Assunta de Rossi is pregnant

by Rommel R. Llanes
May 5, 2020
assunta de rossi instagram post. assunta de rossi inside a car.
Assunta de Rossi, 37, just told her social-media followers that she had not been feeling well the past few days, then revealed that she is already 14 weeks pregnant. Assunta told PEP.ph last year that she wanted to be pregnant before she hit 40.
PHOTO/S: @assuntaledesma Instagram

In-announce ni Assunta de Rossi, 37, sa kanyang social media accounts ngayong araw, May 5, ang kanyang pagbubuntis.

Sa kanyang Instagram post kaninang madaling araw, ibinahagi niya muna sa kanyang followers na masama ang kanyang pakiramdam nitong mga nakaraang araw.

Nakakaramdam daw siya ng pagkahilo at pagsusuka, madali siyang mapagod, maselan siya sa pagkain, at namamaga ang kanyang dibdib.

Nitong March 5, binisita raw niya ang kanyang OB-Gyn, matapos ang tatlong taon nang huling pagbisita niya rito.

Doon niya nalaman na limang linggo na pala siyang buntis, sa kabila ng pagkakaroon niya ng myoma at endometriosis.

Sa ngayon ay 14 weeks na ang kanyang ipinagbubuntis.

Continue reading below ↓

Ayon sa msdmanuals.com, ang myoma ay mga tumor na tumutubo sa ibabang bahagi ng matres ng babae, habang ang endometriosis naman ay ang pagbuo at pamamaga ng tissues sa labas ng matres, ayon sa mayoclinic.org.

Itinuturing niyang isang milagro raw ang kanyang pagbubuntis sa kanyang edad na 37, matapos ang ilang attempts nila ng asawang si Jules Ledesma, 59.

May almost 18 years nang kasal ang Italian-Filipino actress sa dating congressman.

Sina Assunta at Jules ay unang ikinasal sa isang civil ceremony nung December 14, 2002, sa Negros Occidental, ang native place ng mga Ledesma. Muli silang ikinasal nung March 14, 2004 sa isang magarbong church wedding sa Forbes Park, Makati.

May dalawa nang anak si Jules mula sa unang asawang si Maria Cristina Tsung Pek, na pumanaw sa sakit na cancer noong taong 2000. Ang mga ito ay sina Cristina, 29, at Carlos, 24.

Nung nakaraang taon, sinabi ni Assunta sa eksklusibong interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na gusto niyang magbuntis bago tumuntong ng edad na 40.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Assunta de Rossi, 37, just told her social-media followers that she had not been feeling well the past few days, then revealed that she is already 14 weeks pregnant. Assunta told PEP.ph last year that she wanted to be pregnant before she hit 40.
PHOTO/S: @assuntaledesma Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results