PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korina on Purposeful Parenting

"Parang mas may purpose kami na mabuhay ng 120 years old!"
by Rose Garcia
Published Jan 29, 2023
Korina Sanchez-Roxas with kids Pepe and Pilar
Korina Sanchez-Roxas always beams with pride when talking about kids Pepe and Pilar, who turn four this February. She reveals, “You know, Pepe is a thinker. So I think, he may be a technocrat. He’s a charmer but Pilar is a star. Pepe is the sweetheart, who is the thinker. Pilar is the performer."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Hindi nagpahuli ang kilalang newscaster at host na si Korina Sanchez sa digital world.

Masasabing isa siya sa yumakap na rin nang tuluyan sa online world tulad ng social media at vlogging.

Documented niya na rin ang bawat puntahan at gawin sa pamamagitan ng pagbi-video at pag-upload nito sa kanyang mga personal social media accounts, pati na rin sa YouTube account ng Rated Korina.

Madalas ay bida rin sa kanyang mga post ang mga anak na kambal na sina Pepe at Pilar Roxas.

Nang tanungin namin kung kumusta ang kanyang asawa, ang dating Senator Mar Roxas, tungkol sa pagka-expose ng mga anak nila sa online world, inamin ni Korina na noong una ay tila “apprehensive” ito.

“Noong una, medyo ano siya diyan, ‘wag muna,” pag-amin ni Korina.

“Bakit? Ano ang masama? You know, I just have to be ready that when they grow-up, whatever images that I put out, they’re not going to take it against me na, ‘Mama, bakit mo naman ipinakita na wala akong salawal?’ Siyempre, wala akong mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I’m very careful about it.”

KORINA AMAZED AT KIDS' DEVELOPMENT

Mag-aapat na taon na ngayong February ang kambal. Pero ngayon pa lang, nakikitaan na niya kung ano ang posibleng mga katangian ng mga anak.

Lahad niya, “You know, Pepe is a thinker. So I think, he may be a technocrat. He’s a charmer but Pilar is a star. Pepe is the sweetheart, who is the thinker. Aabutan mo iyan, three years old lang, mag-isa, nag-iisip. Ano kaya ang iniisip ng mga three years old na ito?

“Sabi ko nga, 'what are you doing here alone?' 'Nothing.' 'What are you thinking about?' 'Nothing.' Yung mga ganyan,” natawa niyang sabi.

“Pilar is the performer.”

KORINA ON KIDS GROWING UP IN A MULTILINGUAL HOUSEHOLD

Sina Pepe at Pilar raw ay marunong makaintindi at magsalita ng Ilonggo. Nagkataon daw kasi na sa compound nila, halos mga Ilonggo ang mga kasama nila.

“Hindi naman sa intentional, kung hindi... compound living ako. There are like a hundred people in a compound. Iba-ibang bahay. Lahat taga-Bacolod or Iloilo. So, ako lang doon ang Kapampangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong una, issue sa akin,” sabi niya.

“E, kaya lang, nagtatrabaho ko, wala akong magawa. Madalas wala ako sa bahay. Pagdating ko doon, hindi ko sila maintindihan. So, marginalized. Ako yung natututo na lang na mag-Ilonggo. Tinuturuan ko sila ng Pranses, pero ang Pranses nila, puntong Ilonggo pa rin.”

Marunong din daw magsalita ng Tagalog ang mga anak.

Dagdag niya, “They know when it’s Mama, it’s English. When it’s Papi, it’s Ilonggo. Kapag dito sa mga hardinero, Tagalog.”

KORINA ON HER KIDS GROWING UP IN THE PUBLIC EYE

Dahil baby pa lang ay ipinakilala at ibinahagi na ng mag-asawang Korina at Mar sina Pepe at Pilar sa publiko, masasabing isa na sa mga sikat na celebrity kids ang mga ito.

Sa tingin daw ni Korina, alam ito nina Pepe at Pilar.

Pahayag niya, “Siguro, kasi kahit saan sila magpunta, hindi naman ako ang nilalapitan ng mga tao, sila, e. Marunong na silang mag-wave, at kapag may malaking gathering sa bahay, alam ko na kung saan sila ipoposisyon. Sa entrance… sila na ang welcoming committee.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And they’re very open to posing for pictures. So, lumalaki sila na nasasanay talaga. Sociable sila. Mas mahiyain si Pepe, pero sociable sila.”

Tila open-minded naman si Korina sa kung ano man ang makakahiligan ng mga anak paglaki. Kung si Pilar man na nakikita na niya ngayon pa lang na performer ay mag-artista.

