Marian Rivera admits playing 'bad cop' to kids

by Melba R. Llanera
Sep 3, 2022
Photo credit: (@marianrivera on Instagram)
Marian Rivera admits playing 'bad cop' or disciplinarian to kids Zia and Ziggy: "Siguro pag may kailangan lang sabihin at ituwid, ako talaga yun. Si Dong parating nasa work, ang pangit naman kung siya pa ang magagalit for the kids pag need disiplinahin, so ako na yun." (Photos: @marianrivera on Instagram)

Laging trending at pinag-uusapan ang kakyutan at kabibuhan ng magkapatid na Zia at Sixto Dantes.

Bukod kasi sa parehong mana sa physical features ng mga magulang na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kinakikitaan din sila ng talento at potensyal sa pag-aartista.

Marian Rivera and Dingdong Dantes at the 3rd birthday of son Sixto

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Marian sa nakaraang Preview Ball 2022 na ginanap sa Blue Leaf Cosmopolitan nung nakaraang August 31, tinanong namin ang Kapuso actress kung papayagan ba nila ang mga anak kung magdesisyon ang mga ito na pasukin ang paga-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mag-aral muna sila. Pag nakatapos sila, after that, kahit ano ang gawin nila susuportahan namin sila," paninigurado niya.

MARIAN RELISHES MUSICAL BONDING WITH FAMILY

Marami ang natuwa at naaliw sa video ng mag-aama kung saan habang naggigitara si Dingdong ay kumakanta sila Zia at Sixto ng pinasikat na kanta ng Beatles, ang "Obladi, Oblada."

Biro nga ni Marian, mag-aaral siya ng musical instrument para makasabay siya sa mag-ama.

Natatawa niyang pag-amin, "Di nga ako makasali, sabi ko na lang, 'Okay, manonood na lang si Mama. Hintayin nyo pag nag-drums na ako.'

"Oo, mahilig talaga sila sa music, si Dingdong mahilig ding kumanta saka mag-drums.

"Luma? Yun kasi ang tinuturo ng tatay niya. Minsan inaasar nila ako, sinasayaw at kinakanta nila ang 'Sabay Sabay Tayo.' Parang ako, 'okay.'"

Ang "Sabay Sabay Tayo" ay awitin ni Marian na na-release noong 2009 under her Retro Crazy album mula sa Universal Records.

MARIAN ALWAYS SUPPORTIVE OF KIDS' ACTIVITIES

Suportado pareho nila Marian at Dingdong ang hilig at pinagkakalibangan ng mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya niyang kuwento, "Si Zia mahilig ding mag-paint at mag-drawing. Si Zia naghi-hiphop dance pa iyan, nagi-street dance pa iyan, and then naga-art din talaga. Piano lesson din.

"Si Sixto, ang ini-involve namin sa kanya is sports talaga."

Naging trending sa social media ang Lapu-Lapu costume ni Sixto sa selebrasyon ng Araw Ng Mga Wika sa eskuwelahang pinapasukan nito.

Pagbibiro nga ng mga netizens, anak daw nI Amaya at Magellan itong cute na cute na "aspiring national hero" na binansagan ng ilang netizens bilang 'Yapu-Yapu.'

Matatandaang si Marian ang gumanap sa title role sa Kapuso seryeng Amaya na ipinalabas noong 2011, habang si Dingdong naman ang gumanap sa role ni Magellan nang mag-cameo appearance siya sa naturang show.

Kuwento niya, "Ako nga, ang iniisip ko nun paano ko ba di maa-allergy ang skin nito? So naisip ko eyeliner na liquid ang ilagay ko sa kanya.

"Di niya na nga tinanggal ang wig niya sa school pero nung sinundo ko, itchy na daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ng iba anak nga daw ni Amaya."

Pagkukuwento din ng Kapuso actress, mahilig daw talaga siyang sumali sa mga ganun lalo na ngayong Mommy na siya.

Hirit niya, "Alam mo naman pagdating sa competition sa school talagang lalaban talaga kami. Mahilig ako sa mga ganun."

MARIAN ADMITS BEING 'BAD COP' AT HOME

Nang tanungin namin kung sino ba sa kanila ni Dingdong ang mas discplinarian, aminado namansi Marian na siya ang mas mahigpit sa mga anak.

Pag-amin niya, "Ako yung bad cop sa bahay, e.

"Siguro pag may kailangan lang sabihin at ituwid, ako talaga yun. Si Dong parating nasa work, ang pangit naman kung siya pa ang magagalit for the kids pag need disiplinahin, so ako na yun."

MARIAN THANKFUL FOR PREVIEW BALL 2022 RECOGNITION

Maagang dumating si Marian sa Preview Ball 2022 kung saan pinarangalan siya bilang isa sa 50 Most Influential.

Excited at nagpapasalamat naman ang aktres sa karangalang ipinagkaloob sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, "Kaya pumunta din ako ng maaga kasi may school kami bukas. Talagang pumunta lang ako para dito sa Preview.

"Salamat sa kanila, very thankful ako kaya looking forward at excited ako sa mga makakasama ko."

Hinanap ng mga tao kung bakit di kasama ni Marian si Dingdong sa Preview Ball. Pinaliwanag naman ng aktres kung bakit di kasama ang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-work siya at the same time siya muna sa mga kids ngayon," paliwanag niya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera admits playing 'bad cop' or disciplinarian to kids Zia and Ziggy: "Siguro pag may kailangan lang sabihin at ituwid, ako talaga yun. Si Dong parating nasa work, ang pangit naman kung siya pa ang magagalit for the kids pag need disiplinahin, so ako na yun." (Photos: @marianrivera on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results