Maine Mendoza wants to be invisible so she can stalk Alden Richards

IMAGE courtesy of YES! magazine

Maine Mendoza answers 100 Questions in YES! magazine.


This February, Maine Mendoza goes solo for the first time on the cover of YES! magazine.

The 22-year-old phenomenal TV star had an exclusive photo shoot that shows her donning 10 varied outfits, and expressing different moods.

She also gave an interview in which she answered 100 prepared questions, plus on-the-spot follow-up questions.

The interview was peppered with lots of laughter, usually courtesy of Maine, whose innate wit can make her crack a joke or whip up a punch line so effortlessly, using just plain observation.


Here’s a sampler of the YES! interview with Maine:

1. If you could go back in time, which era would you choose to go back to?

Umm, Jurassic Era. [Laughs]. Hindi, siguro ’yong ’80s po. Gusto kong makita ’yong parents ko as teenagers. Kung paano sila kasi…Tingnan ko, mamaya nagagalit sila sa mga ginagawa ko ngayon, ’ta’s gano’n din pala sila… ‘Hoy, Mary Ann! [Laughs] Anak mo ’ko, hindi mo lang alam. Hindi mo pa ako kilala pero…” [Laughs.]

(Mary Ann is her mom's name.)

2. How do you envision your dream house? How will it look?

Dream ko po kasi talaga, tumira sa mansion ever since. So siguro, bahay lang with enough space for developing purposes. Lobby pa lang, pasabog na. Ewan ko, gusto ko talaga ng malaking bahay—two-story. Modern po. May pool, merong movie room, merong garden.

Would it be in the mountain? Beside the sea?

Uhh, overlooking the city po siguro. Baka masyado naman akong malumbay kapag nasa dagat. Kahit na favorite ko ’yon, feeling ko, di ko rin carry na araw-araw. Bakasyon-bakasyon lang.

Hindi mo pa alam ang design?
Hindi pa po, e. Gusto ko ng ano, e, black and white. Kaso, feeling ko, medyo malungkot. Di ba po, ano?

3. Guilty pleasures?

Stealing hotel toiletries.

Di naman stealing ’yon. Kasama naman sa binayaran mo ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ay, sabagay, binayaran ko… Kasi parang nakakahiya… Opo, lalo na sa mga magagandang hotels abroad, magaganda ang mga toiletries nila. Pati sa kabilang kuwarto, kinukuha ko. Haha!

4. Ano’ng mas mahirap—telling your crush na gusto mo siya, or telling somebody na may crush sa ’yo na ayaw mo siya?
’Yong latter po, telling somebody na hindi mo siya gusto. Kasi ayokong nakakasakit ng damdamin ng iba. Charot!

May charot na naman!... Kasi very vocal naman po ako with how I feel, so hindi po problema sa ’kin ’yon.

5. If you could trade bodies with someone from the opposite gender for a day…

Alden Richards…

And what would you do or where would you go?

A, ako ang magko-control? Wala po. Kaya ko lang gusto makipag-trade sa kanya, gusto ko lang malaman kung ano’ng ginagawa niya, mga pinupuntahan niya sa araw-araw. Kasi parang meron siyang mga one hundred na commitment sa isang araw.

Totoo po. As in, sa isang araw, ilang events. Apat, sunud-sunod. Naiintriga po ako. ’Tapos, minsan may mga personal pang lakad. Aba, nasisingitan mo pa talaga ng ano, ayun.

OR THIS ONE:

5. What superhero power do you wish to have?

Invisibility… Para ma-stalk ko ’yong mga tao… [Laughs.] Kung sino-sino, lalo na ’yong mga artista din, para makita ko kung paano ba ’yong araw nila, ano’ng mga ginagawa nila.

Sinong artista?

Si Alden. [Laughs.] Para makita ko kung paano siya maligo… haha!


YES! magazine’s February 2018 issue also puts the spotlight on Teresita Ssen “Winwyn” Marquez, who made history in November 2017 for being the first Filipina (and the first Asian) to win the Reina Hispanoamericana crown.

Then there are the weddings of Chynna Ortaleza and Kean Cipriano, and Max Collins and Pancho Magno.

And more celebrations: baptism of Vic Sotto and Pauleen Luna Baby Talitha; the baptism and birthday party of Robin Padilla and Mariel Rodriguez’s Baby Isabella; the first birthday party of Paolo Valenciano and Sam Godinez’s Baby Leia; and the seventh birthday of Christopher Roxas and Gladys Reyes’s son Grant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plus: Rocco Nacino’s food business.

It's out now in stands. For digital subscriptions, visit YESmagApple or YESmagPH for more details.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN