PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Higit kalahating milyong piso, pa-birthday ng pitong anak sa ina

Parang nanalo sa lotto si Nanay!
by Chan-Chan Torres
Published Aug 1, 2022
birthday
Dalawang money bouquet, isang money umbrella, dalawang box ng cash, at dalawang money cake na umabot sa higit PHP500,000 ang regalo kay Nanay Belen ng mga anak sa kanyang 77th birthday ngayong taon. Bawa't isa sa pitong magkakapatid ay nag-ambag ng PHP77,000.
PHOTO/S: Facebook (Sherwin Mulingtapang)

Parang nanalo sa lotto ang nanay na ito sa mismong araw ng kanyang birthday!

Nakatanggap kasi si “Nanay Belen,” na residente ng Lemery, Batangas, ng regalong higit PHP500,000 mula sa mga anak.

Nag-ambagan daw sila para maabot ang ganito kalaking pera.

READ: Nanay niregaluhan ng PHP1 million, house and lot sa kanyang 67th birthday

NOT MONETARY BUT THE JOY IT GIVES

Nagdiwang ng 77th na kaarawan si Nanay Belen nitong nakaraang Enero 2022, base sa post ng kanyang anak na si Sherwin Mulingtapang.

Kinagiliwan ng mga netizens ang kuwento kaya nag-viral ito sa social media.

Naiulat ito ng media noong Mayo para sa Mother’s Day, at naging viral ulit ngayon.

Sa Facebook post ni Sherwin, naniniwala siyang hindi lang naman yung monetary value ang nakapagpasaya kay Nanay Belen, kundi pati na rin yung element of surprise.

Of course, hindi naman maikakaila na maliban sa masarap na handa at mga regalo, malaking bonus talaga ang PHP500K!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit sino, lalo na sa panahon ngayon, ay lulundag sa tuwa pag nakatanggap nito.

Ang kalahating milyong piso ay idinaan sa money cake, money bouquet, at money umbrella.

money cake

BLESSED AT 77

Isa sa malaking biyaya sa buhay ni Nanay Belen ay ang kanyang pitong anak na patuloy siyang inaalala, minamahal, at inaalagaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmamalaki rin si Nanay Belen ng kanyang mga anak dahil sa pagiging likas na mabait nito hindi lamang sa kanila, kundi sa ibang tao.

Katunayan, nang mag-alburoto ang bulkang Taal two years ago, isa si Nanay Belen sa bukas na tumulong sa mga kababayan.

Kaya ang ang naisip na “pasabog” ng kanyang mga anak para pasayahin naman si Nanay Belen.

Kita niyo naman, sa kanyang 77th birthday nag-ambagan ang pitong magkakapatid ng tig-PHP77,000 each.

Wow! That summed up to more than half a million pesos!

Katuwiran pa ng anak ni Nanay Belen, lahat naman daw sila ay financially able kaya yun ang naisip nilang sorpresa sa ina.

MONEY IN ALL FORMS AND SURPRISES

Mula nung pumatok ang pagreregalo ng money bouquet, maya't maya ay makikita ito sa social media feeds. Pero ibahin niyo ang kay Nanay Belen.

Ginawan siya ng dalawang money bouquet, money umbrella, dalawang box ng cash at siyempre, dalawang money cake. In fairness, creative ang mga anak niya, ha.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito ang pambawi ng kanyang mga anak dahil dalawang taon ding hindi nila nai-celebrate nang bongga ang kaarawan ng ina dahil sa pandemic.

Nakakain pa kaya si Nanay Belen ng handa niya? O nakangiti na lang siya the whole time sa sobrang galak?

Tunay na masuwerte si Nanay Belen at lahat ay napa-sana all sa natanggap niyang regalo.

Pero mas biyayang maituturing ng matanda ang kanyang mga anak na nagtulung-tulong para mapasaya siya.

Patunay ito ng magandang pagpapalaki niya sa kanila.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang money bouquet, isang money umbrella, dalawang box ng cash, at dalawang money cake na umabot sa higit PHP500,000 ang regalo kay Nanay Belen ng mga anak sa kanyang 77th birthday ngayong taon. Bawa't isa sa pitong magkakapatid ay nag-ambag ng PHP77,000.
PHOTO/S: Facebook (Sherwin Mulingtapang)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results