PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

OFW turns PHP10,000 into thriving bag business

He is 29 years old.
by Bernie V. Franco
Published 1 Hour ago
Akbay bags
FROM OFW TO BUSINESS OWNER. Lucas Natividad worked as an IT professional in Qatar before returning home and starting a bag business that eventually made him a millionaire at 29.
PHOTO/S: Akbay Bags Ph on Facebook

Sa halagang PHP10,000, sinimulan ni Lucas Natividad, 29, ang kanyang bag business noong 2023. Tinawag niya itong Akbay bags.

Nakagawa siya ng 25 piraso ng bags na may limang color variants.

Makalipas lamang ang tatlong taon, si Lucas ay nakakabenta na ng 2,000 bags kada buwan.

Ang kanyang puhunan ay naging milyon.

Katuwang niya sa pagpapatakbo ng negosyo ang misis na si Racquel, 31. Nakatira sila sa Bataan.

Dati silang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Si Lucas ay nagtrabaho bilang Information Technology (IT) professional sa Qatar. Tatlong taon siya roon.

Read: With six months to live, dad builds safe haven for autistic son

OFW ventures into BAG BUSINESS

Ano ang espesyal sa mga bags ni Lucas at naging patok ito sa buyers?

Three-way kasi ito: puwedeng maging tote bag o hand carry, sling bag, at knapsack.

Pang-all around din: puwedeng lagyan ng laptop at gadgets, at may marami itong compartments sa loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagiging locally made, may anti-theft feature din ito. Hindi sa harap binubuksan ang bag kundi sa likod.

Sadyang dinisenyo ang mga ito sa pamamagitan ng pakikinig sa main concerns ng mga clients.

Ito rin ang dahilan kung bakit viral ang mga demo videos ng Akbay.

Ang mga bags ay nagkakahalaga ng PHP600 hanggang PHP3,500, mula organizers hanggang bags.

Akbay bags
Owner Lucas Natividad checks his products during a trade fair.
Photo/s: Akbay Bags Ph on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Remember Chef Heny Sison? Where is she now?

FROM OFW TO BUSINESSOWNER

Ibinunyag ni Lucas na hindi naging madali ang karanasan niya bilang OFW.

Bukod sa mahirap na kalagayan sa trabaho dahil kailangan niyang mag-field, nakaranas din daw siya ng diskriminasyon mula sa ibang lahi. Naranasan niyang maliitin ng mga foreigners.

Dagdag pa rito ang pangungulila dahil malayo sa pamilya.

Dahil dito, nagdesisyon sila ng kanyang misis na mag-isip ng negosyo.

Pinili nila ang bag dahil kilala ang kanyang hometown sa paggawa ng mga bags.

Naisip din niyang kahit nasa ibang bansa sila, marami silang makukuhang suppliers sa Bataan.

“Hindi po kami mahihirapan na tulungan kami ng family namin na i-handle ang mga supplier po namin,” ani Lucas sa DTI Asenso Pilipino interview.

Paliwanag niya: “Yung mga design namin, talaga pong pinag-isipan namin.

“Yung mga hinahanap ng mga customers namin na common na nagiging problema nila, hinahanapan namin siya na solusyunan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Habang nasa Qatar sila ni Racquel, pinatakbo ang kanilang negosyo ng mga kaanak sa Bataan.

Sabi pa ni Lucas, noong una ay paisa-isa lamang ang nabebenta.

Makalipas lamang daw ang anim na buwan, naramdaman nilang kumikita na sila.

Pero hindi muna siya nagdesisyong umuwi kaagad sa Pilipinas.

At sa patuloy na pagtakbo ng negosyo, napansin ng mag-asawa na hindi ito lumalaki.

Kailangan nilang iwan ang trabaho sa Qatar at umuwi para tutukan ito.

Ngayon, may sarili nang pagawaan ng bags sa Mariveles, Bataan, si Lucas.

Paliwanag niya pa, ang kanyang mga produkto ay may one-year warranty.

Aminado si Lucas na malaking bagay ang naitutulong ng social media para makilala ang kanilang mga produkto.

Sa paggawa niya ng relevant social media content, nakaka-relate ang mga customers.

Ito rin daw ang kanilang pokus: patuloy na pag-improve ng kanilang mga produkto.

