PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maricel Laxa: Donny Pangilinan once “nalulong sa Mobile Legends”

"Kapag kumakain na kami...‘Donny, it’s time to eat...' Ay, hindi dumarating!"
by Rose Garcia
Published Jan 13, 2024
Maricel Laxa, Donny Pangilinan, Anthony Pangilinan
Donny Pangilinan acknowledges constant guidance from mom Maricel Laxa and dad Anthony Pangilinan helped him set limitations for play time.
PHOTO/S: Rose Garcia

Inamin ni Maricel Laxa na saksi siya nung minsang naadik sa online games ang anak niyang si Donny Pangilinan.

Napansin daw niya na pati sa paglalaro ng online games ay todo ang effort ng anak.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricel kasama ang anak na si Donny at mister na si Anthony Pangilinan sa presscon para sa GG noong January 10, 2023.

Kuwento ni Maricel: "Si Donny is the kind of person na kapag may pinasukan siyang bagay, one-hundred percent, gagawin niya iyon.

"For example, rubiks cube. Noong bata siya, nabubuo niya iyon nang mabilis, tapos gusto niyang turuan ang kapatid niya.

"Yung kapatid niya, hindi ma-gets. So ang ginawa niya, step by step, from step one hanggang sa makabuo ng rubiks cube.

"So, kapag meron siyang game na gustong matutunan, talagang gusto niyang mag-excel don at talagang maging at the top level."

Sabay pambubuking niya kay Donny, "So fast forward na tayo noong malaki na siya, medyo nalulong sa Mobile Legends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag kumakain na kami, sasabihin ko, ‘Donny, it’s time to eat.’ 'Yes, Mama. Yes, Mama, I’m coming.' Ay, hindi dumarating!"

Ang Mobile Legends ay isang online multiplayer game na kinaaadikan ng mga kabataan.

Hindi naman kinontra ni Donny si Maricel.

Dagdag ni Donny sa kuwento ng ina, "Ang ginagawa niya, tinatawagan niya ang cellphone ko. Kapag tinatawagan niya ang cellphone ko, makikita sa screen, mag-stop ang laro. Kailangan kong bumaba, wala na akong choice."

Natatawa na lang pareho ang mag-ina.

Read: Donny Pangilinan, hindi ligtas sa mga gawaing-bahay kahit sikat na

SETTING BOUNDARIES

Isang e-sport movie ang GG (Good Game), ang pelikulang pinagbibidahan ni Donny kasama ang kanyang ina na si Maricel.

Kasama rin sa cast sina Gold Aceron, Johannes Isler, Igi Boy Flores, at Baron Geisler.

Co-producers ang Cignal Entertainment, Create Cinema, at Mediaworks, isang talent management at production company na pag-aari ni Anthony.

Tumatalakay ang pelikula sa online games na kinahuhumalingan lalo na ng mga kabataan ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa karanasan ng anak, napagtanto raw ni Maricel na hindi dapat basta husgahan ang recreational activities ng kabataan.

"Maraming times na sinasabi ko, 'Huwag tayong maging judgmental.'

"Maraming times na nakayuko si Donny, pero hindi naman siya naglalaro ng games.

"Minsan, nagbabasa lang or kaya may sino-solve lang na puzzles," saad ni Maricel.

Ang kailangan lang daw ay tamang gabay sa anak.

"Yes, dadaan ka talaga doon, hindi maiiwasan na ma-enjoy ng mga bata yung mga games. Pero I think, bilang magulang, kailangan tayong maggawa ng mga boundaries," ani Maricel.

Sabay tanong ni Maricel kay Donny, "Healthy boundaries help you, right? At ano ang mga natutunan mo sa mga boundaries na iyon?”

Sumang-ayon si Donny sa ina.

Sabi ni Donny, "Yes, totoo naman. Too much of anything naman is wrong. I think, with moderation.

"Siyempre, kailangan na naiisip mo yung ibang priorities mo."

Sabay paliwanag din ni Donny, "But you also have to understand people who go through this.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi, baka yun [reward] mo sa araw na iyon, sa kabila ng trabaho. Baka it’s your way of meeting people, it’s your way of expressing yourself.

"There are so many sreason why we people do it."

Tinanong ng PEP.ph si Donny kung naiinis o nagagalit siya kapag naiistorbo ang kanyang paglalaro, tulad ng pagtawag sa kanya ni Maricel kapag kainan na.

Kadalasan sa mga gamer, ayaw paistorbo sa paglalaro.

Natatawang pag-amin ni Donny, "Naiinis! Mananalo na nga kami... Ano ang gagawin ko? Tumatawag siya."

Bawi rin ng binata, "Hindi, joke lang. Nage-gets ko naman iyon.

"Siyempre, dinner time, nandoon na ang lahat sa baba, e, nag-ge-games pa ako sa taas.

"So, sa mga ganoon bagay, dapat limitahan ko rin ang sarili ko."

Siniguro naman ni Anthony na hindi sila nagkukulang ni Maricel sa paggabay sa anak, at lagi raw bukas ang komunikasyon nila.

"Kung hindi man gaming, pagba-basketball, sobra sa pagdyi-gym, sobra sa pamimili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That’s why kailangan pamilya, kailangan ng kaibigan, kailangan barkada, kailangan natin ng komunidad, kailangan natin ang isa’t isa.

"So, I think, that’s one thing—hindi siya nag-iisa. May mga kaibigan siya, may kabarkada siya, nandiyan po kayo. We all need each other."

Read: Happy surprise for siblings Donny and Hannah Pangilinan during breakfast date with parents

ON BEING WITH THE RIGHT PEOPLE

Sang-ayon si Donny na malaking bagay na napapalibutan siya ng pamilya at mga kaibigang sumusuporta sa kanya.

Aminado si Donny na malaki ang expectation sa kanya ng iba na maging magandang ehemplo dahil sa maayos na pagpapalaki sa kanya ng mga magulang.

"Palagi po akong natsa-challenge every day," pag-amin ni Donny.

"I think, importante lang na we know our purpose. Hindi rin ako pinabayaan ni God, and lagi siyang nandoon sa ating lahat.

"And I think, hindi mo talaga kaya na ikaw lang. Kasi, parang trip lang iyan. Kung ikaw lang mag-isa sa giyera, wala, patay ka na, talo ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At the end of the day, don’t go through life alone."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donny Pangilinan acknowledges constant guidance from mom Maricel Laxa and dad Anthony Pangilinan helped him set limitations for play time.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results