Paano protektahan ang iyong anak laban sa polio?

"There is no cure for polio, it can only be prevented."
by Justine Punzalan
Sep 25, 2019
"Please, I beg of you, for the sake of our children, take care of them. Make sure they have proper hygiene and they get vaccinated," said Health Secretary Francisco Duque III.
PHOTO/S: ISTOCK

Nakakaalarma ang paglitaw muli ng polio sa Pilipinas.

Noong September 19, 2019, naglabas ng official statement ang Philippine Department of Health (DOH) matapos makumpirmang merong Type 2 polio ang isang tatlong taong gulang na babae sa Lanao del Sur.

Noong September 20, 2019, naibalita ring tinamaan ng polio ang isang limang taong gulang na lalaki na taga-Laguna.

Kaya masugid na pinaalalahanan ng DOH ang lahat ng magulang to practice proper hygiene at pabakunahan ang mga anak.

Having the right knowledge is also key.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) rounds up what you should know and what you should do against this dreaded disease.

ANO ANG POLIO AT mga sanhi nito?

Ang polio o poliomyelitis ay isang lubhang nakakahawang sakit na maaring ikamatay ng isang tao kung wala siyang mainam na proteksiyon laban rito.

It is caused by poliovirus o isang virus na inaatake ang nervous system ng tao.

Ayon kay Public Health Doctor Paige Recasata, ang poliovirus ay nasa paligid natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Essentially, different viruses exist in the environment talaga," aniya.

"It’s a matter of being able to fight the virus or not once it enters your body."

Dagdag pa ng doktora, ito ay napapasa from one person to another sa pamamagitan ng laway o dumi ng tao.

Maari rin itong makuha sa paghawak o pagsubo ng mga bagay, pagkain, o inumin na contaminated ng virus.

Ang polio ay mas mabilis rin na kumakalat sa mga lugar na exposed sa dumi.

"If an area’s sanitation is poor, for example open defecation in rural areas or no effective water systems, magta-thrive ang poliovirus doon, easily replicates and spreads," ani ni Dr. Recasata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ANO ANG EPEKTO NG POLIO?

Ang polio ay mabilis na kumakalat sa katawan kaya't bukod sa pag-iwas rito, dapat ding tandaan ang mga sintomas nito.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang initial symptoms ng polio ay lagnat, pananakit ng ulo, pagsusuka, paninigas ng leeg, at pananakit ng kasukasuan.

It first attacks a person's nervous system, at maaring magdulot ng permanent paralysis ilang oras lamang pagkatapos matamaan ng virus na ito ang isang tao.

Dagdag pa ng WHO, "One in 200 infections leads to irreversible paralysis (usually in the legs).

"Among those paralyzed, five to ten percent die when their breathing muscles become immobilized."

Ang masaklap rin dito, ang kadalasang nabibiktima ng sakit na ito ay mga batang limang taong gulang pababa.

BAKIT Nagbalik Ang POLIO sa Pilipinas?

Ang WHO, UNICEF, DOH, at iba pang global at local organizations ay nagsanib-puwersa para puksain ang polio sa buong mundo.

Taong 1988 noong unang inilunsad ang Global Polio Eradication Initiative na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa taon ring ito, natatalang humigit kumulang 1,000 bata ang napaparalisado araw-araw globally dahil sa polio.

Dahil sa mga immunization efforts na pinangunahan ng WHO at Bill and Melinda Gates Foundation, unti-unting nakawala ang mundo sa crippling effects ng sakit na ito.

Taong 1993 nang maitala ang last polio case sa Pilipinas. Come year 2000, idineklara ng World Health Organization na polio-free ang bansa.

Sa kabila ng lahat, bakit nga ba muling nagbabalik ang polio sa bansa?

Ayon sa DOH, ang kasalukuyang immunization ng bansa ay nasa 66 to 68 percent lamang. Malaki ang pagkukulang ng Pilipinas sa international standard na 95 percent.

In October last year, naglabas ng study ang London School of Hygiene and Tropical Medicine na nagpapakitang maraming mga Pinoy ang nawalan ng kumpiyansa sa vaccines dahil sa isyu ng Dengvangxia.

Ayon sa pagsusuring ito, mula 95 percent noong 2015, bumaba sa 32 percent ang naniniwala sa bakuna noong 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At hindi lamang ito sa Dengvangxia, kundi pati na rin sa iba pang bakuna, kabilang na ang para sa polio.

PAANO MAIIWASAN ANG POLIO?

Sabi ng WHO, "There is no cure for polio, it can only be prevented."

Ang pinakamabisang prevention dito ay ang pagbabakuna ng inyong mga anak ng Oral Polio Vaccine (OPV) at Inactivated Polio Vaccine (IPV) habang maaga pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

There's no reason to worry about this vaccine dahil ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ang polio vaccines ay "very safe."

“We have nothing to worry about because the polio vaccine has been used for a long time, and it has gone through tests that prove its safety, efficacy, and affordability,” saad niya sa isang press conference noong September 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang standard recommendations para sa mga sanggol at kabataang hanggang 18 taong gulang.

Para sa mga sanggol, ang OPV ay binibigay sa kanila at six weeks old in three doses with four-week intervals. Ang IPV naman ang ibibigay sa kanila kasabay ng huling dose ng OPV at 14 weeks old.

Matapos mapabakunahan ng OPV at IPV ang iyong baby, siya rin ay dapat mabigyan ng dalawang booster doses: ang unang dose ay kapag siya'y 12-15 months old, at ang pangalawa, kapag siya'y nasa apat hanggang anim na taong gulang na.

Para naman sa mga batang apat hanggang labing-walong taong gulang na hindi pa nababakunahan, marapat rin na sila ay mabigyan ng OPV o IPV in three doses at 0, 1, and 6 months.

Maari mong pabakunahan nang libre ang iyong baby sa mga health centers kung saan iniimplement ng gobyerno ang kanilang immunization program for babies.

Puwede mo ring dalhin ang iyong anak sa pedia clinics kung saan kadalasang binbigay ang polio vaccines kasama ng iba pang bakuna para sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

With the reemergence of the sickness in the Philippines, pinaalalahanan rin ng DOH ang mga clinics na magbigay ng additional doses ng polio vaccines para sa long-term protection ng mga bata.

Kasabay ng pagpapabakuna, inaanyayahan ng DOH ang lahat ng pamilya na labanan ang polio sa pamamagitan ng proper hygiene.

"Please, I beg of you, for the sake of our children, take care of them.

"Make sure they have proper hygiene and they get vaccinated," said health secretary Francisco Duque III.

“Wash hands regularly, use toilets, drink safe water, and cook food thoroughly."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Please, I beg of you, for the sake of our children, take care of them. Make sure they have proper hygiene and they get vaccinated," said Health Secretary Francisco Duque III.
PHOTO/S: ISTOCK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results