Nadine Samonte three months pregnant with third child

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2021
nadine samonte pregnant
Nadine Samonte's mother-in-law Isabel Rivas reveals that Nadine has a difficult pregnancy: "She was in and out of the hospital because of bleeding, threatened abortion, kaya complete bed rest siya. Pero now, okay na kaya nag-post na sila [sa social media]."
PHOTO/S: @nadinesamonte on Instagram

Ibinalita ni Nadine Samonte sa Instagram followers niya ang unexpected gift na matatanggap nila ng kanyang asawang si Richard "Rboy" Chua.

“Happy to announce that now we are a family of five. Hello second trimester,” Instagram post ni Nadine na nilagyan niya ng hashtags #thankyouLord, #unexpected gift, at #baby3.

“And just like that, we’re a basketball team,” sabi naman ni Rboy tungkol sa pagdadalantao ng misis niya.

Continue reading below ↓

Apat na taon na ang panganay nina Rboy at Nadine na si Heather Sloane, samantalang dalawang taon na ang kanilang bunso na si Austin Titus.

DIFFICULT PREGNANCY

Masaya ang aktres na si Isabel Rivas dahil buntis sa kanyang pangatlong apo ang manugang niyang si Nadine.

Si Isabel ang ina ng mister ni Nadine na si Richard.

Three months pregnant na si Nadine, pero ngayon lamang niya ipinaalam sa publiko ang kalagayan dahil maselan ang kanyang pagbubuntis.

Pahayag ni Isabel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nadine is three months preggy.

"We hid it kasi napaka-complicated niyang magbuntis.

"She was in and out of the hospital because of bleeding, threatened abortion, kaya complete bed rest siya.

"Pero now, okay na kaya nag-post na sila [sa social media]."

Dagdag pa ng veteran actress tungkol sa kalagayan ni Nadine, “Sa December ang due date niya. Wala pang gender but we feel it’s a girl.

Continue reading below ↓

“Hindi ko alam ang mga pinaglilihian niya, pero maraming bawal sa kanya. Fish and veggies lang siya puwede, no meat at all.

"Kawawa siya but she’s so happy.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Samonte's mother-in-law Isabel Rivas reveals that Nadine has a difficult pregnancy: "She was in and out of the hospital because of bleeding, threatened abortion, kaya complete bed rest siya. Pero now, okay na kaya nag-post na sila [sa social media]."
PHOTO/S: @nadinesamonte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results