PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kid to Dad 'You’re Ruining My Life!' iPhone 15 Pro Max

Si Daughter lang daw kasi ang walang iPhone 15 Pro Max sa kanyang squad.
by KC Cordero
Published Jan 27, 2024
Photo of iPhone 15 Pro Max and an emotional daughter
Kung ikaw ang ama (o parent) ng 11-year-old daughter, bibilhan mo ng iPhone 15 Pro Max dahil siya lang sa kanyang grupo ang walang ganitong smartphone?

Ibinahagi ng isang Reddit user na may handle na Able_Texas5286 last January 21, 2024, ang kanyang kuwento tungkol sa 11-year-old daughter.

Nagpapabili daw sa kanya ang anak ng iPhone 15 Pro Max.

Inilunsad ng tech giant company na Apple ang iPhone 15 Pro Max last September 2023.

Sabi ni Able_Texas5286 sa kanyang anak, hindi niya ito kayang bilhan ng naturang smartphone na ang presyo ay nasa PHP84,500.

Read: Magkano ang iPhone 15, at anu-ano ang key features?

Photo of iPhone 15 Pro Max

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joey Reyes first buyer ng iPhone 15; first buyer din ng iPhone 14 last year

Ibinahagi rin ni Able_Texas5286 na may lumang iPhone naman ang kanyang anak.

Nagpapabili ito ng bago dahil lahat ng mga kaibigan nito ay naka-iPhone 15 Pro Max.

Ani Able_Texas5286, “We gave her a phone two years ago, it was an old iPhone 8 of mine.

“She mainly uses it for calling texting with friends and social media.”

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

Tinanggihan man niyang bilhan ang anak ng iPhone 15 Pro Max, binigyan niya ito ng option.

Inalok niya ito na iPhone 13, na ang presyo ay nasa PHP42,990.

"I thought the iPhone 13 would be a good option as it has good camera and battery life; and it looks the same as every other iPhone.”

Read: iPhone bumagsak mula 16,000 feet above dahil sa Alaska Airlines plane accident; gumagana pa rin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tinanggihan iyon ng kanyang anak.

“She specifically wanted the iPhone 15 Pro Max because apparently it plays console level games and has a 120 Hz display," ayon pa kay Able_Texas5286.

Para sa kanya, pag-aaksaya lang iyon ng pera.

Ano ang naging reaction ng kanyang anak?

"My daughter then got mad at me and said I'm ruining her life and that her best friend has a 15 Pro Max."

Dahil dito, ikinukonsidera umano nilang mag-asawa na bilhin na lang ang hiling ng anak.

At pag nabili na nila, sasabihin nila rito na, “...it's a big gift.”

Ang post ni Able_Texas5286 ay nakakuha na ng 9.6K comments mula sa netizens.

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

Screenshot of Reddit post

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo

Pagbabahagi ng isang nagkomento, kapag nakarinig ang isang ama sa kanyang anak ng phrase na “You're ruining my life!" nang hindi lang isang beses, epektibo umanong nagagampanan niya ang pagiging ama.

Ibig sabihin daw kasi, marunong siyang magdisiplina ng anak.

Payo naman kay Able_Texas5286 ng isang user, huwag hahayaang magpaapekto sa nararamdamang guilt kung hindi maibigay ang gusto ng anak.

Dagdag pa nito, “An iPhone 13 is still a new and good phone."

Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max

Sambit ng isa pa, hindi kailangan ng isang onse anyos na bata ang PHP84,500 na smartphone.

May nagsabi rin na kung hindi makakasira ng buhay ng isang matured na ang hindi pagkakaroon ng 1Phone 15 Max Pro, lalong hindi masisira ang buhay ng isang onse anyos na wala nito.

Paalala naman ng isa pang nagkomento kay Able_Texas5286, “If you get her the phone she wants, you're teaching her that her drama-behavior gets her everything she wants. It will be a downward spiral from there... trust me!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: First-gen factory sealed 2007 iPhone, nabenta ng mahigit PHP3M

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung ikaw ang ama (o parent) ng 11-year-old daughter, bibilhan mo ng iPhone 15 Pro Max dahil siya lang sa kanyang grupo ang walang ganitong smartphone?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results