Good news: Kristine Hermosa at Oyo Sotto are expecting baby number five.
Nag-post ang mag-asawa ng kanilang announcement sa social media ngayong hapon, December 10, 2020.
"Nag-POSITIVE!!! Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka Lord! Salamat Lord Jesus! Napaka-faithful mo kahit kailan.God is truly amazing. Ibang klase ang mga sopresa mo. Best Christmas gift ever,” ang pasasalamat at papuri ni Oyo sa Panginoon.
Ipinost din ng 36-year-old son nina Vic Sotto at Dina Bonnevie ang sonogram at photo ng resulta ng pregnancy test ni Kristine.
Ang reaksiyon naman ng 37-year-old actress nang makumpirma nitong buntis uli siya:
"Another answered prayer. Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon.Thank you Lord for sustaining us this entire year, pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God."

Isang magandang regalo raw ang kanyang pagbubuntis.
Dugtong ni Kristine, "Kung wala Ka, di namin alam kung saan kami pupulutin.All glory to you God.Salamat sa pagmamahal mo sa amin. I LOVE YOU SO MUCH JESUS — I love you Oyo, Kiel, Dre, Kaleb, Vin & Baby in my belly.
"Best Christmas and Anniversary gift from above."
Four years old na si Marvic Valentin, ang susundan ng ipinagbubuntis ni Kristine. Siya ay isinilang noong November 5, 2016.
Ipinagdarasal nina Oyo at Kristine na babae ang magiging panglima nilang anak dahil iisa pa lang ang anak nila na babae, si Ondrea Bliss, na isinilang ipinanganak noong December 26, 2011.

Ikinasal sina Kristine at Oyo noong January 12, 2011 sa Batangas.