PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera on why heart-to-heart talk with her kids is a must

Marian Rivera makes it a point to prioritizes her kids over projects.
by Jojo Gabinete
Published Jan 30, 2025
marian rivera children
Marian Rivera on how Zig and Zia Dantes deal having celebrity parents: "Malinaw sa aming mag-asawa na hindi na kailangang malaman ng mga anak namin kung anong klase kaming mga artista. Basta ang sinasabi namin, 'Marangal ang trabaho namin. Proud kami sa trabaho namin. Dahil sa trabahong ito, nagkakilala kami. Dahil sa trabahong ito, nag-aaral kayo ng kapatid mo.'"
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram

Napansin ng entertainment press ang bagong hairstyle ni Marian Rivera sa contract signing nito bilang celebrity ambassador ng Luxe company ng businesswoman na si Anna Magkawas

“I am so in love. I am super in love,” sagot ng Kapuso Primetime Queen sa mga reporter.

Ginanap ang muling pagpirma ni Marian ng kontrata bilang endorser ng Ecran de Luxe Silicone Sunscreen Gel nitong Huwebes ng umaga, Enero 30, 2025, sa bar sa Makati City na pag-aari ni Alden Richards.

Read: PEP Most Influential 2024 Box-Office Royalty: Marian Rivera

MARIAN RIVERA'S BIGGEST CHALLENGE AS A MOTHER

Ang mga hamon ng pagiging isang ina ang kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Poral) kay Marian.

May dalawang anak si Marian at ang mister niyang si Dingdong Dantes: sina Zia, 9, at Zig, 5.

dantes family dingdong marian zia zig
The Dantes Family: Dingdong, Marian, Zia, and Zig
Photo/s: @marianrivera on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng aktres: “Ang pinakamahirap na parte ng pagiging ina, kapag yung mga anak ko pumapasok, mas marami na yung time na nasa school sila.

"So, kailangan, kapag uuwi ng bahay, hindi puwedeng matapos ang araw na hindi ko hina-heart-to-heart talk.

“Alam mo yung kinakausap ko talaga yung mga anak kung anong nangyari sa school nila, kung ano ang mga dapat namin na i-improve.

"So, palagi akong involved sa kanila at hindi puwedeng hindi."

Read: Marian Rivera moved by Olivia Rodrigo's surprise for Zia

Wala raw pakialam si Marian kung sabihan siya ng iba na stage mother.

"Okay lang kahit sabihin na stage mom, I don’t care," sabi ng 40-year-old celebrity mom.

“Nandun ako sa stage na poprotektahan ko yung mga anak ko hanggang kaya ko at maitutuwid ko kung ano yung nakikita kong hindi okay.

"Basta every night, hindi puwedeng hindi kami nag-uusap ng mga anak ko.

“Siguro yon minsan ang pinakamahirap kasi pagod na sila sa school, e, ang daldal ko pa rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, kailangan mapiga ko kung ano yung mga nangyayari sa kanila.

“So, yun ang challenge sa akin na kahit na pagod ako, kahit anong ginagawa ko, kailangan mas marami akong time sa mga anak ko.

"Hindi puwedeng, 'Pagod ako, bukas na.'

“Never akong magpapabukas basta pagdating sa mga anak ko.”

Read: Marian Rivera and Dingdong Dantes bring kids to Dubai

marian rivera son zig dantes
Marian Rivera with five-year-old son son Zig Dantes
Photo/s: @marianrivera on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARIAN ON BEING CHOOSY ABOUT HER PROJECTS

Ang mga anak nila ni Dingdong ang dahilan kaya limitado at piling-pili ang mga proyekto sa telebisyon at pelikula na tinatanggap ni Marian.

Ito ay dahil sa kagustuhan niyang masubaybayan ang lahat ng mga ginagawa ng kanilang mga anak na mabilis ang paglaki.

Isang insidente na kinasasangkutan ni Zia ang ikinuwento ni Marian kaya lalong tumibay ang desisyon nitong unahin ang kanyang pamilya kesa mga trabaho niya.

Kuwento niya: “May isang pagkakataon na meron akong endorsement, launching day. Nagkataon na speaker siya [Zia] sa school.

“Sabi ko, ‘Anak, hindi kita mapupuntahan.’

“Sabi niya, 'Okay, Mama. If you will not go to school, hindi na ako magiging speaker. I will just out myself…'

“Sabi ko, oh my God. So, pinakiusapan namin yung endorsement, baka puwede nating iusod.

“Naiusod naman dahil lahat naman ng mga iniendorso ko, alam nila talaga na priority ko talaga ang kids ko. So, na-adjust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malinaw sa kanila at sa akin na hindi puwedeng ma-miss ko ang lahat ng activities nila sa school. Yun din ang challenging, yung schedule.”

marian rivera daughter zia
Marian Rivera and her nine-year-old daughter Zia Dantes
Photo/s: @marianrivera on Instagram

ON ZIA HAVING CELEBRITY PARENTS

Paano tinatanggap ni Zia na mga sikat na personalidad sa entertainment industry ang kanyang mga magulang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Marian sa PEP.ph: “Alam nila kung ano ang trabaho namin, pero ayaw naman namin i-implement kung sino kami.

"At para sa amin, hindi naman mahalaga.

“Ang mahalaga sa amin ay yung brands na nagtitiwala sa amin, yung pagmamahal namin sa trabaho, at kung paano kaming mga magulang para sa mga anak namin.

“Siguro bonus na lang kung may makita silang, ‘Mom, I saw your billboard up there.’ 'Kamukha ko lang yan.'

“Itini-treat lang namin as a joke, pero malinaw sa aming mag-asawa na hindi na kailangang malaman ng mga anak namin kung anong klase kaming mga artista.

“Basta ang sinasabi namin, 'Marangal ang trabaho namin. Proud kami sa trabaho namin.

"'Dahil sa trabahong ito, nagkakilala kami. Dahil sa trabahong ito, nag-aaral kayo ng kapatid mo.'"

Read: Dingdong Dantes, Marian Rivera renew wedding vows

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on how Zig and Zia Dantes deal having celebrity parents: "Malinaw sa aming mag-asawa na hindi na kailangang malaman ng mga anak namin kung anong klase kaming mga artista. Basta ang sinasabi namin, 'Marangal ang trabaho namin. Proud kami sa trabaho namin. Dahil sa trabahong ito, nagkakilala kami. Dahil sa trabahong ito, nag-aaral kayo ng kapatid mo.'"
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results