Why Diana Zubiri kept third pregnancy low key; yup, she is now a mommy of 3 kids

by Jojo Gabinete
Oct 7, 2020
Diana Zubiri gives birth to her third baby, Amira Jade, on September 14, 2020.
PHOTO/S: courtesy of Diana Zubiri

Amira Jade ang pangalan ng baby girl na isinilang ni Diana Zubiri sa pamamagitan ng normal delivery sa Makati Medical Center noong September 14, 2020, sa ganap na 8:44 p.m.

May timbang na 7.5 lbs. si Amira, na bunso sa tatlong anak ni Diana at ng asawa nito na si Andy Smith.

Unlike her second pregnancy na fully documented sa social media, mas tahimik at pribado ang third pregnancy ng aktres.

In fact, pareho sila ni Andy na walang opisyal na pregnancy announcement. Wala rin silang post on gender reveal. At wala ring baby-bump photos.

Noong April 15, ang 35th birthday ni Diana, binati ni Andi ang kanyang misis sa Instagram, kasama ang isang photo, na kung papansining mabuti ay may konting bump.

Pero tila wala ring nakapansin na buntis ang aktres dahil puro birthday greeting ang nasa comments.

Continue reading below ↓

WHY THIS PREGNANCY IS LOW KEY

Pinakamaselan ang pagbubuntis ni Diana sa pangatlong pagkakataon kaya complete bed rest ang payo sa kanya ng doktor niya.

March 16, 2020 nang magdeklara ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa coronavirus pandemic, pero unang buwan pa lang ng taong 2020, hindi na lumalabas ng bahay si Diana.

Napaaga ang kanyang quarantine.

Ang mahirap at maselan na pagbubuntis ang dahilan kaya tinanggihan ni Diana ang mga alok na television guesting at drama series, kahit hindi pa halata ang baby bump niya.

"Wala akong napaglihian na pagkain. Nahirapan ako sa pagbubuntis dahil bukod sa wala akong panlasa, isinusuka ko ang lahat ng kinakain ko.

"Through video call naman ang consultation ko sa OB-GYNE noong ECQ sa Metro Manila,” ang kuwento ni Diana sa Cabinet Files via phone call kahapon, October 6, tungkol sa mga naranasan niya nang magbuntis siya kay Amira Jade.

Hindi man siya nag-post sa social media tungkol sa kanyang kalagayan, tiniyak nina Diana at Andy na dokumentado ang lahat ng pangyayari, mula sa araw na nalaman niyang positive ang resulta ng pregnancy test kit hanggang isilang ang kanilang anak na bunso.

Continue reading below ↓

Heto nga't may 15-minute video sila sa YouTube kung saan pinagtagpi-tagpi nila ang highlights ng pregnancy journey ni Diana.

Here are glimpses of Diana Zubiri's third pregnancy journey.

Dalawang araw lamang nagtagal sa ospital ang mag-ina dahil sa patakaran na Makati Medical Center na pauwiin kaagad ang mga ina na normal ang pagsisilang bilang proteksiyon laban sa COVID-19.

Pagdating sa bahay, labing-apat na araw na naka-quarantine sina Diana at Amira Jade dahil ito ang mahigpit na bilin ng doktor para mapangalagaan sila at ang kanilang mga kasambahay laban sa coronavirus.

Ang eldest son ni Diana na si Joaquin ay 11 years old, habang ang daughter niyang si Aliyah ay four years old.

RELATED STORY

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diana Zubiri gives birth to her third baby, Amira Jade, on September 14, 2020.
PHOTO/S: courtesy of Diana Zubiri
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results