Saludo si Rosanna Iringan sa katapangan ng anak na si Rita Daniela, 26, na hindi itago ang pagdadalantao nito.
Kasunod ng pagsasapubliko ni Rita sa totoo niyang kalagayan sa “Queendom” segment ng All-Out Sundays kahapon, June 26, 2022, isang mensahe sa Facebook ang ibinahagi ni Rosanna.
Kahit alam niyang aaminin na ang anak ang pagbubuntis nito, iyak pa rin daw siya ng iyak habang pinapanood ang revelation ni Rita.
Read: Rita Daniela confirms pregnancy
Mensahe ni Rosanna, “I’m so proud of you anak!!! Ganun pala yun kahit pa alam ko na ano yung big revelation mo parang nag-pause ng saglit ang mundo ko at iyak ako ng iyak while watching you today sa Queendom [crying faces emojis] All-Out Sundays”
Maituturing daw niyang blessings ang pagdadalantao ng anak.
Nangako naman si Rosanna na gagabayan ang anak sa motherhood journey nito.
Dagdag pa ng ina ng singer, "GOD loves you so much for giving you a true blessing and a gift that will be yours forever!!! I trust and believe that you will be a good and perfect nanay sa apo ko.
“Nandito lang ako palagi anak at gagabay sa lahat ng kailangan mo at ng apo ko!!!
“Mahal na mahal ko kayo and you made me more prouder!!”

Sa Instagram kahapon, sinabi ni Rita na excited na siya sa pagdating ng kanyang baby.
Aniya, “You came just in time. You are God’s greatest gift to me.
“You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.
“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord.
“I can’t wait to meet you, anak.
“Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita.”
Hindi pa ipinapakilala ni Rita sa publiko kung sino ang ama ng kanyang dinadala.
Read: Rita Daniela to her unborn baby: “I can’t wait to meet you, anak.”
