“Kinarma” ang isang tindera nang pinagtinda ang binatilyong anak para turuan ito ng leksiyon.
Nais ng ina na matutunan ng anak kung gaano kahirap ang kumita ng pera kung walang pinag-aralan.
Bumaba kasi ang school grades ng 17 anyos na binata at nawawalan na ito ng ganang mag-aral.
Pero ang ending, nag-drop out sa school ang binata matapos kumita ng $1,400 (PHP78,000) sa pagtitinda sa loob lamang ng 10 days.
Si Deng ay tindera ng fried chicken sa bangketa sa Jiaxing, Zhejiang province sa China.
Ang anak niyang si Shen ay kumukuha ng culinary arts sa isang vocation school, ulat ng South China Morning Post (SCMP) nitong September 9, 2024.
Nang pagalitan ni Deng ang anak dahil sa low grades, sumagot ang binatilyo na ayaw na nitong mag-aral dahil “studying is meaningless.”
Inakala ni Deng na kung mararanasan ng anak ang hirap ng pagtitinda ay seseryosohin nito ang pag-aaral.
Sabi ni Deng, “He didn’t want to face the struggles of school, so I wanted him to tackle the challenges of real life instead. Making money isn’t easy.”
Read: Grandmother, 80, joins Miss Universe South Korea 2024
mom kaes son sell SNACKS
Gumawa ng snack stall si Deng, at gagamitin ng anak ang e-bike sa pagtitinda.
Nasorpresa ang ina dahil nakita niyang naging masigasig ang kanyang anak sa pagtitinda.
Lumalabas na per day ay kumita si Shen ng 1,000 yuan o PHP7,800).
Bahagi ng kanyang tagumpay ang pagkakaroon ng loyal customers.
Kuwento ng ina, gigising ang anak at aayusin nito ang mga gamit sa pagtitinda ng 9:00 a.m.
Pagsapit ng hapon, bibiyahe ito ng 13 kilometers papunta sa kanyang puwesto. Magbubukas ito ng tindahan ng 4:00 p.m.
Magdamag na magtitinda ng fried chicken si Shen at makakauwi ng 3:00 a.m.

Read: How architects deal with clients who believe in feng shui
Pero dahil sa laki ng kanyang kinita, lalo lamang naengganyo si Shen na tumigil na sa pag-aaral at karirin ang pagtitinda.
Desidido ang binatilyo.
Hindi nagtagumpay ang tindera sa kanyang plano, pero hindi niya maiwasang purihin ang anak sa kasipagan nito.
Ang plano ngayon ni Shen ay makaipon ng pera at bumili ng sarili niyang e-bike.
“He is very diligent. I didn’t expect him to get so addicted to the work,” sabi ni Deng sa SCMP.
Mukhang tinanggap na ni Deng ang desisyon ng anak na huminto na sa pag-aaral at magtinda na lamang.
Sabi ng ina, “As parents, all we can do is provide our support.”
Pahayag pa niya, hindi magiging masaya ang kanyang anak kung hindi ito mabubuhay sa kanyang kagustuhan.
“My priority is for my son to be healthy and happy. I only need to guide him to not do anything illegal.”
Sa kabilang banda, mainit na pinag-usapan ang kuwento ng mag-ina sa Chinese social media, tulad ng Weibo.
May ilang nagkomento na hindi raw sa lahat ng pagkakataon ay edukasyon ang sagot para sa magandang buhay.
Isa rin daw “valuable option” ang pag-master ng isang skill na gagamitin para sa kabuhayan.
Binanggit din sa artikulo na kilala ang Chinese parents sa pagiging strikto sa pagdidisiplina kanilang mga anak.
Pero nakikita raw ngayon ang pagbabago sa approach ng Chinese parents. Mas inuuna raw nila ngayon ang physical at mental well-being ng kanilang mga anak kesa sa academic performance.
