PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tanya Garcia on letting daughters enter showbiz

"Gusto ko rin na mag-audition din sila."
by Rose Garcia
Published Mar 12, 2021
Tanya Garcia (L) is a hands-on mom to her three girls: Mischa Amidala Lapid (3rd from R), Matilda Anika Lapid (R), Madeleine Lapid.
PHOTO/S: @tankeelyttlelapid on Instagram

Papayagan ba ni Tanya Garcia ang kanyang mga anak na sumunod sa kanyang mga yapak?

Ayon sa aktres, na isa sa mga bida ng GMA Afternoon Prime show na Babawiin Ko Ang Lahat, ang gusto ng kanyang panganay na anak ay maging sikat sa South Korea.

“Ang mga anak ko, gustong maging K-pop Idol. Ayan ang gusto niya, iyong eldest ko, gusto niyang payagan ko siyang mag-training sa Korea.

“So, parang iyon yata ang hindi ko kaya,” ang natatawang sinabi ni Tanya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na virtual mediacon ng kanilang serye sa GMA-7.

Dugtong pa niya, “E, ilang years ang training, di ba? Hindi naman dito lang iyon, sa ibang bansa iyon.”

Tatlo ang anak nina Tanya at Mark Lapid. Ang panganay ay si Mischa Amidala Lapid, 13, sumunod si Matilda Anika, 9, at ang bunso na si Madeleine Ariana, 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung pag-aartista rin daw talaga ang gustong tahakin ng mga anak nila, isa lang naman daw ang kahilingan niya.

“Kung talagang gusto nilang pumasok sa showbiz at mag-artista, basta ang sinabi ko lang, sana magtapos muna sila,” saad niya.

Ayon pa kay Tanya, iyon daw kasi ang hindi niya nagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi di ba, hindi ko natapos ang pag-aaral ko. Although, nakapag-college ako, pero hindi ko natapos.

“So iyon lang naman ang hinihingi ko sa kanila, makapagtapos sila ng college.”

Hands-on nanay si Tanya bilang nanay. Base sa kanyang naging karanasan bilang isang artista, ano ang ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak kung sakaling pasukin nila ang showbiz?

“Iyong mga ayokong maranasan nila, wala,” saad ni Tanya.

“Siyempre, tayo naman, as much as possible, gusto nating ibigay lahat ng puwede nating ibigay sa mga anak natin.

“Pero, siyempre, gusto rin naman nating makaranas naman sila ng kahit konti lang na paghihirap. Para kapag nakuha nila ang success, masarap, kasi pinaghirapan nila.

"Hindi iyong isi-serve mo lang agad sa kanila in a silver platter. Parang, 'Okay na, hayan na, pasok ka na, kasi ang magulang mo nasa showbiz.'"

Bukod kina Tanya at Mark, na parehong nasa showbiz, ang ama ng huli na si Lito Lapid ay naging action star bago nito pinasok ang pulitika.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Gusto ko rin na mag-audition din sila. Nag-audition din ako sa Sana Ay Ikaw Na Nga. Nag-audition din ako sa Ang TV,” natawang sabi pa niya.

Breakthrough project ni Tanya sa telebisyon ang GMA-7 series Sana Ay Ikaw Na Nga (2002), kung saan nakatambal niya si Dingdong Dantes.

Hindi siya nakasama sa ABS-CBN youth-oriented comedy variety show na Ang TV, bagkus, ipinakilala siya sa Gimik noong 1996.

Sa pagpapatuloy ng 39-year-old actress, “Meron din akong mga ganyan at sana rin, maranasan din nila iyon. Para kung maging successful man sila, masarap sa pakiramdam kasi pinaghirapan nila.

"At hindi dahil lang sa connection or dahil lang sa anak sila ni ganito or apo sila ni ganito.”

TANYA GANYA: NO REGRETS ABOUT CHOOSING FAMILY

Samantala, aminado si Tanya na sumasagi paminsan-minsan sa isip niya ang mga “what ifs” niya sa buhay. Halimbawa na lang, what if hindi siya nag-lie-low sa pag-arte?

Pero wala raw siya ng regrets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyong what ifs naman kasi, hindi naman mawawala iyon. Pero iyong regrets, wala naman. Palagi nga nila akong tinatawag na reluctant.

“Kasi honestly, mahiyain ako at saka palagi akong kinakabahan. Parang hindi naman ako nandoon sa talagang pne hundred percent na confidence. 'Tapos noong nagkaanak ako at nagkapamilya ko, parang doon ko nakita na, 'Uy, dito talaga ko. Parang nandito iyong fulfillment ko.'"

Masaya raw siya na

“Pero like what I’ve said, even noong times na sinabi ko na, 'Magiging full-time mom na ko, hindi na ko aarte,' meron at meron pa rin pumapasok na guesting, inquiry, so siguro kahit lumayo or alisin mo ang sarili sa showbiz industry, kung talagang para diyan ka, kahit anong mangyari, babalik at babalik ka rin.”

Ngayong malalaki na ang tatlong anak niya at maganda ang work experience niya sa Babawiin Ko Ang Lahat, nasabi raw ni Tanya sa sarili na malaking parte ng buhay niya ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-realize ko na parang dito nga siguro talaga ko at namimiss ko, nasisiyahan ako na gawin siya.”

TANYA GARCIA ON BABAWIIN KO ANG LAHAT

Nagsilbing comeback series ni Tanya sa telebisyon ang Babawiin Ko Ang Lahat.

Ayon sa aktres, na-miss daw niya talaga ang umarte.

Aniya, “Honestly, noong ginawa ko itong Babawiin Ko Ang Lahat, doon ko na-feel na namiss ko rin pala siya.

“Kasi before Babawiin Ko Ang Lahat, ang tinatanggap ko mga guesting, mga short roles lang. Kasi nga, feeling ko, hindi ko kayang mahiwalay ng matagal sa pamilya ko.

“Pero nang gawin ko ito, parang nagkaroon ako ng confidence na, 'O sige, kaya ko…'

"Pero siyempre, dapat iyong support group ko, katulad ng mga kasama ko na todo-suporta kagaya nila Ms. Mina [Carmina Villarroel] at Kuya John [Estrada] at Kuya Gio [Alvarez].”

Hirit pa ni Tanya na natatawa, “Sana bigyan ako ulit ng GMA na sila ulit ang kasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tanya Garcia (L) is a hands-on mom to her three girls: Mischa Amidala Lapid (3rd from R), Matilda Anika Lapid (R), Madeleine Lapid.
PHOTO/S: @tankeelyttlelapid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results