Sa ikalawang pagkakataon, inimbita para muling maging cover guy ng Men's Health Philippines ang dating tinaguriang "Bad Boy of Philippine Movies" na si Robin Padilla.
Espesyal ang pambuwena-manong handog ng Men's Health sa mga readers nito, dahil hindi lang si Robin ang masisilayan sa January 2013 issue ng magazine, kundi pati na rin ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Naganap ang photo shoot nina Robin at Marian sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna nung Nobyembre ng nakaraang taon.






















