PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cesar Montano reveals how fatherhood has changed son Diego Loyzaga

On his apo: "Kamukha siya ni Diego, pero sabi ko nga, 'Mas kamukha ko iyan.'"
by Melba R. Llanera
Published Oct 25, 2023
Cesar Montano and Diego Loyzaga
Cesar Montano on son Diego Loyzaga: "Ayaw nang lumabas kapag gabi na, gusto nang umuwi kaagad. Nakakatuwa, nagkaroon siya ng discipline when it comes to time."
PHOTO/S: @diegoloyzaga Instagram

Itinuturing ni Cesar Montano na napakalaking blessing ang pagdating ng apo na si Baby Hailey sa buhay ng anak na si Diego Loyzaga.

"Yes, that's the right phrase, nagkaroon siya nang mas maayos na direksiyon. Nagkaroon siya nang mas maayos na direksiyon sa career niya, sa buhay niya, sa lahat.

"Talagang lumalabas na yung apo ko, blessing talaga sa kanya. I'm so happy, I'm so proud," pahayag ni Cesar sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 14, 2023.

Read: Cesar Montano hopes ex-wife Sunshine Cruz will find right guy for her

Inilarawan ni Cesar ang mga pagbabagong napansin niya kay Diego.

"Ayaw nang lumabas kapag gabi na, gusto nang umuwi kaagad. Nakakatuwa, nagkaroon siya ng discipline when it comes to time.

"Ang magandang nangyayari dun, nakakatulog siya nang maaga, nalalayo siya sa anumang trouble sa labas sa gabi.

"I am not saying he's a troublesome person, pero yung pahinga ng tao, from 10 p.m. to 4 a.m., nakukuha niyang magpahinga ng ganung oras kasi yun ang perfect time ng pagpapahinga ng katawan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Proud na ikinuwento rin ni Cesar na mas kamukha niya ang apo na lagi niyang nakikita sa mga videos at pictures na pinapadala sa kanya ni Diego.

Lahad niya: "Nag-aalaga siya, nagpapatulog siya ng bata. Ang cute-cute naman ng apo ko, nakakatuwa naman si Hailey.

"Kamukha siya ni Diego, pero sabi ko nga, 'Mas kamukha ko iyan.'"

Pinayuhan daw ni Cesar si Diego na lubusin ang oras kapiling ang anak.

"Kasi it's another career to be a hands-on dad, di madaling gawin iyan. Kaya sa mga nanonood na gustong maging tatay, hindi simpleng bagay iyan.

"Masarap iyan, pero habang lumalaki, kailangan i-cherish niyo iyan dahil pag naging 12 years old na iyan, 16 years old, ibang tao na iyan.

Dagdag ng beteranong aktor: "Ang responsibilidad mo ay yung pag-aaral, pagpapatapos ng college. There's no substitute for education."

Si Cesar ang unang nagsapubliko ng pangalan ng anak ni Diego.

Read: Cesar Montano reveals name of Diego Loyzaga's baby daughter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph noong Setyembre, sinabi ni Diego na magkatuwang sila ng ina ng kanyang anak sa pag-aalaga sa kanilang supling.

Pero tumanggi si Diego na pangalanan siya dahil mas gusto raw nitong manatiling pribado ang kanyang buhay.

Read: Diego Loyzaga speaks about relationship with mother of his baby

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cesar Montano on son Diego Loyzaga: "Ayaw nang lumabas kapag gabi na, gusto nang umuwi kaagad. Nakakatuwa, nagkaroon siya ng discipline when it comes to time."
PHOTO/S: @diegoloyzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results