Buntis na si Sandra Lemonon sa unang anak nila ni Sol Mercado.
Ito ay kasunod ng announcement ni Sandra na engaged na sila ng PBA player.
Ibinunyag din ni Sandra na lalaki ang ipinagbubuntis niya.
Nitong Linggo, March 13, 2022, ipinost ni Sandra sa Instagram ang kissing photo nila ni Sol habang ipinapakita ang kanyang engagement ring.
Ngayong Lunes, 14, sinundan ito ng isa pang announcement ni Sandra nang i-post niya sa Instagram ang photo series na kita ang kanyang baby bump at hinahalikan ni Sol.
Parehong nakaputi sina Sandra at Sol at nasa beach. Lumalabas na dito rin nag-propose si Sol.
Makikita sa mga larawan na naging emosyonal si Sandra sa proposal ng boyfriend.
Caption ni Sandra: “Creating life together.”

Bumuhos din ang pagbati ng mga kaibigang beauty queens ni Sandra, na sumali rin noon sa national pageants pero umabot lang bilang finalist.
Isa sa mga bumati ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Comment ni Catriona: “Glowing goddess mamaaaa [white yeart emojis] so excited to be a tita.”

Bumati rin ang titleholders na sina Rachel Peters, Katarina Rodriguez, Karen Gallman, Hannah Arnold, at marami pang iba.
Proud namang post ni Sol: “The most beautiful pregnant woman I have ever laid eyes on!!! #Blessed”

Sinundan pa ito ng video ng gender reveal party ng magkasintahan.
Caption ni Sandra: “Our baby boy. I’ve always imagined myself having a little boy, for it to actually happen is a surreal feeling.”
Mensahe naman niya kay Sol: “you are an amazing life partner/friend & now Papa, thank you for another priceless gift in helping me become a Mama.”

