PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Herras, Mike Tan "walang rest day" because of fatherhood

Not that they are complaining,
by Rommel Gonzales
Published Mar 12, 2022
Mark Herras and Mike Tan
When they are not on the set, Mark Herras (L) and Mike Tan are both busy at home doing daddy duties. Smiling, Mark says, “Kasi sa taping, may rest day, e. Sa bahay wala, e, walang rest day..."
PHOTO/S: PR

Isa sa mga tinatalakay sa GMA series na Artikulo 247 ay ang tungkol sa pamilya.

At dahil parehong ama sina Mike Tan at Mark Herras, dalawa sa mga bidang aktor ng Artikulo 247, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano binago ng fatherhood ang kanilang buhay.

May isang anak sina Mark at misis niyang si Nicole Donesa. Siya ay si Mark Fernando na ipinanganak noong January 31 2021.

Umpisang sagot ni Mark sa tanong ng PEP.ph, “I think, unang-una siguro yung towards work kasi talagang iba yung naging mindset.

"Feeling ko parehas kami ni Mike, iba yung nagging mindset pagdating sa trabaho.

“Siguro masasabi kong mas nagseryoso kami, legit na mas nagseryoso kami this time.

“Kasi siyempre iba yung inspiration namin ngayon, iba yung dating kasi nung mga bata, iba yung ibinibigay sa aming saya.

"Parang gusto naming magtrabaho for them not just to provide, but, basically, para maging magandang ehemplo someday for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang laki, ang laki ng ibinago sa buhay kasi kung before, magtatrabaho kami then after that relax, pahinga, chill, ngayon talaga after work gustung-gusto naming umuwi ni Mike.

"Hindi para magrelax kundi para bumalik dun sa normal naming ginagawa, which is alagaan yung mga anak namin, di ba?

“So it’s really, really different, parang part of my life na ngayon kasi talagang masaya, masaya yung pakiramdam.

"And I’m really happy na nagagamit ko siya sa trabaho.”

Samantala, si Mike ay may dalawang anak—sina Victoria o Tori (3 years and 3 months old) at Priscilla o Prisci (2 years).

Sabi ni Mike, “Dudugtungan ko lang yung sinabi ni Mark, iyong sabi niyang di ba dati nagtatrabaho ka, galing kang taping 'tapos magpapahinga ka.

"Ngayon hindi, uuwi ka para gawin mo ulit yung normal mo ng ginagawa, mag-aalaga ng bata, siyempre bukod sa pag-aalaga sa bata, kailangan mong maging asawa dun sa asawa mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang biro pa ni Mike, “So kung sa tingin ng iba nakakapagod yung trabaho namin, pag-uwi sa bahay, mas nakakapagod minsan, e... non-stop yun, e.”

Singit ni Mark, “Kasi sa taping, may rest day, e. Sa bahay wala, e, walang rest day, so yun nga, so yung mindset, nababago talaga.”

Pagpapatuloy ni Mike, “Ako naman, never kong tineyk for granted yung trabaho ko, siguro nung mga eighteen years old ako baka iyon

"Pero nung nag-mature na ako, ayan, hindi na. Pero iba na kasi yung fear ngayon.

"Para sa akin, ang laging mindset ko, I always need to prove myself. Kumbaga ano ba yung resume ko? Ang resume ko lagi yung last show ko.

"Kung hindi maayos yung last show ko may fear ako na puwede akong matanggalan ng trabaho or hindi ako kaagad makakuha ng trabaho.

“Kasi andun yung fear na kung wala itong job na ito, paano ako makakapag-provide para sa family ko?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yung mga anak ko, gusto kong makasanayan nila yung buhay na ibinigay ko sa kanila, pati sa asawa ko.

"So iyon lagi yung umiikot sa isip ko na, yup, aside from providing kung ano pa yung moral support na maibibigay mo sa mga bata, paano mo sil mapapalaki.

"Ändami mo ng kailangang isipin. Magulo na siya sa isip minsan.

"Kumbaga minsan gusto mong magrelax, but you don’t have time to relax kasi yung pagiging parent, 24/7 iyan, hindi siya humihinto.”

Pareho rin silang Ultimate Male Survivor ng StarStruck, si Mark noong 2004 at si Mike noong 2005.

Nakausap sila ng PEP.ph sa Zoom mediacon ng Artikulo 247 nitong Martes, March 1.

Sa direksiyon ni Jorron Lee Monroy ang Artikulo 247 na napapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Little Princess.

Bukod kina Mark (bilang Elijah) at Mike (bilang si Julian) ay nasa cast rin ng sina Kris Bernal bilang Klaire, Rhia Ramos bilang Jane, Benjamin Alves bilang Noah, Victor Silayan bilang Alfred, Glydel Mercado bilang Rose; Maureen Larrazabal bilang Pinky; Denise Barbacena bilang ChiChi; Brent Valdez bilang Jigs; Rain Matienzo bilang Tanya, at Topper Fabregas bilang Atty. Marcel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When they are not on the set, Mark Herras (L) and Mike Tan are both busy at home doing daddy duties. Smiling, Mark says, “Kasi sa taping, may rest day, e. Sa bahay wala, e, walang rest day..."
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results