PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Aguinaldos: from jobless architect to earning 6 digits

Lester Aguinaldo recalls how he discovered vlogging while he was jobless.
by Rose Garcia
Published Apr 2, 2026
The Aguinaldos: Lester Aguinaldo chronicles how his vlog with mom Leonida Aguinaldo started
The Aguinaldos: mother Leonida (right) and son Lester Abion (left) recall how a prank turned into a profitable income stream when they started vlogging during the latter part of the pandemic.
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Marami ang naaaliw sa mag-inang Leonida at Lester Aguinaldo Abion, o kilala ring bilang The Aguinaldos.

Sila ay content creators na may 2.9M followers sa Facebook, 1.6M followers sa TikTok, at 88,500 subscribers sa Facebook.

Karaniwan sa content nila ay mga prank at mga kuwelang moments mula sa every-day life nilang mag-ina.

Kinagiliwan si Nanay Leonida, o kilala rin sa nickname na Ganda, dahil sa prangka pero kuwela niyang personality. Nag-match sila ng anak na si Lester na laging binibiro ang ina.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Lester at Leonida sa "Ngiting Tagumpay," ang World Oral Health Day ng Sensodyne at Polident, na ginanap sa Market! Market! Activity Center sa Taguig City noong March 13, 2026.

Ikinuwento ni Lester na nadiskubre niya ang pagba-vlog noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Isa siyang licensed architect pero nawalan ng trabaho noon.

Dahil nakapirmi sa bahay at bawal lumabas, naisipan niyang i-prank ang kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-viral ang "scholarship prank" na ginawa ni Lester noong 2022.

Ito ay dahil sa candid reactions ng mga magulang niya nang ipakilala niya ang mga ito na dating "drug lord" at "pusher."

Mariing tinanggi iyon ng mga magulang niya at pinagsabihan siya na di magandang biro iyong pagpapakilala ni Lester sa kanila.

Ayon kay Leonida, o tinatawag na Mama Leonida o Ganda, wala siyang ideya kung ano ang ginagawa ng anak.

Nagulat na lang daw ito nang may kakilalang nagsabing napapanood siya sa vlog ng anak.

"Wala akong alam, e," saad ni Leonida.

Natatawang dugtong ni Lester, "Ayaw talaga niya noong una, not until ma-monetize."

"Ay opo, pambili ng pagkain ng aso’t pusa," hirit ni Leonida, na maraming alagang aso at pusa.

Nang kumita na ang vlog ni Lester, nakumbinse niya ang ina na magpatuloy sa vlog.

Paliwanag ni Lester, "Siyempre po, ang mga magulang, gusto nila na kung ano ang natapos ng anak [iyon ang gawing trabaho]. And since architect ako, parang yun, mag-architect ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero ako kasi, nararamdaman ko na bukod sa pagiging arkitekto, may iba pa akong gustong gawin.

"Napi-feel ko na yung 100% na tanggap na niya, walang halong kaplastikan, noong kumikita na.”

Nang nagsisimula sa vlogging ang The Aguinaldos, ang una raw nilang kinita bilang content creator ay PHP10,000.

Ngayon, umaabot na raw ng 6 digits ang kita nila.

Ayon naman kay Leonida, ipinagmamalaki niyang napagtapos niya ng pag-aaral ang tatlong anak.

B.S. Math at pulis ang kurso at karera ng dalawa niyag anak. May mga "ampon" din daw si Leonida na pinag-aaral nila ng kanyang mister.

Pagkumpirma ni Lester, "Yun po ang pinaka-importante sa kanila ni Papa, yung education. Yun po ang deprived sila. Hindi po sila nakapagtapos.”

Ang ama ni Lester ay dating janitor, at ang ina naman niya ay housewife ngayon.

Lester Aguinaldo with his father and mom Leonida
Lester Aguinaldo with his father and mom Leonida
Photo/s: The Aguinaldos YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Zig Dulay asked if taping will stop for Bea Alonzo's wedding

ON MEETING THEIR IDOLS

Hindi akalain ng mag-inang Lester at Leonida na maaabot nila ang kasikatan nila ngayon bilang content creators.

Naimbatahan pa sila sa nakaraang GMA Gala 2025 na ginanap sa Mariott Hotel noong August 2025.

Kinikilig pa rin si Leonida nang alalahanin niya ang up-close-and-personal encounter niya sa mga iniidolong artista na sina Alden Richards at Marian Rivera.

Malugod ang pagbati ng Kapuso stars sa kanya nang lapitan niya ang mga ito.

