PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sugar Mercado's 'Mahirap na Masarap' Journey

"Mahirap kasi mag-isa ka, nanay, tatay, ate, kuya, bestfriend ka nila."
by Arniel C. Serato
Published Nov 4, 2023
Sugar Mercado works doubly hard for her children
Sugar Mercado works tirelessly for her daughters: "Sa kanila ako humugot ng lakas na kailangan ko lumaban sa hamon ng buhay, maraming hadlang, marami pagsubok pero para sa kanila, ilalaban ko.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

May bagong negosyo si Sugar Mercado.

Ito ay ang Nail Lounge, na kasunod ng kanyang Sugarwhite7 skin-care line.

Kelangan daw niyang magsipag para sa kanyang dalawang anak na babae: sina Gabrielle Sophia at Olivia Isabelle.

Sabi ni Sugar sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pamamagitan ng Facebook messaging, “Una po, pangako ng Diyos, 'Iwan ka man ng lahat, ako ang kukupkop sa iyo.'

“Mga anak ko, sa kanila ako humugot ng lakas na kailangan ko lumaban sa hamon ng buhay, maraming hadlang, marami pagsubok pero para sa kanila ilalaban ko.”

Sila daw ang mga inspirasyon niya sa kanyang mga itinataguyod na negosyo.

Saad niya, “Mga anak ko po, gusto ko po pag wala na ko sa mundo di ko sila iiwan nang matutulad sila sa pinagdaan ko.

“Alam kong Panginoon lang puwede gumabay sa atin ng tama, kaya pinapakita ko sa mga anak ko na pinaghihirapan ko lahat."

Bawat aspeto raw ng pagnenegosyo—mula sa pagtitinda, pagpo-promote, paggawa ng content para sa social media—siya mag-isa ang gunagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako lahat: edit, content, live, kausap sa mga tao, show sa mga event, ako din model ng product ko kasi wala akong pangbayad pag kumuha pa ko, gusto ko po paghirapan nila sa maayos na paraan yung pera para magkakaroon sila.”

Isang single mom si Sugar.May suporta naman daw na ipinaabot ang ama ng kanyang mga anak.

Pero mas siya ang nakatutok sa pagpapalaki sa mga anak.

Kumusta ang journey niya bilang single mom?

Sagot ni Sugar, “Mahirap na masarap. Mahirap kasi mag-isa ka, nanay, tatay, ate, kuya, bestfriend ka nila.

“May pagkakataon, sobra pagod ko, nagkasakit ako, tapos bata pa anak ko, dasal ko talaga huwag muna ako kunin kasi di ko kaya iwan anak ko sa ngayon, di pa nila kaya.

“Sabi ko sa mga anak ko pag nawala ako, Bible huwag nila kakalimutan basahin, walang ibang nakatulong kay nanay kundi Maylikha lang.

“Nagiging emotional ka pag sobrang pagod, pero masarap kasi kaya mo pala, kaya mo kasi andiyan mga anak mo at may ibibigay ang Diyos na mga tao na tutulungan ka, all glory to God.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, may mensahe naman siya sa mga single mom na katulad niya.

Saad ni Sugar, “Una, humingi tayo ng lakas sa Panginoong Diyos dahil di natin kaya, siya lahat kaya niya, buhay at totoo ang pangako ng Panginoon.

“Huwag tayo gumawa ng masama, magsipag, tiyaga, di agad-agad ang balik ng pinagpaguran, maraming masakit na pagdadaanan pero lilipas yun lahat ng pagod, paghihirap mo, magbubunga ng maganda at masagana.

“Huwag tayo maghahangad ng sobra-sobra, sapat sa pangangailangan natin at sa mahal natin sa buhay, kasi po pag naghangad pa tayo ng mas malaki, dun pumapasok madalas yung pagkakasala.

“Kaya ko, mas kayo niyo, di lang po to para sa single mom, single dad, para sa lahat po.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sugar Mercado works tirelessly for her daughters: "Sa kanila ako humugot ng lakas na kailangan ko lumaban sa hamon ng buhay, maraming hadlang, marami pagsubok pero para sa kanila, ilalaban ko.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results