PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amanda Page's son Mason qualifies to join high-IQ society Mensa

Amanda page's son Mason has an IQ of 149.
by Jojo Gabinete
Published Nov 8, 2022
amanda page family
Former actress Amanda Page on son Mason qualifying to join American Mensa: "He is what they call a Quant. His brain has a natural ability for quantitative reasoning and math."
PHOTO/S: Courtesy of Amanda Page

Ang nag-iisang anak ng dating aktres na si Amanda Page na si Mason, 9, ang pinakabagong miyembro ng American Mensa.

Bukod sa nakapasa sa mga pagsusulit, napatunayang highly gifted si Mason dahil sa kanyang taglay na 149 Intelligence Quotient (IQ).

Ang Mensa ang kinikilalang high IQ-society o pinakamalawak at pinakamatandang samahan ng mga taong nakakakuha ng 98th percentile o mas mataas sa isang standardized, supervised IQ o ibang aprubadong intelligence test.

Nakasaad sa sulat ng pagbati na ipinadala ng American Mensa kay Mason nagagalak sila dahil nakapasa ito sa “world’s most prestigious high-IQ society.”

amanda page son

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinagulat ni Amanda, na kilala na ngayon bilang Anna, ang pagkakaroon ng high IQ ni Mason.

Pero noong maliit pa lamang ito, napansin na raw niya ang kakaibang talino ng kanilang anak ng asawang si Dr. Lee Mendiola.

“Siyempre, surprised ako, pero nung maliit pa siya, may signs na pero hindi ko pinapansin," kuwento ni Anna sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong Martes ng tanghali, November 8, 2022.

Malaki ang partisipasyon ni Anna sa pagtanggap ng American Mensa kay Mason dahil siya ang nagpadala ng mga test score ng kanyang anak.

“I sent his test scores to Mensa on my own because he is not of legal age yet.

"He is what they call a Quant. His brain has a natural ability for quantitative reasoning and math,” sabi ni Anna, na isa sa mga matatalinong aktres noong aktibo pa siya sa showbiz.

Kanino niya ipinaglihi si Mason?

Sagot ni Ana, “Matanda na ako nang mag-anak at IVF baby pa siya so uminom ako ng special vitamins habang buntis ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I don’t believe in abortion so takot ako dahil 39 years old na ako nang magbuntis kaya ginawa ko ang lahat para maging healthy ako.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actress Amanda Page on son Mason qualifying to join American Mensa: "He is what they call a Quant. His brain has a natural ability for quantitative reasoning and math."
PHOTO/S: Courtesy of Amanda Page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results