Ang kagandahan ng pandemic, talagang natutukan ni Mike Tan ang dalawang anak niyang babae na sina Victoria, two years old, at Priscilla, one year old.
Breastfed ang bunso niya kaya aminado ang aktor na mas malapit pa ito sa nanay.
“Breastfed kasi si Priscilla, so palagi siyang nasa mommy niya. Hindi nga siya masyadong malapit pa sa akin. Siyempre, kapag gutom siya, doon siya tatakbo.
“'Tapos si Tori naman, lumaki siya sa akin na pinapadede ko siya sa bottle niya, so mas malapit sa akin iyong isa.
"But now, dahan-dahan, lumalapit na rin sa akin si Priscilla. Mas nagkaka-bond na kami at hindi na siya palaging nasa yapak ng nanay niya.”
MIKE on RAISING DAUGHTERS
Mas may pressure daw, lalo na sa tatay, kapag babae ang anak.
“Oo,” mabilis niyang pagsang-ayon.
“Maraming itinuturo sa akin ang asawa ko kung paano sila paliguan nang mas tama, kung paano sila hugasan nang mas tama. Kapag nagwiwi sila, kung ano ang dapat gawin.
“Maraming technicalities, kasi nga babae. Mas mahirap kasi, mas madali silang ma-infect.
"Sabi nga sa akin ng asawa ko, wag mong gawing parang lalaki. Wag mong ihagis-hagis. Wag kang masyadong bruskong mag-alaga, kasi baby pa sila.”
Dugtong din niya, “Siguro mas mahirap kapag medyo lumalaki na sila. Hinihintay ko iyon, kung paano ko ia-adjust ang emotion nila.
“And, of course, kapag dumating na ang period nila.”
At na-realize rin niya na advance na agad ang naiisip niya.
“Ang layo ko nang mag-isip!” natawa niyang sabi.
“Pero kung dumating man iyong time na iyon, lumaki rin naman ako sa dalawang babaeng kapatid, wala naman silang issue sa akin. Minsan nga, ako pa ang bumibili ng mga napkins ng mga kapatid ko.
“I think, mas excited akong mangyari iyon than na-pressure ako.”
MIKE GETS VACCINATED
Isa si Mike sa mga Kapuso stars na nabakunahan na rin.
Kasama siya sa mga artistang nabakunahan sa MMDA Auditorium sa EDSA cor. Orense St., Guadalupe, Makati City, noong June 11, 2021 sa pakikipagtulungan ng MMDA/MMFF at Mowelfund.
Bilang isang tatay na may dalawang toddlers, mas kampante na raw siya ngayong nabakunahan na.
Pagpapasalamat niya, “Finally, kasi we’ve been waiting to get vaccinated. Kasi ang tagal, ang tagal na naming naghihintay.
“So iyong relief… at buti na lang, napasama kami sa mga unang artista na legally, na-vaccinate.
"Parang kami iyong isa sa mga nauna sa A4 list na na-vaccinate. Sobrang thankful kami sa access na binigay sa amin ng ninong namin na si Noel Ferrer.”
Mas may kumpiyansa siya ngayon na magagawa niya ang mga tungkulin niya bilang ama at bilang isang Kapuso actor rin.
“Oo, pero sabi ko nga sa asawa ko, kahit na na-vaccinate na ako, ayoko pa rin isipin na may immunity na ako,” diin niya.
“Kasi ang vaccine naman natin, para lang hindi maging severe ang COVID mo, but it doesn’t mean na immune ka.
"Siyempre, may dalawang babies ako rito. Kahit pa hindi ako severe, pero kung magka-COVID ako at mahahawa sila, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin. Iyon ang hindi ko kaya.
“So I make sure na every time na lalabas ako, lahat asymptomatic.”
