PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Garie Concepcion, Michael Pangilinan now parents to healthy baby girl

Bianca Lapus gives update about Garie and Michael's newborn baby.
by Julie E. Bonifacio
Published Aug 8, 2023
Garie Concepcion and Michael Pangilinan now parents to a healthy baby girl
Bianca Lapus (not in photo) on new parents Garie Concepcion (left and right) and Michael Pangilinan (right): "Eyes ni Garie, pero lumaban talaga si Michael. Hahaha. Daddy’s girl yun for sure."
PHOTO/S: @garie_concepcion Instagram

Nanganak nitong Hulyo ang singer na si Garie Concepcion ng malusog na baby girl.

Ang ama ng bagong silang na sanggol ay ang long-time boyfriend niya at singer na si Michael Pangilinan.

Read: Garie Concepcion expecting first baby with boyfriend Michael Pangilinan

Si Garie, Gabrielle ang tunay pangalan, ang second daughter ni Gabby Concepcion. Anak siya ni Gabby kay Grace Ibuna.

Si Garie ang sumunod kay KC Concepcion, na anak ni Gabby kay Sharon Cuneta.

Read: Sharon Cuneta on Gabby Concepcion: "Sana okey kami."

Nalaman ang panganganak ni Garie mula sa aktres na si Bianca Lapus, na isa sa mga tumutulong sa singing career ng new mom.

"Oo, Ate. Nanganak na si Garie," pagbabalita ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook messenger.

"Girl, Ate. Super cute at chubby.”

Ibig sabihin nito, kahilera na rin ni Gabby ang mga guwapong aktor sa showbiz na isa na ring lolo ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa St. Luke’s Hospital sa may BGC, Taguig City nagsilang si Garie.

Pero wala pang opisyal na pahayag sina ang couple.

Sa sunod na mensahe ni Bianca ay nakuwento niya kung gaano ka-hands-on bilang ama si Michael sa baby nila ni Garie.

"Talagang napaka-hands on ni Khel. Siya ang nagpapalit ng diaper at linis ng poops ng kanilang baby girl. At tumitigil umiyak kapag kinakantahan ng daddy niya. Kakatuwa.”

Ayon pa kay Bianca, mas malaki ang pagkakahawig ng baby kay Michael.

"Eyes ni Garie, pero lumaban talaga si Michael. Hahaha. Daddy’s girl yun for sure,” paniniyak ni Bianca.

Anytime soon ay magbibigay pa ng maraming details sina Garie at Michael tungkol sa kanilang baby.

"Magpo-post na din daw sila soon haha,” sey ni Bianca.

Sa Instagram ni Garie ay tila may pa-clue naman siya sa date ng kanyang panganganak sa magkakasunud-sunod na tatlong video posts niya noong June 9.

Sa unang video ay isang bagong set-up na bedside crib (or stand-alone crib) na naka-puwesto sa corridor ng tila magkakatabing hospital rooms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption ni Garie, “Just made it easy for me and daddy to put baby to sleep!”

Sa next post niya sa Instagram ay mga gamit pang-baby ang makikita sa video.

Pinasalamatan ni Garie ang nagpadala sa kanya ng mga baby products.

Sa comments section ay mababasa ang pagbati kay Garie sa kanyang panganganak.

Matatandaang lumabas ang pagbubuntis ni Garie sa kanyang Instagram post noong March 5.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Lapus (not in photo) on new parents Garie Concepcion (left and right) and Michael Pangilinan (right): "Eyes ni Garie, pero lumaban talaga si Michael. Hahaha. Daddy’s girl yun for sure."
PHOTO/S: @garie_concepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results