umulan, ang gusto raw nito ay lagi silang maglaro.

HOW TO PROPERLY TAKE IN STRAY DOGS

May paalala si Lestre sa mga nagbabalak mag-ampon ng stray dog.

Kailangan daw dahan-dahanin ang pagsanay sa mga ito.

“Pagdating sa bahay, biglang hindi na sila makakalabas… sanay sila sa buhay sa labas ng bahay,” ani Lestre.

Ang ganitong biglaang pagbabago ay nagdudulot daw ng stress sa aso, at maaaring mauwi sa pangangagat nito.

Ang mainam na gawin ay maglaan daw muna ng oras na makapaglaro sa labas ang aso araw-araw. Tiyakin lamang na nasa leash ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ganitong paraan, maiisip ng aso na ang pasyal sa labas ay associated sa exercise o paglalabas ng stress, habang ang pananatili sa loob ng bahay ay makokonekta niya sa relaxation.

Tinatawag daw itong “habituation.”

Isa ring isyu ng mga fur parents ay ang posibleng pakikipag-away ng isang aso sa nakasalubong na aso kapag ito ay ipinapasyal sa labas.

Payo ni Lestre, “Mataas ang energy ng aso mo. Bago mo ilabas, exercise [for] 15 minutes.”

Ito raw ay pre-walk exercise para mabawasan ang mataas na energy ng aso.

Ang interpretation daw rito ng aso matapos ang pre-walk exercise, ang pasyal ay breathing, chiil, at cool down.

dog on a leash
Lestre Zapanta, a Pinoy dog whisperer, believes that a dog's level of intelligence can be improved when you use the right motivation like food, play, and social interaction. He does not believe that its intelligence is based on its breed.
Photo/s: Canva
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

IMPROVING YOUR DOG’S LEVEL OF INTELLIGENCE

May mga nababasa tayo at naririnig na may mga breed ng aso na likas na mas matalino.

Pero hindi sumasang-ayon dito si Lestre.

Aniya, ang aso ay matuturuang maging mas matalino depende sa motivation nila.

Anu-ano ang tatlong motivations ng aso? Food, play, at social contact.

Di ba nga’t ang treat o pagkain ang ginagamit sa pagti-train ng aso para sa new tricks?

Sa paglalaro naman ay ang bola at stick.

"At pangatlo, ang social interaction dahil gusto ng mga aso ang nahahawakan sila ng tao, gaya ng fur parent nito.

“For me, it’s not about the breed.

“Kaya sila nagiging matalino, even aspins, makita ka na may tatlong motivations, gamitin mo iyon, for sure, tatalino sila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino dog whisperer and dog behavior expert Lestre Zapanta believes a dog’s intelligence can be developed through the right motivation. He also maintains that a dog’s intelligence is not determined by its breed.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results