PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How Maja Salvador, Rambo Nunez look after daughter Maria

Maja on motherhood: "Totoong nakakapagod, pero worth it."
by Rommel Gonzales
Published May 15, 2025
How Maja Salvador and Rambo Nunez look after daughter Maria
Maja Salvador says one-year-old daughter Maria loves swimming at the beach. Seen on the right is a family photo of Maja, husband Rambo Nunez and Maria during their recent Cebu trip.
PHOTO/S: @maja Instagram

Hands-on mom si Maja Salvador sa anak nila ni Rambo Nunez na si Maria.

Isinilang si Maria noong May 31, 2024, less than a year mula nang ikasal sila ni Rambo noong July 31.

Siya raw ang nagpapalit ng diaper at ilang buwan daw siyang nag-breastfeed sa anak.

"Ngayon nag-stop na. Nag-dry na yung milk ko nung nag-diet ako, at tsaka balik-workout, nagsayaw-sayaw. Ganun daw yun, e, nagda-dry.

"Happy naman ako inabot ako ng eight months sa pagbe-breastfeed," kuwento ni Maja sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Katuwang ni Maja sa pag-aalaga kay Maria si Rambo.

"Sobrang close sila nung anak ko. Kasi sa mga pamangkin pa lang ni Rambo, isa yun sa kina-in-love-an ko, e, yung alam niya na mahilig siya sa bata, so iyon.

"Kumbaga, yung mga nakikita ko dati, nai-imagine ko dati, ngayon nangyayari na.

“Recently I had a show sa Ilocos Sur and La Union, so nagwo-work ako. E, yung anak namin gusto sa beach, mahilig mag-swimming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So naiiwan sa kanya, so silang dalawa nagsu-swimming. Tapos nakikita ko na lang yung photos and videos na sobrang nag-e-enjoy, so ayun,"

Ano ang best thing about motherhood?

"Everything," masiglang sagot ni Maja.

"Siguro yung gigising ka sa madaling araw, tapos may katabi ka ng little you, di ba?

"Mini me, so ang sarap sa pakiramdam. Hindi mo talaga mae-explain, e."

Nakakaramdam siya ng pagod?

"Totoong nakakapagod. Pero yung masarap na pagod, sulit, worth it," diin niya.

Maja, Rambo and Maria's recent plane ride to Cebu
Maja, Rambo and Maria's recent plane ride to Cebu
Photo/s: @maja Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Maja Salvador, inalala ang hirap na pinagdaanan sa panganganak

POST-PREGNANCY WEIGHT

Kuwinento rin ni Maja ang kanyang weight-loss journey pagkatapos manganak.

Hindi raw siya iyong tipong mabilis na naibalik ang kanyang goal na mabawasan ang timbang.

"Kung nakita niyo ako ang laki-laki ko!" bulalas niya.

Ano ang sikreto niya?

"Sa akin lang, hindi talaga nag-work iyong pag nagbe-breastfeed ka yung papayat ka, hindi iyon. Kasi lalo akong kumakain.

"Pero simula nung natapos na ako, January iyon, e, kapag ginugutom ko yung sarili ko, gutom talaga.

"Hindi ako kakain tapos workout, balik sa sayaw. So medyo mabilis nga yung pagpayat ko."

Read: Maja-Rambo daughter's baptism is celebrity filled

BACK TO HOSTING

Nakapanayam ng PEP si Maja sa presscon ng Emojination noong May 8, 2025, sa mediacon ng Emojination Season 5, na ginanap sa Launchpad Building sa TV5 sa Mandaluyong City.

Balik-trabaho si Maja bilang host ng naturang game show.

Ipapalabas ang Emojination Season 5 sa May 17, Sabado, 5:30 P.M. sa TV5; at ipapalabas din ito ng 8 P.M. sa BuKo Channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makakasama dito ni Maja bilang co-host ang Last One Laughing (LOL) Season 1 grand winner na si Chad Kinis, at nagbabalik din ang ever-energetic sidekick na si Chamy Aguedan.

Maja Salvador back to hosting Emojination Season 5 with Chad Kinis and Chamy Aguedan.
Maja Salvador back to hosting Emojination Season 5 with Chad Kinis and Chamy Aguedan.

Isasantabi ba niya ang pagiging boss ng kanyang talent agency na Crown Artist Management?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Maja, "Ah ano naman po iyan, kumbaga, isa ako sa owner, doon ako sa creative side.

"Si Ms. Vania, siya yung talagang manager na sobrang husay.

"So kahit na sobrang mag-focus akong magpaka-nanay, andiyan siya, siya yung nagma-manage ng management namin."

Si Rambo ano ang papel sa kumpanya?

"Silang dalawa ni Ms. Vania, at siyempre mas si Ms. Vania yung mas nagma-manage sa kanilang dalawa."

Read: Meet Crown Artist Management's diverse roster of talents

MAJA SALVADOR MISSES ACTING IN A TELESERYE

Ayon kay Maja, nami-miss na rin niya ang pag-arte sa teleserye.

"Puro meme ko na lang yung lumalabas," natawang saad ni Maja.

Tinutukoy ni Maja ang memes niya mula sa Wildflower, ang hit teleserye niya sa ABS-CBN noong 2017-2018.

Huling napanood si Maja sa Emojination Season 4 noong May 2024. Kasabay noon ang sitcom niya kasama si Vic Sotto, ang Open 24/7. Iprinodyus iyon ng MZet Productions, ang film company ni Vic, at umere sa GMA-7 mula May 2023-May 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling serye niya ang Niña Niño ng TV5 noong 2021-2022. Nag-renew siya ng kontrata sa TV5 noong April 2025.

Choice ba ni Maja na huwag munang magserye?

"Hindi naman, wala pa namang... Di ba may serye ako with TV5, but for now wala pa, so inuuna lang itong Emojination."

Ayaw daw niyang madaliin kung magkakaserye ba siya o kaya ay may posibilidad na magpelikula.

"Parang ayoko ring humingi ng update, kasi baka mamaya, 'Ay, kailangan ko nang mag-work!'

"Gusto ko na ba talagang mag work? Kaya ko na ba talagang iwan si Maria? Yung ganun.

"Yung parang siyempre as a new mom, andami kong restrictions ngayon.

"Na parang tulad ba ako ng dati na talagang every day magte-taping? Paano kung for airing ba iyan or iipunin ba muna natin? Yung mga ganun.

"So andami natin dapat i-consider."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador says one-year-old daughter Maria loves swimming at the beach. Seen on the right is a family photo of Maja, husband Rambo Nunez and Maria during their recent Cebu trip.
PHOTO/S: @maja Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results