Willie Revillame bonds with three children from three different women

by Arniel C. Serato
Sep 5, 2022
Willie Revillame bonding with children
TV host Willie Revillame spends his weekend bonding with children (from left to right) Juamee Revillame, Marimonte Revillame, and Meryll Soriano.
PHOTO/S: Courtesy: @planetumiboshi on Instagram

Hindi maitago ang saya sa mukha ni Willie Revillame dahil nitong weekend ay naka-bonding ng TV host ang tatlo niyang anak.

Sa Instagram nitong Linggo, September 4, 2022, ibinahagi ng panganay na anak ni Willie, si Meryll Soriano, ang larawan nila ng ama kasama ang mga kapatid sa ama na sina Marimonte Shanelle at Juamee Revillame.

Caption ni Meryll sa kanyang post: “The Revs. [sparkle emoji]”

Bago ito, huling nag-bonding sina Willie, Marimonte, at Juamee noong nakaraang Father’s Day.

Sabi ni Marimonte sa kanyang Instagram post noon: “Blessed with the best. Happy Father’s Day to our fave pilot!”

View this post on Instagram

A post shared by mont revi (@_marimonte)

Magkakaiba man ang kanilang mga ina, makikitang sobrang malapit sa isa’t isa ang magkakapatid.

Si Meryll ay anak ni Willie kay Bec-Bec Soriano, kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Si Marimonte naman ang pangatlong anak ni Willie na nakita lamang daw niya noong 2007. Anak niya ito sa non-showbiz personality na si Sharon Viduya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang unico hijo at bunso ni Willie na si Juamee ay anak ng TV host sa dating asawa at beauty queen na si Liz Almoro.

May isa pang kapatid sa ama ang tatlo, ang ikalawang anak ni Willie na si L.A. o Louise Anne, na nag-aaral noon sa La Salle at naninirahan sa Laguna.

Pero matagal na itong hindi nakikita ni Willie.

Kuwento pa ni Willie noon, “Apat ho yung anak ko, e. Wish ko lang sana mabuo yung... Makasama ko...

"Bago ako mawala sa mundo, makita ko talaga mga anak ko. Makasama ko, kahit isang araw lang."

Read: Willie Revillame reveals daughter to public

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Willie Revillame spends his weekend bonding with children (from left to right) Juamee Revillame, Marimonte Revillame, and Meryll Soriano.
PHOTO/S: Courtesy: @planetumiboshi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results