"Ay opo, sabi ni Alden, nanay niya ko. Sabi niya, 'Nanay ko kayo.' Sobra kong kinikilig, para akong teenager," ngiting-ngiting sabi ni Leonida sa PEP.

Anong pakiramdam na pinapanood siya ng mga iniidolo niyang artista?

"Pinapanood ako ni Alden, pati ni Marian. Ang saya-saya ko!" bulalas ni Leonida.

Sabay dugtong niya, "Pero, wag muna tayong pumunta sa alapaap, basta nasa lupa tayo."

Mommy Leonida asked for a photo-op with Alden Richards during GMA Gala 2025
Mommy Leonida asked for a photo-op with Alden Richards during GMA Gala 2025
Photo/s: The Aguinaldos TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idolo rin daw ni Leonida si Vilma Santos, na na-meet na rin nila ni Lester.

"Mahal na mahal ko iyang si Vilma Santos. Pero, hindi ako nakikipag-away. Vilmanian ako.

"Sa baryo pa namin, tinatawid namin ang ilog para manood ng TV show niya.

"Wala kaming TV noong araw, kabilang baryo pa, kabilang dagat, namamangka kami, sagwan, para makapanood ng The Sensation."

Ang The Sensation ay isang television show noong '60s-'70s kunsaan isa sa mga hosts si Vilma at ang ka-loveteam niya noon na si Edgar Mortiz. Kabilang din sa show sina Ike Lozada, Perla Adea, Darius Razon, at iba pa.

Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, spotted sa Thailand airport

ON LIFE AS CONTENT CREATORS

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kina Lester at Leonida, ibinahagi nila na malaki ang pasasalamat nila sa narating na tagumpay.

Bukod sa pagiging ambassadors ng Sensodyne at Polident, may iba ring sponsors na natatanggap ang mag-ina dahil sa kanilang vlog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes, sobrang ngiting tagumpay po talaga. Kumbaga, literal," pag-amin ni Lester.

Kuwelang hirit naman ni Leonida, “Kahit pagod ako, nakangiti ang mga aso ko kahit maingay. Nakita ko, e.”

Natatawang inawat ni Lester ang ina at ipinaliwanag na hindi nito naintindihan ang tanong.

Saka ipinaliwanag ng binata na malaki ang ipinagbago ng buhay nila sa loob ng tatlong taon dahil sa kanilang pagba-vlog.

Pagsang-ayon ni Leonida: "Kapag lumalabas ako ng bahay, bibili ako ng ulam, sa pagitan ng eskinita, riles kung tawagin. Mommy ang tawag sa akin! Mommy Ganda!

"Wow, kahit wala akong pera, ang ganda ko raw."

Hindi na nga lang daw siya nakakapamalengke tulad ng dati.

Ani Leonida, "Hindi na po. Hindi na ako makaalis. Kasi nga, picture-picture. Do’n na lang ako, sa eskinita. Pero ang ugali ko, nasa lupa pa rin."

Wala raw problema sa kanila ang magpaunlak ng picture. Nahihiya lang daw sila na kapag namamalengke, nagiging dahilan sila na nakakakuha sila ng atensiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala rin si Leonida na tahasang nagmumura sa vlog kapag sinusuway ang anak.

Tinanong ng PEP kung paano nila ito binabalanse dahil may mga bata at teenager na sumusubaybay sa kanilang vlog.

Pag-amin ni Leonida, "Kapag nagugulat po ako [napapamura ako], pero humihingi po ako ng sorry. Pero, may natutuwa...

"Kapag ako ay nakakapagsalita [ng bad words], sorry, wag niyo akong gayahin."

Sabi naman ni Lester, "Ako naman, bilang anak ni Mama, ang ginagawa ko na lang, pagdating sa edit, pinapa-mute ko na lang ang mura."

Read: 15 beautiful churches and chapels across the Philippines

ON SELF-REGULATION AS CONTENT CREATORS

Sa huli, tinanong kung may personal guidelines sila bilang content creators.

Ayon kay Lester: "Kami po as content creators, as authentic as possible. Ang objective po naming talaga is magpasaya na walang inaapakang ibang tao. Yun po talaga.

"Madalas talaga kalokohan. But we see to it na hindi kami makakaapekto sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun lang din po siguro ang masasabi ko sa ibang nag-aaspire na maging content creators, know your heart.

"Tingnan mo kung ano ang gusto mong gawin at wag na lang nating sadyain na gumawa ng hindi maganda for the sake of the views or whatever.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Aguinaldos: mother Leonida (right) and son Lester Abion (left) recall how a prank turned into a profitable income stream when they started vlogging during the latter part of the pandemic.
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results