PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Jeepney Driver Binigyan ng Bigas"

"Minsan kailangan mo lang ng pang-unawa.”
by Chan-Chan Torres
Published Aug 7, 2023
CCTV jeepney and old man
(Left photo) Bumaba sa minamanehong jeepney ang driver matapos nitong masagi ang isang van. Pero pinatawad agad ito ng owner ng van at binigyan pa ng groceries at bigas (right photo). (Insert) Ang van owner na si Kamz Alvarez kausap ang driver na nakagasgas ng kanyang van.
PHOTO/S: Facebook (Kamz Alvarez)

Halimbawang nasagi ng isang jeepney driver ang iyong sasakyang nakaparada sa isang tabi, ano ang gagawin mo?

Puwedeng magalit, mainis, at talakan ang nakabangga sa sasakyan mo, di ba?

Pero iba si Kamz Alvarez.

Kamakailan, ibinahagi ni Kamz via Facebook post ang insidente kung paano nasagi ng 74 anyos na jeepney driver mula Sta. Rita, Pampanga, ang nakaparadang sasakyan nina Kamz sa labas ng kanilang shop.

Hinarap ni Tatay ang pagkakamali at nagkausap sila ni Kamz via video call.

Read: Multa para sa riders na nagpapatila ng ulan sa ilalim ng tulay, flyover? Netizens react

WALANG DANYOS PERWISYO

Sa Pilipino Star Ngayon Digital, ikinuwento ni Kamz na naka-base siya sa Alberta, Canada, kaya’t ang kapatid ang namamahala ng kanyang boutique at rental van business sa Pampanga.

Aniya, “Basically po, they asked for money panggawa ng nagasgas ni Tatay sa operator since nakikipasada lang po si Tatay.

“The next morning [gabi po sa Pinas], nakita ko ang messages ng ate ko na yun nga ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So naiyak po ako nung makita ko si Tatay dahil parang hirap maglakad at hinihingal.

“Bilang laki po ako sa hirap at tricycle driver rin ang tatay ko, sabi ko ibalik na lang ang pera kay Tatay at bigyan siya ng bigas at groceries.

“Yung terminal po ni Tatay, tapat po ng shop namin kaya hindi po kami nahirapan mahanap siya.”

Kumalat ang kuwentong kabutihang ginawa ni Kamz para kay Tatay via social media.

Nalaman pa ni Kamz na bago raw ang insidenteng pagkakasagi sa sasakyan niya, naospital daw si Tatay.

Dalawang linggo itong na-confine dahil sa tubig sa baga.

Napag-alaman din niyang walang ibang trabaho ang matanda kundi ang pamamasada.

Kaya kung siningil siya ni Kamz, ang magiging pantubos dapat ng lisensiya niya ay manggagaling sa operator ng minamanehong jeep.

Kakaltasin naman ang ipinantubos na ito sa suweldo ng matanda.

Paglalahad ni Kamz, “Nangibabaw din kasi yung awa sa puso ko. The fact na hindi siya tumakas means mabait si Tatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Imagine, siguro kung may means lang siya hindi na siya papasada ng jeep,”

Read: Mangingisda sa Cavite, nakakita ng dilaw na bato sa talaba; Perlas kaya ito?

PASASALAMAT NI TATAY

Hindi akalain ni Tatay na hindi na siya pagbabayarin ni Kamz ng danyos.

Kinabukasan nagpunta ang matanda sa shop ni Kamz para magpasalamat.

Patuloy na kuwento ni Kamz, “The next day, nagdala siya [Tatay] sa shop ng mga prutas at suha.

“Talagang yung mga less fortunate pa, sila pa yung mas mapagbigay.”

Ayon pa kay Kamz, malaking bagay daw sa matanda na nawalan siya ng alalahaning bayarin.

Nakahinga ito nang maluwag at makakapamasada na muli nang maayos.

“When I talked to Tatay, he was so relieved and thankful kasi nagme-maintenance pa pala siya.

"Di raw siya nakatulog kagabi kasi di niya alam paano niya babayaran yun.

“May this remind us that small act can make big impact.”

Para kay Kamz, “Minsan, hindi mo kailangang maging tama. Minsan kailangan mo lang ng pang-unawa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Basta’t laging may pang-unawa, mas mananaig ang awa at malasakit sa iyong kapwa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Bumaba sa minamanehong jeepney ang driver matapos nitong masagi ang isang van. Pero pinatawad agad ito ng owner ng van at binigyan pa ng groceries at bigas (right photo). (Insert) Ang van owner na si Kamz Alvarez kausap ang driver na nakagasgas ng kanyang van.
PHOTO/S: Facebook (Kamz Alvarez)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results