Nag-viral ang TikTok video ng isang ama na karga ang malaking gray pit bull habang akay-akay ng isa niyang kamay ang anak na lalaki.
Halatang mabigat ang aso, hingal na hingal at nakalawit ang dila habang nakasakay sa balikat ng lalaki.
Makikitang tumawid ang tatlo sa kalsada at nagpatuloy sa paglalakad sa sidewalk.
Ang video ay in-upload ng Mexican na si Luz Elena na may handle na @lega819.
Read: Dog poops on live TV broadcast, shocking anchor

Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away
Maya-maya pa, kasunod na nila ang isang babae na may tulak-tulak na three-wheeled stroller na may kargang item na nasa malaking kahon.
Ang video ay nilagyan ni Luz ng caption na: “Cuando tu prioridad es tu perro no el niño.”
Roughly translated, ang ibig niyang sabihin ay: “When your priority is your dog, not the kid.”
Read: Pet cat accidentally shipped to Amazon warehouse
VIDEO SPARKS DISCUSSION ABOUT FAMILY PRIORITIES
Ang video ni Luz ay nakakuha na ng 4.7 million views at halos 6K comments.
Bagaman at una itong nai-upload noong May 2, 2022, madalas itong mag-resurface sa iba’t ibang social media platforms at news sites.
Naging mitsa ito ng talakayan tungkol sa “family priorities” ng netizens na nagkomento dahil na rin sa inilagay niyang caption.
Paalala ng isa kay Luz, hindi niya alam ang tunay na kuwento sa likod ng mga eksena kaya hindi siya dapat maging judgmental.
Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages

Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!
Isang TikTok user din ang nagsabing posibleng naglakad na lang ang bata dahil ang kanyang stroller ay ginamit ng kanyang ina na may ikinargang mukhang mabigat.
May speculation naman ang isa pang TikTok user, “Maybe dog is sick?”
May mga netizens ding nagsabi na tama lang na kargahin ng dad ang pit bull dahil mainit ang kalsada at sensitive ang paws ng aso sa heat.
Nakasapatos naman umano ang bata kaya protektado ang mga paa nito.
Bulalas ng isa, “This is actually super sweet.”
Read: Golden retriever pup named Shamrock born with lime green fur
Isa rin daw itong magandang pagsasalarawan sa interspecies families, kung saan ang fur baby ay itinuturing na isa sa mga anak ng pamilya.
Komento ng isang netizen tungkol sa daddy, “He is showing a lot of empathy and responsibility for his pet and his son because he takes him by the hand, a thousand blessings."
Read: Meet Bao the Chihuahua, travel and fashion vlogger
Sambit ng isa pa, “Super dad. I would have done the same. Kid has shoes on, and the doggy doesn’t. It looks hot too. And the mom is behind with the stroller so if the baby wants to sit, I’m sure they would put him in the stroller, no problem.”
May nagsabi rin na hindi siguro dog owner si Luz kaya hindi nito alam kung paano binabalanse ng fur parents ang pagtingin sa pagitan ng kanilang mga anak at ng kanilang fur babies.