Ayon dito, “I think, progressively thinking, you let your children grow the way they should. Kung saan sila—kung chef yan, kung poet.”

Natatawang isinunod na, “‘Wag naman sana. Walang kabuhayan yun. Well, artista, inhinyero.”

Dugtong pa niya, “Mar tends to mold them. 'He’s going to be engineer.' I’m more like, 'sing, sing!' If you want to sing, sing! Maganda naman ang kumbinasyon namin, may balanse.”

KORINA AND MAR FIND MORE PURPOSE AS PARENTS

Kinumusta rin namin si Korina kung ano ang nabago sa kanilang mag-asawa simula nang dumating sa buhay nila sina Pepe at Pilar.

“We don’t call each other Mama and Papi, hindi kami gano’n. Honey pa rin ang tawagan namin,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano ang nabago? Parang mas may purpose kami na mabuhay ng 120 years old,” natawang sabi niya.

“It's something that's foremost in our minds, our health. At mas marami na kaming conversations about how to raise them. Medyo mas pagod kaming dalawa ngayon. Medyo may edad na, pero tumatakbo pa rin, di ba?

“So, there’s more purpose, I guess. Saka parang mas more bond, kasi family na kayo.”

Ang isa rin sa tinanong namin sa kanya ay kung may plano pa rin na tumakbo sa pulitika si Mar.

Saad niya, “He always says, ‘wala na,’ ‘ayoko na,’ nandiyan na ang mga anak.

"I think, kung ano man ang pasukin niya, whether—I don’t know what—local, fulltime, national, ang sinasabi niya palagi, 'I’m not going to take any more time away from the kids.' Because he has lived a full political life already.”

Dugtong pa niya, “He’s been so young, he became a Congressman running for President. Full spectrum siya, e, heto ngayon ang mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi nga, I’ve 20 good years left. He always tells us. Meaning, pwede pa siyang tumakbo. How will you spend those twenty good years?”

KORINA HAPPY FOR BEAUTEDERM CEO'S SUCCESS

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Korina sa unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters sa Angeles City noong January 21.

Ang CEO/President nito na si Rhea Anicoche-Tan ay graduate ng Mass Communication kunsaan, siya ang iniidolo.

Kinikilig ito na ang dati niyang idolo, isa na sa mga Beautéderm endorser. Pero sa kabila ng pag-idolo sa kanya, ang pagiging negosyante pa rin ang pinili niya.

“You know, to each his own call. May mga journalist na willing talagang magpakulong. I’m not one of them,” natawang pag-amin ni Korina.

“Pero, may Maria Ressa ng mundong ibabaw, right?

“Kanya-kanya yun.

“Meron din mga negosyante na half-journalist, half-negosyante. In my case, I’m not doing hard news right now, so for me, there’s no conflict.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Graduate na ba siya sa hard news? Mas gusto na niya ang magazine show?

Pagklaro niya, “I can’t say that I’m graduate, kasi once it’s there, you’ll always have an opinion about how other people do their hard news, right?

"Kasi, yun naman talaga ang kapanganakan ko, ang hard news in general. But I’m not active. If I’ll become active, I’ll have to let it go. Let other things go.”

At para kay Korina, sa tagumpay nga raw ni Rhea bilang isang negosyante, walang duda na tama ang desisyon nito na hindi ituloy ang Broadcasting at mag-focus na lang sa pagnenegosyo.

“Of course, my gosh!” diin niya.

“If you want to be a journalist, prepare to be poor. Because you’re not supposed to be in business.

"So, ito ang ginawa niya, dito siya nagpunta at ang dami niyang nabibigyan ng empleyo, ang dami niyang nabibigyan ng kabuhayan. Marami rin siyang taong natutulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba-iba naman ang threshold ng kaligayahan natin. May mga taong kahit wala naman akong pera, nakakatulong ako sa pagsusulat ko, okay na. So to each his own. And I think, she did very well. We’re all here in this business, she made the right choice.”

Dugtong pa niya, “Besides now, everybody can be an anchor. Gumawa ka lang ng vlog mo, anchor ka na, di ba? You can create your own persona and it could be personality fluid. You can be an anchor, negosyante at the same time.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez-Roxas always beams with pride when talking about kids Pepe and Pilar, who turn four this February. She reveals, “You know, Pepe is a thinker. So I think, he may be a technocrat. He’s a charmer but Pilar is a star. Pepe is the sweetheart, who is the thinker. Pilar is the performer."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results