Paano pakalmahin ang batang nagta-tantrums?

Dec 28, 2019
The key to dealing with child tantrums is keeping your cool while teaching your kids how to understand their own emotions.
PHOTO/S: ISTOCK

Naglulupasay habang umiiyak. Hindi alintana kahit pa maraming tao ang nakatingin sa kanya.

Ganito ang mga bata kapag sila ay merong temper tantrums.

Maraming parents ang hirap i-handle ang ganitong sitwasyon. Iniisip pa nga nilang hindi napapalaki nang maayos ang kanilang anak.

Pero hindi sila dapat mahiya o magalit.

Ayon sa mga parenting experts, normal daw ito sa mga batang nasa developing stage pa lamang ang kanilang social at emotional skills. At ang tantrums ay isang paraan para maipakita ang kanilang nararamdaman.

Ito raw ay kadalasang resulta ng temperament o reaction sa pangyayaring nakaka-frustrate o nakaka-stress. Dulot rin daw ito ng pagkagutom o pagkapagod o overstimulation.

Sa halip na mainis o mawalan ng pasensiya, ang payo ng Professional Healthcare chairman ng Philippine Pediatrics Society na si Dr. Joseph Regalado na hayaan lamang na kumalma ang iyong anak at pagkatapos, kausapin siya nang masinsinan.

Idinetalye ni Dr. Regalado kung paano ito gagawin sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Similac GainSchool Parenting Forum na ginanap noong November 13, 2019, sa The Mess Hall, Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIP #1: HUWAG PANSININ

Ang epektibo raw na solusyon sa tantrums ng bata ay huwag siyang patulan.

Ani Dr. Regalado: "Sa temper tantrums, kaya siya nag-te-temper tantrums kasi pinapansin mo, e.

"Kahit na nagagalit ka... iyong attention na binigay mo, lalo mo lang nire-reinforce iyong behavior ng temper tantrums."

Ang "attention" na ito, positibo man o negatibo, ay nami-misinterpret ng iyong anak bilang sagot sa kung anumang gusto niyang sabihin o makuha.

Pero dahil kadalasang pasigaw, paiyak, o pabalang ang kaniyang pagsabi nito, siya ay mas matututong mag-behave kung siya ay hindi mo papansinin.

"So the less na nagiging attention-getting iyong behavior, dahan-dahang mag-di-diminish iyong manifestation na iyon," sabi ni Dr. Regalado.

"Kapag napansin ng bata na, 'Ay, wala palang effect ito. Tigilan ko na nga.'"

He underlines, "Ang mga bata, napakagaling ng logic. Wag natin iiunderestimate iyan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TIP #2: HUWAG SISIGAW

Importante ito, mga mommies, upang maipaliwanag nang maayos sa bata ang consequences ng kanyang ginawa, tantiyahin ang magiging reaksiyon.

Kung parati kasing pagalit ang tono, hindi malalaman ng bata ang extent ng tantrums niya.

"Ang measure dapat doon is how grabe the infraction. Parents should be mapasensiya or magagalit depende sa gravity ng kasalanan o infraction," sabi ni Dr. Regalado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIP #3: HUWAG BALEWALAIN ANG EMOTIONS NILA.

Huwag pansinin, pero huwag ding balewalain yung feelings niya.

Ang pagkakaroon ng outburst o sudden release ng strong emotion ay normal sa kahit sinong tao.

Kung kaya't payo ni Dr. Regalado, hindi mo kailangan na laging pigilan o pagalitan ang iyong anak kapag meron siya nito.

"Right niya iyon, e. Hayaan mo siya, hayaan mo siya," sabi ni Dr. Regalado.

Ang mahalaga, maituro mo sa kanya kung paano niya iintindihin ang kanyang sariling nararamdaman. Hindi yung tuwing may feeling of uncertainty, iiyak agad.

Sa mga sitwasyon na ito, nirerekomenda ni Dr. Regalado na tanungin mo ang iyong anak, "O, are you okay?"

Pagkatapos, help your child process by asking, "Why did you have the outburst?"

"Kung ayaw mo iyong bine-behave niya, turuan mo siya.

"Ang importante the child should be able to know when and where."

Dagdag ni Dr. Regalado, "There's nothing wrong with that outburst hangga't hindi siya nananakit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The key to dealing with child tantrums is keeping your cool while teaching your kids how to understand their own emotions.
PHOTO/S: ISTOCK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results