Tandang-tanda ni Lindsey Moore ng Mississippi, USA, na noong seven years old siya, may pinuntahan sila ng kanyang ama at kapatid na lalaki.
Dala-dala ng ama ang pinaka-iingatang football card ni Dan Marino noong rookie pa lang ang athlete sa unang season sa Miami Dolphins.
Si Dan Marino, 62 years old na ngayon, ay naging 1984 National Football League (NFL) Most Valuable Player (MVP).
Tinanghal din siya bilang 1994 NFL Comeback Player of the Year at 1998 NFL Walter Payton Man of the Year.
Nasa Hall of Fame rin siya ng NFL.
Isa si Dan sa pinaka-in demand pagdating sa bentahan ng football cards.
Tinatayang meron itong 12,512 cards na may iba’t ibang variations.
Read: Empleyada nakatanggap ng baked potato as Christmas bonus; kinaltasan pa ng tax

Dan Marino/Photo courtesy of Fox News
Prized possession ng kanyang ama ang football card ni Dan.
Sa pagkakaalala ni Lindsey, kinailangang ibenta ito ng ama dahil kailangang-kailangan nito ng pera para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, at wala itong ibang mapagkukunan.
Read: Bomba na dekorasyon sa isang garden, may light charge pa pala
Sa TikTok video na ini-upload ni Lindsey noong November 11, 2023, makikita ang kanyang ama—na hindi na niya sinabi ang pangalan—na may hawak na paper bag.
Isang babae—na mahihinuhang ang ina ni Lindsey—ang nagbasa ng mensahe ni Lindsey sa ama.
Read: Genius na may master's at doctorate degrees, piniling maging jobless

Read: Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone na hindi password-protected; nag-shopping gamit ang e-wallet
Ang bahagi ng kanyang message: "Money was tight, so you were selling your most prized possession—at least I viewed it as that.
"I felt your sacrifice and it taught me that I would do whatever necessary to ensure my future family never needed anything. It was a lesson that has stuck with me since that moment."
Dagdag pang mensahe mula kay Lindsey: "As you got back in the car with extra cash to pay for whatever—bills due, groceries needed—my 7-year-old mind was determined to repay you."
Read: Kid wins badminton tournament; buys gift for helper
Ani Lindsey, makalipas ang tatlong dekada, natupad niya ang kanyang childhood promise.
Aniya pa sa mensahe sa ama: "I will never be able to fully repay that debt.
"Seven-year-old me would be so elated to see that I finally fulfilled that promise I made to myself. Thank you for everything."
Sa video ay makikitang umiiyak ang kanyang ama habang nakikinig sa kanyang message para rito.
Sambit ng kanyang ama nang simulang buksan ang paper bag: “I know what it is.”

Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter
Kita ang galak sa mukha nito nang tuluyang makita ang regalo ni Lindsey—ang football rookie card ni Dan Marino.
Tumayo ang kanyang ama at yumakap nang mahigpit kay Lindsey bago ito tuluyang umiyak.
Ang mint condition na Don Marino rookie card ay nagkakahalaga ng US$350 o PHP19,456.68.
Kung may original signature ni Dan, ang presyo nito ay nasa US$475, o PHP26,405.49.
Read: Son-in-law hindi welcome sa bahay ng biyenan, bakit kaya? Netizens pabor sa desisyon ng biyenan
