PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos expresses support for Angelica and Gregg

Judy Ann: "Andito lagi ang Pamilya Agoncillo para sa Pamilya Homan."
by Arniel C. Serato
Published Sep 30, 2022
Judy Ann Santos promises support to Angelica Panganiban, Gregg Homan
Judy Ann Santos (left) very proud of friend Angelica Panganiban being a new parent to her and partner Gregg Homan's (right) daughter Amila Sabine Homan: "Deserve na deserve mo dahil handang-handa ka na. Binuo ka at pinagtibay ng Panginoon dahil may tamang tao talaga na ibibigay sayo."
PHOTO/S: Courtesy: @officialjuday on Instagram

Suportado ni Judy Ann Santos ang mga bagong magulang na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Sa Instagram kahapon, September 29, 2022, ibinahagi ni Judy Ann ang mga larawan nina Angelica at Gregg, kasama ang bagong silang nilang anak na si Amila Sabine Homan.

Read: Angelica Panganiban, Gregg Homan welcome their first child

Pati na ang larawan ni Angelica karga si Baby Amila Sabine at ang bunsong anak ni Judy Ann na si Luna Agoncillo.

Ayon kay Judy Ann, masayang-masaya siya para sa kaibigang si Angelica na isa na itong ganap na ina. Matagal na raw kasi itong pangarap ng kapwa aktres.

Bukod pa rito, maligaya rin siyang pinagkalooban si Angelica ng “tamang tao” at deserve daw niya ito.

Mensahe ni Judy Ann (published as is), “Ang sarap mong panoorin ..pagmasdan at pakinggan..

“dahil alam kong ito talaga ang matagal mong hinintay at ipinagdasal..

“deserve na deserve mo dahil handang handa ka na.. binuo ka at pinagtibay ng Panginoon dahil may tamang tao talaga na ibibigay sayo..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“yung aalagaan ka at mamahalin ka ng buong buo.. napakasaya ko para sayo sweetheart..”

Biro pa ng aktres, bukas ang pamamahay nila ng asawang si Ryan Agoncillo kapag nais mag-date nina Angelica at Greg doon kasama ang kanilang Bean.

Saad ni Judy Ann, “alam na ah.. pag gusto nyo mag date.. bukas na bukas ang bahay namin para kay Bean.. ay kasama pala kayo.

“andito lagi ang pamilya agoncillo para sa pamilya homan. Mahal na mahal namin kayo. [hearts emojis] @iamangelicap @gregg_homan

Noong September 28, nauna nang nagpasalamat si Angelica kay Judy Ann at sa pamilya nito dahil sa pagmamahal ng mga ito sa kanila.

Tila napawi raw ang aniya’y early signs ng kanyang postpartum depression.

Read: Judy Ann Santos and daughter Luna visit Angelica Panganiban and her newborn daughter

Ipinanganak ni Angelica ang anak nila ni Gregg noong September 20, 2022.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos (left) very proud of friend Angelica Panganiban being a new parent to her and partner Gregg Homan's (right) daughter Amila Sabine Homan: "Deserve na deserve mo dahil handang-handa ka na. Binuo ka at pinagtibay ng Panginoon dahil may tamang tao talaga na ibibigay sayo."
PHOTO/S: Courtesy: @officialjuday on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results