Super proud si Beaver Lopez sa tatlo niyang anak sa ex-wife niyang si Jackie Ejercito.
Bago sila naghiwalay 10 years ago, umabot ng 14 years ang pagsasama nila ni Jackie at nagkaroon sila ng tatlong lalaking anak: sina Manu, Jack, at Luis.
“When I separated, my eldest was only 14. Si Jack was 9 or 8. Luis was a baby. My gosh, di ba?” kuwento ni Beaver sa press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa isang mini-presscon para sa party list niyang Partido sa Bagong Pilipino (PBP).
Pero masaya si Beaver na successful ang kaniyang mga anak kahit na hindi buo ang kanilang pamilya.
“But Manu finished college, magna cum laude. Took up his Master’s after. He’s now working for Grab. Si Jack, sophomore, dean’s lister. Si Luis, he’s now Grade 7.”

Ginanap ang mini-presscon sa The Rockwell Club, Makati City, noong January 23, 2025.
beaver lopez on co-parenting with ex-wife jackie ejercito
Si Beaver ay anak ng namayapa nang si Manolo Lopez, na dating chairman ng ABS-CBN Holdings.
Si Jackie naman ay anak ng dating Pangulo na si Joseph “Erap” Estrada.
Matatandaang naging historic ang kasal nina Beaver at Jackie noong 1999 dahil ginanap ito sa Malacañang Palace.
Pero naghiwalay ang dalawa taong 2014.
Matapos ang kanilang separation, nagkaroon sina Beaver at Jackie ng co-parenting set-up.
Hindi man sila magkasama sa iisang bubong ay maayos nilang napalaki ang mga bata.
“I think the co-parenting really molded the kids to be who they are today. I think that’s the most important thing right now.
"We’ve become close friends and, most importantly, we worked to take care of our kids e,” sabi ni Beaver.
Pinuri niya rin si Jackie dahil naging “magaling” daw itong nanay.
Thankful siya na kinaya ni Jackie na alagaan ang mga anak nila habang nag-focus si Beaver sa pag-manage ng ilang mga negosyo.
Kasama sa mga pinamunuang kumpanya ni Beaver ay ang TFC, Sky Cable, at Rockwell Land. Nakapagtayo rin siya ng sarili niyang BPO company.
“What I realized, pag upbringing talaga, kailangan yung mom talaga. There are things that the mom does in rearing the kids. May iba, iba talaga yung mothers,” sabi pa ng 57-year-old businessman.
THE PERFECT TIMING FOR BEAVER LOPEZ
Plataporma ng PBP na tulungang umunlad ang mga mahihirap na barangay sa Caraga region at iba pang lugar sa bansa.
Itinatag ito ng kaibigan ni Beaver na si Atty. Gregorio “Goyo” Larrazabal, na dating commissioner sa Commission on Elections (COMELEC).
Si Goyo ang first nominee sa PBP, habang si Beaver naman ang second nominee.
Tinanong ng PEP kung bakit naisipan ni Beaver na pasukin ang pulitika.
Saad niya, perfect timing daw ito dahil nararamdaman niyang puwede nang hindi masyadong tutukan ang mga anak.
“Part of the reason why I said I can run na, puwede na medyo bitawan, let go of the kids.
"When they were growing up, especially the first few years of my separation, I had the kids pag weekends, e. Saturday to Sunday,” sabi niya.
Happy si Beaver na kasama niya si Jackie at ang mga anak sa araw ng pag-file nila ni Goyo ng Certificate Of Nomination and Acceptance (CONA) sa COMELEC noong October 2024.
Masaya rin siya na tumutulong ang pamilya niya sa pagkampanya. Recently lang ay dinala ni Jackie ang kanyang mga campaign posters sa isang medical mission sa Sta. Rosa, Laguna.
“Friday night, I got a call from my son Manu. He said, 'Dad, can you send campaign materials to the house?'
"E, nasa labas ako, so I said, 'Sige, sige, uuwi na ko. I’ll go home na para the driver can bring it to the house.'
"The following day, before noon nakita ko na yung mga posts sa medical mission nilagay yung posters ko. I was so touched.
"Sabi ko, hopefully, we can do more of this going forwards,” kuwento ni Beaver.
Bukas din siya na humingi ng campaign tips mula kay Jackie, dahil sanay ito sa pagkakampanya para sa ama at mga kapatid na sina JV at Jinggoy Estrada.
Sasama kaya si Jackie sa mga campaign events ng PBP?
“Probably if she wants to campaign. Everyone’s invited to campaign. The more the many-er. Magaling si Jackie sa campaigning, alam na alam niya iyan so sabi ko ko kukuha ako ng sikreto niya pang-kampanya sa probinsiya,” sagot ni Beaver.
Read:
Pancho Magno, Max Collins practice positive co-parenting
Dennis Padilla's ex-partner Linda Gorton denies co-parenting setup
Kris Lawrence talks about co-parenting set-up with Katrina Halili
NOTICE: This article falls under promotional material for a politician's candidacy.