Binanggit din ni Lucas na naging posible ang kanilang negosyo dahil sa pagsangguni nila sa Department of Trade and Industry (DTI), na tumulong para makasali sila sa trade fairs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LUCAS ON CHOOSING BAG BUSINESS

Via direct messaging, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lucas kung bakit bag business ang napili nilang i-pursue gayong wala silang formal training ng kanyang misis.

“Research,” sabi ni Lucas. “Bago palang mag-start, nagse-search na kami ni misis kung ano nga ba yung patok na design; ano nga ba yung mga needs ng future customers namin; ano ba yung problem na iso-solve ng bags namin.”

Hindi rin naging madali ang kanilang simula.

“Sa una natagalan kami. Umabot ng 2 months of studying and research. Tapos meron pa kaming work sa umaga.

"Pero ganoon talaga. If gusto mo, gagawan at gagawan mo ng time.”

Malaking hamon din ang pagbebenta.

“Nahirapan kami...kasi hindi pa kami kilala, kaya naman hindi pa trusted.

“Nakikita nila yung product namin, pero [doubtful] pa ang mga customers kasi baka isipin nila scam, kasi nga, online lang kami nagbebenta.”

Bukod sa kanilang Facebook page, available din ang Akbay bags sa online-selling platforms, tulad ng Lazada at Shopee. May physical store section din ito sa isang mall sa Mindanao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki-laki na rin ang bilang ng kanilang mga empleyado: tinatayang nasa 30 hanggang 40.

May sarili silang admin team; manufacturing factory sa Mariveles; fulfillment site sa Dinalupihan, kunsaan ginagawa ang quality control ng mga orders.

Nakabili na rin sila ng dalawang sasakyan.

Ang susunod nilang pinaplano ay makapag-export ng mga produkto para maipakilala ang produktong Pinoy.

TIPS IN PUTTING UP A BUSINESS

Nagbahagi rin si Lucas ng limang tips sa mga nagbabalak magtayo ng negosyo.

Choose the right partner.

Sabi ni Lucas: “Dalawa lang puwede maging impact sa life mo ng magiging partner mo: it’s either siya yung magiging way at makakatulong sa iyo para lumabas yung potential mo at mas maging better ka sa mga ginagawa mo to the point na ma achieve mo yung mga goal mo sa buhay, OR siya yung magiging burden at magpapahinto sa iyo patungo sa success.”

Motivation

Sa mga nais magnegosyo, hinimok niyang basahin ang self-help book na Think and Grow Rich ni Napoleon Hill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This book helped me a lot from the beginning of my business journey.

“This book will help you magkaroon ng clear goal, maniwala ka sa sarili mo na kaya mong maabot iyon, continuous action and learn.”

Paalala pa niya: “Kahit mahirap, mabagal ang progress, don’t stop.

“You don’t need to be successful agad. Ang importante every day may ginagawa ka para maging mas malapit sa taong gusto mong maging.”

Plan ahead.

Sa mga OFWs na nagpaplanong magnegosyo, nagpayo si Lucas na huwag agad mag-resign.

Sabi niya, “Spend your time wisely. If may work ka 8-5, after mo mag-work, mag-aral ka and research at least 1-2 hours.

“Aralin mo paano nga ba ang business; ano-ano ang mga business ang puwede mong gawin while working as corporate [employee]. I recommend E-commerce like what we did.

“Once ready ka na, try it but don’t resign. Mag-wait ka muna mag-grow yung business mo until dumating yung time na yung current job mo na yung nakakapag-stop sa growth ng business mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Manage your finances.

Kailangan daw matuto sa paghawak ng pera at pagtitipid.

“Ilaan yung pera mo sa business mo or goal,” payo niya.

Iwasan o bawasan daw ang mga hindi kinakailangang gastos, tulad ng pagkain sa labas o entertainment.

“Dahil kahit anong laki ng kinikita mo, if hindi mo kaya i-manage nang tama yung pera mo, mauubos at mauubos lang ito,” saad niya.

Believe in God.

Yung mga opportunity sa buhay, hindi raw sila basta-basta. Ipinapakita ng mga ito yung vision and opportunities ni God if may faith ka sa Kanya.

“Before ako dumating sa buhay kong ito, napakadami kong pagsubok sa buhay, pero never ako tumigil sa pagdadasal at tiwala sa Panginoon,” pagtatapos ni Lucas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FROM OFW TO BUSINESS OWNER. Lucas Natividad worked as an IT professional in Qatar before returning home and starting a bag business that eventually made him a millionaire at 29.
PHOTO/S: Akbay Bags Ph on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results