Isinilang na ni Angeline Quinto ang anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend nitong Miyerkules ng gabi, April 27, 2022.
Mismong ang Kapamilya singer-actress ang nag-anunsiyo nito sa pamamagitan ng Instagram Story, kung saan sinabi niya ang oras ng kapanganakan at pangalan ng kanyang anak.
Ani Angeline: "10:22 PM. 27 April 2022. Baby SYLVIO."

Kasunod nito ay nag-post si Angeline sa Instagram Story ng larawan ni Baby Sylvio na nasa incubator habang pinagmamasdan ng ama nito.

Ilang oras bago siya magsilang ay nag-post pa si Angeline ng larawan niya habang nasa loob ng sasakyan, at may nakasulat na "READY TO POP!!" sa kanyang belly. Hudyat na anumang oras ay manganganak na siya.
