PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong Navarro recalls hardships when he was "batang ama"

He’s now making up for lost time with his sons, Freidriek and Yce.
by Noel Orsal
Published May 12, 2025
Vhong Navarro recalls hardship of being "batang ama"; shares how he makes up for lost time with sons Freidriek and Yce
Vhong Navarro on spending quality time with sons: "Kasi ngayon, mas nasa akin na sila, simula nung nag-high school na sila. Dun ako bumabawi ng mga oras, mga time na hindi ko sila kapiling." Seen on the right are Vhong with his wife Tanya (carrying an LV bag) and his sons Freidriek (in plaid top) and Yce (in black jacket).
PHOTO/S: Noel Orsal / @vhongx44 Instagram

Aminado si Vhong Navarro, 48, na marami siyang pagkukulang sa dalawang anak dahil sa pagiging "batang ama" niya noon.

Binata na pareho ngayon ang mga anak ni Vhong.

Ang panganay niyang si Freidriek ay nagtapos ng Informational Technology sa University of Santo Tomas (UST) noong 2020.

Read: Vhong Navarro's eldest son Fredriek graduates from college

Ang bunso niyang si Isaiah Vhong, a.k.a. "Ice," ay nagtapos ng Communication Arts sa UST noong 2022.

Read: Bianca Lapus on amicable co-parenting set-up with Vhong Navarro

"Bata rin ako naging ama. Tapos nung naging ama ako, ito rin yung ka-busy-han ko nung time ng Streetboys days," bungad ni Vhong sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Read: Streetboys, naging emotional sa kanilang reunion dance concert

"So, parang yung anak ko, medyo hindi kami… I mean, bihira ko siyang makita.

"So, para siyang ito nga yung kailangan mong makuha yung loob niya, magpakilala ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang ganun, e, adjustment para maging close kayo."

Anong effort ang ginagawa niya para mapunan yung mga pagkukulang niya nung panahong yun?

Sagot ni Vhong, "Tuwing weekend ko lang sila nakikita, kasi dun talaga sila sa mga mom, mommies nila. Kasi magkaiba yung mommy nila..."

Si Freidriek ay anak ni Vhong sa dating non-showbiz partner, habang si Yce ay anak ng actor-host sa ex-wife na si Bianca Lapus.

Patuloy ni Vhong: "So pag weekend, talagang kung ano yung kaya kong maibigay na oras, binibigay ko.

"Kasi ang problema rin that time, kapag weekend, yun din yung shows, raket.

"Siyempre, kapag nagsisimula ka pa lang, di ka naman puwedeng tumanggi sa mga blessings na yun, so, kumbaga, kailangan mo lang sumunod sa mga kailangang gawin.

"Hindi tulad ngayon, ngayon puwede ka nang mamili kung ano yung project na gusto mong gawin, kung uunahin mo ba pamilya mo o yung project."

Tanggap ni Vhong na noong bata pa ang mga anak ay maaaring may tampo ang mga ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi noon, parang hindi nila kayang intindihin, e. Kasi ngayon, mas nasa akin na sila, simula nung nag-high school na sila.

"So dun ko sila sinisimulan, dun ako bumabawi ng mga oras, mga time na hindi ko sila kapiling.

"So dun ko nabibitawan yung mga kuwento kung bakit pag weekend, minsan ang sumusundo sa kanila, yung lolo nila, hindi ako. Tapos pagdating nila sa bahay, wala ako."

VHONG NAVARRO ON YCE ENTERING SHOWBIZ

Taong 2024 nung pasukin ni Yce ang showbiz. Nagkaroon daw ng idea ang binata tungkol sa pinagdaanan ng kanyang ama.

"Yung bunso ko, nag-aartista na siya.

"Dun niya na-experience na, 'Ah, ganito pala yung buhay. Ito pala yung trabaho ng tatay ko.'

"Parang naiintindihan na niya kung bakit hindi ka maka-hindi, kailangan mong gawin yung trabaho."

Matagal na raw gusto ni Yce na pumasok sa showbiz, pero hindi raw pumayag si Vhong hangga't hindi nito natatapos ang kolehiyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumailalim si Yce sa acting workshop ng Dreamscape, ang content provider ng ABS-CBN, bago ito sumabak sa FPJ's Batang Quiapo.

Lubos daw ang pasasalamat ni Yce kay Coco Martin, ang actor at creative director ng serye, dahil sa pagkakataong mapabilang sa number one action serye ng ABS-CBN.

Read: Vhong Navarro’s son Yce joins the cast of FPJ’s Batang Quiapo

VHONG NAVARRO TO STAR IN CHILD NO. 82

Nakapanayam ng PEP si Vhong sa presscon ng Child No. 82, isang fantasy-comedy-drama film na ipapalabas sa Cinemalaya Film Festival sa October 2025.

Ginanap ito sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City noong Sabado, April 12.

Ang Pinoy Big Brother Gen 11 ex-housemate na si JM Ibarra ang gaganap ng title role, habang si Vhong ang tatayo bilang ama niya.

Sa kuwento, isang sikat na action-fantasy movie star si Vhong at ang karakter ni JM ay isang senior high school student na determinadong patunayan na siya ang ika-82 anak ni Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Puwede ko siyang hugutin sa life part ko, bukod sa fantasy nga siya," saad ni Vhong, na may ideya kung paano maging batang ama.

Inaasahan ba niyang magkamit ng award sa film festival?

Sagot ni Vhong: "Para sa akin, hindi ko na hinahabol yung awards. Kumbaga, para sa akin, bonus na lang iyon.

"Basta ako, lagi kong goal na kung ano yung character ko, gusto ko lang talaga siyang ma-portray nang maayos, maibigay yung best ko, at magmarka yung pangalan ko sa character na yon.

"Kumbaga, sa mga nagawa kong pelikula, yung pag tinatawag ako, kasama iyon, di ba?

"Parang hindi lang si Vhong, si Mr. Suwabe, si X44, si Mang Kepweng, si Lastikman, si Totoy Bibo.

"Kumbaga, sana, ganun din siya sa Child No. 82."

Iprinodyus ng Outplay Media Production, ang pelikula ay ididirek ni Tim Rone Villanueva, na co-writer ni Herlyn Alegre sa screenplay.

Full-length film debut ito ni Villanueva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa cast sina Rochelle Pangilinan, Vance Larena, Kai Montinola, Irma Adlawan, Iya Mina, Che Ramos, Donna Cariaga, Dexter Doria, at Zairene Fernandez.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro on spending quality time with sons: "Kasi ngayon, mas nasa akin na sila, simula nung nag-high school na sila. Dun ako bumabawi ng mga oras, mga time na hindi ko sila kapiling." Seen on the right are Vhong with his wife Tanya (carrying an LV bag) and his sons Freidriek (in plaid top) and Yce (in black jacket).
PHOTO/S: Noel Orsal / @vhongx44 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results