Dalawa sa mga pangunahing artista sa pelikulang Fatherland ay sina Allen Dizon at Richard Yap.
Parehong ama ang dalawang aktor, kumusta sila bilang mga ama sa totoong buhay?
Unang sumagot si Richard, “As a father, ako, very chill, very cool ako!"
RICHARD YAP, NOT A STRICT DAD
Gusto raw niyang lumaking independent ang dalawa niyang anak.

Dugtong ni Richard: "I usually allow my kids to do what they want as long as maayos naman yung ginagawa nila.
“I just try to guide them as much as I can and show them the pros and cons of what they’re doing.
"Pero as much as possible, I make them decide on their own choices.
“Hindi ako yung istrikto na father, because I want my kids to experience and know what is right and wrong on their own, pero guidance lang talaga ang maibibigay natin sa kanila.”
Read: Ashley Yap reveals business lessons learned from dad Richard Yap
Ayon kay Allen, chill dad din siya sa apat na anak.
"Maluwag ako sa kanila, e. Hindi ako ganun ka-strict.
"Pero iyon nga, sabi nga nila, tayong mga magulang, bilang padre de pamilya, yung guidance natin, laging nandiyan.
"Lalo na yung generation ng mga bata ngayon, pag medyo mahigpit ka, sooner or later, gagawin pa rin nila yung gusto nila, e.
“So mahirap yun. Parang ibig sabihin, hindi ka nila sinusunod, pero sila yun. E, yun ang generation nila."

ALLEN DIZON, ALWAYS IN TOUCH WITH KIDS
Sinabi rin ni Allen kung paano niya binibigyan ng guidance ang mga anak.
“So, kailangan pa rin ng paalala araw-araw—umaga, hapon, gabi. So hindi ako nagkukulang sa kanila.
“Kahit may taping ako, may shooting ako, I make it a point na every night, pag nasa bahay na ba sila.
"Siyempre, para may peace of mind ka na, kasi, especially yung mga babae, iba na yung generation nila.
“So iyon, hanggan dun lang yung kaya nating ibigay sa mga anak natin, guidance talaga at walang sawang pagga-guide."
Read: Allen Dizon, franchisee ng dalawang kilalang restaurants
Ang Fatherland ay sa direksiyon ni Joel Lamangan, at ipinalabas sa mga sinehan simula kahapon, April 19, 2025.
Nakapanayam ng PEP.ph (PHilippine Entertainment Portal) at iba pang press sina Richard at Allen sa mediacon ng pelikula sa Ilang-Ilang Café sa Manila Hotel noong March 25.
Kasama rin sa cast ng Fatherland sina Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Kazel Kinouchi, Ara Davao, Jeric Gonzales, Rico Barrera, Abed Green, Angel Aquino, at Jim Pebanco.
Ang Fatherland ay mula sa produksiyon ng BenTria Productions ni Benjamin Austria at Heaven’s Best Entertainment ng line producer na si Dennis Evangelista.
