PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis-Jessy receive parenting advice from Vilma Santos

Vilma excited to work with Cassy and Darren in a romance-drama movie.
by Melba R. Llanera
Published Apr 18, 2023
Vilma Santos and Luis Manzano
Vilma Santos on granddaughter Isabella: "She just turned three months old. Hindi pa namin masyado siyang ine-expose... When she's fully vaccinated ie-expose namin siya, mas makakasama ko siya. Ngayon kasi pag kasama mo siya, kailangan naka-antigen ka kasi di pa siya fully vaccinated. But I'm so excited. It's really nice to be a lola, ang sarap. Ang ganda-ganda niya, basta maganda siya,"
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto Instagram

Na-enjoy nang husto ni Vilma Santos ang pagiging first-time lola kay Baby Isabella Rose.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinagmalaki ni Vilma ang pagiging lola sa "very beautiful Baby Peanut."

Protective parents daw ang anak ni Vilma na si Luis Manzano at misis nitong si Jessy Mendiola.

"She just turned three months old. Hindi pa namin masyado siyang ine-expose, especially the parents, yung anak ko si Lucky at si Jess.

"When she's fully vaccinated ie-expose namin siya, mas makakasama ko siya.

"Ngayon kasi pag kasama mo siya, kailangan naka-antigen ka kasi di pa siya fully vaccinated.

"But I'm so excited. It's really nice to be a lola, ang sarap. Ang ganda-ganda niya, basta maganda siya," excited na sabi ng Star For All Seasons.

Simple lang ang payo ni Vilma kina Luis at Jessy bilang first-time parents.

"Alam naman nila, they are both matured. I guess, the most important thing is they should be prepared itong new chapter of their lives kasi iba na pag may pamilya at may anak ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun lang ang nire-remind ko sa kanila. It's not gonna be easy, mayroon na silang responsinilidad as parents.

"But I told them what's important is just to make sure your responsibility is your family, yun lang ang importante. Magaling naman sila."

Nakapanayam ng PEP.ph si Vilma sa presscon ng When I Met You In Tokyo, na ginanap sa Hotel Okura Manila sa Newport Resorts World noong March 30, 2023.

ON POSSIBILITY OF LUIS ENTERING POLITICS

Dito ay hiningan ng reaksyon si Vilma kung may plano bang pasukin ni Luis ang pulitika, at sundan ang yapak ng veteran actress na nagsilbing mayor, congressman, at governor ng Batangas.

Saad niya, "Si Lucky naman, ever since hinihilingan siyang tumakbo. But one thing I told my son, 'Son, if you're not prepared...'

"Kasi ang ganda ng career niya, e, di ba? Income niya, let's face it. 'Now, if you're not willing to sacrifice those things like your income, Anak, then don't.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw basta-bastang karera ang pagsisilbi sa bayan.

"At saka pinag-aaralan yan. Now if you're prepared, then okay lang, I will support you all the way kasi ibang fulfillment din to become a public servant na walang kamera.

"Ibang fulfilllment din yun na nagtatrabaho ka naman ngayon para sa mga tao, hindi pang-screen.

"Yun ang sinabi ko sa anak ko, 'If you're not prepared then don't. But if you're prepared, masarap magsilbi sa mga kababayan mo na nagtiwala sa iyo.' Full support ako basta prepared siya."

MOVIE WITH CHRISTOPHER DE LEON

Sa kabilang banda, ngayong walang posisyon sa gobyerno si Vilma ay tututukan nito ang pagbabalik-pelikula.

Read: Vilma Santos, naging emotional nang makita sina Christopher de Leon, Claudine Barretto sa kanyang 60th anniversary special

Lubos ang saya niya dahil nagbabalik ang tambalan nila ni Christopher de Leon para sa When I Met You In Tokyo.

Kasalukuyang nasa Japan ang cast at production staff para sa shooting ng pelikula na iprinodyus ng JG Films Inc.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa presscon, inusisa sina Vilma at Christopher kung may pagkakataong nakatampuhan sila sa tagal na rin ng journey nila bilang magkatambal sa mga pelikula.

Sabi ni Vilma, "I think talaga it's the respect talaga that we have for each other. Nag-away or misunderstanding, parang wala, wala akong maalala.

"Dalaga't binata pa lang kami, parang wala. Saka di namin pinatulan ang mga nang- iintriga sa amin."

Bago gawin ang When I Met U In Tokyo, huling nagkatambal sina Vilma at Christopher sa pelikulang Mano Po III: My Love nung 2004.

Sa dami na rin ng pelikulang pinagtambalan nila, may pag-aalala ba si Vilma na baka wala na silang bagong maihandog sa kanilang mga tagahanga?

Tugon niya, "Di ako nag-iisip ng ganun, e, because naniniwala ako na even [as] you grow older, let's say nag-mature ka, you never stop.

"Nanonood ako ng mga Hollywood films, yun ang peg ko. Even [as] you grow older, that doesn't mean you will stop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At sa team namin ni Yetbo, ano ito, e, Love team for All Seasons kami. Malay mo after this, pag eighty na kami, may movie kami uli. Malay ninyo, nothing is impossible."

EXCITED TO WORK WITH CASSY AND DARREN

Bukod kina Gina Alajar, Tirso Cruz III, Lotlot de Leon, kasama rin sa When I Met You In Tokyo sina Cassy Legaspi at Darren Espanto.

"We're excited, it's nice to have mga... hindi naman sila mga newbies, but at least may mga bagets din kaming kasama at ang gaganda naman ng mga roles nila.

"Yung totality ng movie, hindi naman puwede na kaming dalawa lamg ni Yetbo, hindi ba?

"We're very honored na mayroon kaming kasama tulad ni Darren at ni Cassy so masaya kami na kasama namin sila sa movie.

"Hindi kami kasama nung nag-shoot sila, e, but soon we will meet them."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on granddaughter Isabella: "She just turned three months old. Hindi pa namin masyado siyang ine-expose... When she's fully vaccinated ie-expose namin siya, mas makakasama ko siya. Ngayon kasi pag kasama mo siya, kailangan naka-antigen ka kasi di pa siya fully vaccinated. But I'm so excited. It's really nice to be a lola, ang sarap. Ang ganda-ganda niya, basta maganda siya,"
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results